Pages

Sunday, September 19, 2010

The End

“Oi, Cheska kelan ka pa dito?”

Ayoko sana siyang sagutin. Ayaw ko nang magkaroon pa kami kahit katiting na oras para magkausap. Subalit kahit hindi ko siya lingunin alam kong andun pa rin siya at naghihintay. Sa tagal kasi na kilala ko siya kahit amoy ng breath freshener na ginagamit niya ay kabisado ko na. Dumating na nga ang araw na hinihintay ko. Yung sitwasyon na parehong ayaw at gusto kong mangyari. Ang makaharap ang taong pilit ko nang kinakalimutan.

“Ikaw pala Francis”. Nagkunwari akong abala sa pamimili ng damit ng aking pamangkin.

“May anak ka na? Ang bilis naman, kelan ka pa nag-asawa?”
“Hindi. Para sa pamangkin ko.”
“Sinong pamangkin? E di ba malalaki na sila Joshua”
“Pamangkin sa pinsan, nasundan si Paul eh”
Aba,ang sipag talaga ng pinsan mo ano. Gusto yatang magkaron ng basketball team”
“Siguro”
“E yung kuya mo,ilan na anak?”
“Dalawa”
“Matipid ano?”
“Yata”

Mukhang hindi niya ako titigilan sa tanong. Akala ko pa naman mapapansin na niya na wala akong balak makipagtsismisan sa kanya. Hindi tuloy ako makapagdecide kung ano bang bibilhin ko.

“Ano may napili ka na?”
Pabulong akong napaimik, “Wala pa, distraction ka kasi.”
“Anong sabi mo Eka?”
“Huwag mo nga akong tinatawag na Eka…”
“Di na ba ko mahalaga sa’yo?”
“Ano?”
“Never mind. Sabi mo kasi dati, ang tumatawag lang sa’yo ng Eka, yung mahal mo. I mean yung mga taong mahalaga sa’yo.”
“Basta, don’t call me by that name”
“Hanggang ngayon, magulo ka pa rin. Hindi mo pa rin alam kung anong gusto mo”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Wala kanina pa kasi tayo dito hindi ka pa rin makapagdecide kung anong bibilhin mo”
“May sinabi ba kong magstay ka? And besides, hindi ko pa makita hinahanap ko”
“Wala gusto lang kitang makasama habang hindi mo pa nakikita hinahanap mo.”
“Pwede ba Francis, wala akong panahon para makipaglampungan sa’yo. Nagmamadali ako.
“Sorry Eka, nadala lang. Tagal mo kasing nawala. Aaalis ka ba ulit?”
“Oo, di lang ako makatanggi sa pinsan ko."
“Ah ganun ba.”

Hindi na kami nag-iimikan habang namimili pa ako sa mga nakadisplay. Ayaw pa rin niyang umalis kaya hinayaan ko na lang siya..Sa wakas nakapili na rin ako. Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang magpaalam.

“Sige, Francis bayaran ko na ‘to. Mauna na ko sa’yo.”
“May iba ka na ba Eka?”
“Naku busy ako ngayon Francis, wala pa akong mabola. Sige na una na ‘ko”
“Wala na kami ni Eunice. Matagal na. Pwede na tayo.”

Saglit akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Parang hindi ito yung ending na ineexpect ko sa pagkikita namin. Hindi ko na siya sinagot, baka kasi hilahin ako ng mga paa ko papalapit sa kanya. Siguro mag-iisip muna ako. Basta. Bahala na.  Matapos kong magbayad ay nilingon ko ang pwesto niya kanina, nagbabakasakaling andun pa rin siya, nakatayo, naghihintay. Pero wala na, umalis na.

Lumabas na ako ng mall para mag-abang ng masasakyan pauwi, nang tumunog ang aking telepono senyales na may nagtext.

“I missed you Eka.”

Unknown sender, pero iisang tao lang naman at wala na akong maisip na ibang tao na gusto kong tumawag sa akin sa ganung pangalan. Hindi ako sigurado ngunit pinili ko na rin na tumawid sa kabilang kalsada. Pagkasakay ko ng jeep, kinuha ko ang aking telepono at nagtext:

 “I missed you too”

4 comments:

  1. awwww... nice nice...

    nice ending..

    di lang matanggap ng pandinig ko yung "wala na kami, pwede na tayo" so pathetic kind of person to wait for someone.

    but all in all, maganda pagkakasulat mo madz.. galing mo talaga! apir!

    ReplyDelete
  2. naiintriga ako. di ko lam kung may twist ba o ndi.. very interesting.

    ReplyDelete
  3. syempre magrereply si francis dyan.. taena nagmamadali siguro yun sa paghabol kay Eka..
    matamis na gabi ang naghihintay sa dalawang yan.
    true story ba to? LOL!

    ReplyDelete
  4. ang ending na toh ay depende sa gustong isiping ng readers. galing ^_^

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design