Hindi na ako magpapaligoy-ligoy at aaminin ko na ang dahilan kung bakit tinatamad na akong magsulat. Oo,ikaw ang may kasalanan.
Dati, madami akong oras.Madaming oras na walang ginagawa kahit patong-patong na ang trabaho ko. Magaan noon,lagi ko kasing iniisip na may bukas pa, pwede namang bumawi. Kaya sa mga petiks moment ng buhay ko, nakakabuo ako ng kwento.
Mga kwento na madalas ay nabubuo ng biglaan na lamang. Yung sasagi na lang sa aking isip ang isang sitwasyon at bubuuin para makapagpatawa o madalas ay makapagpaiyak sa mga bumabasa. Mahilig ako sa sad ending, yun bang grabe ang kurot sa puso. Pwedeng patay ang bida, o kaya naman pagtataksil, o yung hindi sila magkakatuluyan. Nasawa na nga yata silang magbasa dahil iisa lang naman ang nagiging ending: pagiging sawi.
Aaaminin kong marami akong nagawang blog, ngunit iisa lang naman ang nagiging tema ng bawat blog ko: ang aking hinaing sa pag-ibig. Madalas kasi na magustuhan ko ang mga taong hindi naman nakatingin sa akin. Andun kasi yung excitement, yung kailangan mong gumawa ng paraan para mapansin ka niya, para mabigyan kahit na kakarampot lamang na atensyon. Para ba siyang isang challenge na kailangan kong ipanalo. Subalit, karamihan naman sa mga taong ito ay hindi nagiging akin. Mayroong malapit na pero bigla na lang liliko, mababago kung kailan asang asa na ako. Kaya naman dito sa blog ko nilalabas ang pagkabitter ko sa love.
Pero simula ng makilala kita, ewan ko ba parang nawalan ako ng gana. Biglang tumamlay ang bahay ko. Parang hindi ko mahagilap ang mga tamang salita at madamdaming pangyayari. Halos mabaliw ako tuwing titignan kong blangko ang pahinang nais kong sulatan, yung naiipon lang na drafts ang mga kwento at tuluyang mababaon sa limot. Ilang araw akong nafrustrate at nadepressed para lamang marealize ang isang bagay: Hindi na ako malungkot.
Mabilis na akong nakakatapos sa aking gawain. Gumuho na ang bundok kong trabaho. Ang noo'y mahirap na gawain ay naging madali. Nagkaroon ako ng sigla sa pagtatrabaho dahil sa'yo. Unti-unti nagkaroon na ako ng libreng oras. Pero yaong libreng oras na sinasabi ko ay libre talaga.Yung pepetiks ka na lang kasi wala na talagang gagawin, dahil maagap mong natapos ang lahat.
Ang mga oras na iyon, ay punong puno ng kulitan natin dalawa. Kahit pa nga paulit-ulit na ang ating pinag-uusapan para bang laging fresh and hot ang topic na iyong binubuksan. Hindi ako nagsasawang kausapin ka, kahit pa nga madalas ay inaapi mo ako, ok lang kasi nakakaganti rin naman ako sa huli. :)) Bawat mensahe na natatanggap ko kahit gaano kaikli ay nais kong basahin paulit-ulit. Para bang musika na umaaliw sa mga oras na ako'y nananamlay.
Maraming nagbago. Pinuno mo ng positive thoughts ang utak ko. Natutulog ako at nagigising na nakangiti. Parang baliw subalit naeenjoy ko ang pakiramdam na ganito. Parang walang mangyayaring mali o kung meron man alam kong may solusyon agad para dito. Ang bato kong puso ay pinalambot mo. Marami kang ibinalik sa buhay ko na noon ay akala kong mababaon na sa aking pagkatao at marami ka pang idinagdag na iba.
Siguro, sa mga susunod na araw, makakaisip din ako ng panibagong kwento. Sa ngayon kasi, gusto ko munang namnamin ang ganitong pakiramdam. Babalik ako, dahil alam ko isa ka rin sa patuloy na sumusuporta sa blog ko.Ang makulit na panget na palaging nagtatanong kung may bago akong sinulat dahil gusto niyang magbasa.
Oo, ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ako makagawa ng kwento.Kung bakit matamlay ngayon ang bahay ko. Pero, hindi ako nagsisisi kasi ikaw rin ang may sala kung bakit masaya ako ngayon. :)
Wednesday, September 22, 2010
Bakit tinatamad akong magsulat?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
aaawww... :)
ReplyDeleteang mahalaga,, happy ang heart! :)
ok lang yan sis..ang importante masaya ka..^_^
ReplyDeleteReminds me of this song... nalimutan ko ang title pero it's about someone keeping you busy hehehe. Nice one!
ReplyDeletejust write when you feel like writing. huwag ayaang makasagabal yang mga ganyang problems...
ReplyDeletehihi
Sometimes u need to air it to release some of it, so it won't blow up in a major major way
ReplyDelete