Tuesday, November 30, 2010
Hula
Monday, November 22, 2010
Kasado Na!
Dy, finally magkikita na rin kami. Thanks for finding him. You really are a gift from heaven. I miss you badly :(
Napatunayan kong...
ang ilang bote ng alak
kasama ng mga kaibigan
habang sumasabay sa mga letra at salita sa monitor
ay di sapat para panandaliang mawala ka sa isip ko....
Kailan ko kaya matatanggap na wala ka na sa piling ko?
Na kahit kailan, wala ng pagkakataon para sa ating dalawa?
Na hindi na kailan man mauulit o madudugtungan ang ating nasimulan..
Sana malapit na...
Hindi na kasi sumasapat ang mga luha sa iyong pagkawala
Hindi na rin sapat na tignan ka lamang sa garapong nagsilbi mong himlayan...
Ayokong kita'y kalimutan
Ngunit papaano ba ako mabubuhay kung alam kong wala ka na?
Tulungan mo naman ako
Bumalik ka na sa tabi ko..
Friday, November 19, 2010
Magparamdam ka naman
isang oras
isang minuto
o kahit isang segundo
mabawasan lang ang pangungulila ko sa'yo...
Thursday, November 18, 2010
For Sale
"O ano may napili ka na ba?"
Inirapan ko si Jaena, pormadong pormado pa naman ako kasi akala ko pupunta kami sa mall. Yun pala dito lang kami pupunta sa thrift shop. Kaya pala pasuspense pa kanina kung saan pupunta, alam kasi niyang hindi ako sasama.
"Ba't naman kasi dito ka pa namimili?"
"Anong problema dito? Nadadaan naman mga 'to sa laba."
"E kahit na, malay mo patay na yung may-ari. Gosh magsusuot ka nun?"
"Sus hindi naman lahat. Tsaka di ba atleast kahit tigok na sila, meron pa rin silang natutulungan"
"Naku ewan ko sa'yo mga pinaglumaan na kaya tinda dito"
"Ang selan mo naman Pia, sabi nga another man's trash is another man's treasure."
"Di ka talaga matinag ah, lagi kang may palusot. Naku antayin na nga lang kita sa labas. Medyo nagrereklamo na yung ilong ko"
"Maghanap ka kasi diyan, try mo baka may magustuhan ka. I'm sure once makabili ka, maaadik ka na rin tulad ko."
"What ever Jae"
Palabas na ako ng shop ng mahagip ng mata ko ang isang babae. Ewan ko ba pero on instinct ay sinundan ko siya. Hindi ako attracted sa kanya, last time I checked babae pa naman ako. Sinundan ko siya kasi parang namagnet ako sa hawak-hawak niyang damit. Para bang love at first sight.Actually, hindi naman extravagant ang design at mukhang may kulang pa sa mga butones nito pero desidido akong mapasakin siya. Inintay kong makahanap ang babae ng iba at bitawan ang damit na iyon subalit nadadagdagan lang ang kanyang pinipili. Hindi na ako mapakali, parang hindi ko kakayanin kung siya ang makakabili ng damit na ito. Pinagpapawisan na ang aking mga kamay habang nakatanaw ako sa kanya papasok sa dressing room.
"O Pia, akala ko ba lalabas ka?"
"Ahmmm kasi may nakalimutan ako"
"May dala ka ba? Di ba wala naman?"
"Wag ka ngang magulo Jae, may inaantay ako"
Napatingin si Jae sa dressing room at biglang tumawa ng malakas.
"Anong nakakatawa?"
"Sabi ko sa'yo eh may magugustuhan ka, malas mo nga lang may nauna"
"Si ate gatong ka naman, maghanap ka na nga lang diyan ng iba pang bibilhin"
"Well goodluck naman sa'yo, sige tingin muna ako dito."
Ang tagal lumabas ng babae, kalkula ko parang 15 minutes na siya sa loob. Ganun ba talaga karami ang nabibili dito? Naningin na rin ako habang nag aantay para naman hindi ako mainip. In fairness magaganda rin naman ang mga nakikita kong damit, may ibang hindi pa gamit at yung iba pa nga branded.
Tumingin ulit ako sa relo, 5 minuto na ang nadagdag sa paghihintay ko bago lumabas ang babae. Sinisilip ko kung hawak pa rin niya ang damit na nagustuhan ko. Di na ako nakapagpigil.Pumunta na ako sa may cashier at nakiusyoso kung bibilhin niya ba ito.
"Miss, wala na bang discount dito?" (tinutukoy ang damit na gusto ko)
"Naku ate naka-sale na nga yan,tapat na presyo niyan"
Pambihira naman 'tong babae na 'to ukay na nga yung damit, tumatawad pa. Ang tagal pa niya magdecide kung bibilhin pa niya ito o hindi.Maya-maya pa ay binitawan na niya ito. Para akong nasa cloud 9 nang sa wakas ay dumampi na ito sa aking mga palad. Dali-dali akong pumasok sa dressing room para ito'y isukat. Perfect fit! Parang isunukat at ginawa talaga para sa akin ang damit na iyon. Nagpaikot ikot pa ako sa harap ng salamin bago tuluyan hinubad ang damit. Babayaran ko na sana ito sa cahier ng biglang lumapit sa akin ang babaeng kanina'y may hawak sa damit na iyon.
"Miss, kukunin ko na yung damit. Nilapag ko lang kanina."
Di ko alam kung anong gagawin ko. Sa totoo lang ayaw kong ibigay.Bakit kung kelan bibilhin ko na at tsaka niya pa kukunin? Sana kinatok na lang niya ako habng nagsusukat.
"E Miss, binitawan mo na kasi. Di mo naman ako pinigilan nung kinuha ko. So inassume ko na na hindi mo siya bibilhin."
"Nagbago kasi isip ko miss, bibilhin ko na pala siya."
Bigla naman akong nagpanting sa tinuran na iyon ng babae. Bagamat mejo naiinis na ako ay kalma pa rin akong nagsabi sa kanya.
"Miss, pasensiya na po pero hindi ko talaga siya maibabalik sa inyo. Nung kunin ko po ito mula sa pinagpatungan ninyo at hindi ninyo ako pinigilan, inalis niyo na po ang karapatan ninyo sa damit na ito. Ngayon po, dahil ako na ang kasunod na kumuha ako na rin po ang magdedesisyon kung bibilhin ko ito o ibabalik sa inyo. Pasensiya na po, pero kukunin ko po siya."
"First time mo miss?"
Nagulat ako sa sagot niyang iyon. Ineexpect ko pa naman na tatarayan niya ako. Pero sa halip ay ngiti ang ibinalik niya sa akin.
"Po?"
"Sabi ko kung first time mo?"
"Oo miss"
"Good start iyan para sa first timer. Once makita mo na yung gusto mo, wag mo nang papakawalan. Kasi katulad ko ngayon, nakakapag sisi na nagdalawang isip pa ako sa damit na yan. Maaring may katulad siya, sa style man o kulay, pero iba pa rin yung una mong nahawakan at nagustuhan"
"Hindi mo na kukunin sa akin?"
"Hindi na miss, kita ko naman sa'yo na talagang hindi mo ibibigay. Good Luck sa susunod mo pang pag-uukay."
Umalis ang babae at binayaran ko na rin ang damit. Maya-maya ay biglang sumulpot si Jae.
"Congrats sis on your first buy"
"Salamat, and definitely this wouldn't be my last"
***********
Loving is like shopping in an ukay-ukay. After a thorough search for a good catch and haggling for a cheaper buy, you'll find yourself keeping that one -- with a missing button or maybe with a stain-- not because it is inexpensive but because you know that it'll be a perfect fit albeit its imperfection.
JB,
Sa wakas natapos ko rin ang inaantay mong post ko. Siguro sasabihin mo na hindi ganun kaganda ang pagkakagawa. Pero pinilit ko pa ring tapusin dahil nagbabakasakali akong mababasa mo pa rin ito kahit andiyan ka na sa piling NIYA. Alam ko ikaw pa rin ang nagbigay sa akin ng lakas para tapusin ito kahit na ngayon sobrang pangungulila ko sa'yo. Miss na miss na kita. Kanina lang kasi kausap pa kita eh. Tapos ngayon wala ka na. Magparamdam ka naman. Tawagan mo ako.Gusto ko na ulit marinig ang boses mo lalo na kapag natatawa ka sa mga pang-aasar at jokes ko. Gusto ko na ulit marinig na ang paulit ulit mong paghingi ng kiss, kunwari hindi nakikinig pero gusto lang ulitin. Ngayon pa lang hindi ko na alam kung papaano ako matutulog. Yung hindi ko naririnig ang boses mo o kaya naman mababasa ang text mo bago kita makatulugan.Paramdam ka naman kahit saglit lang, please? Hindi man lang kasi kita nakita. Di ba sabi mo magkikita na tayo? Bakit ganun, hindi na naman matutuloy?
Kahit anong pilit ko na hindi umiyak hindi ko talaga mapigilan dy. Di ba ayaw mo na akong umiyak para sa'yo? Sorry ha, hindi ko kasi kaya. Hindi ko kaya na hindi maging malungkot. Sabi nila maging masaya na daw ako dahil masaya ka na kapiling NIYA. Hindi ko pa kaya.
Dy, kung mababasa mo ito. Salamat ha. Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin. Salamat sa pagmamahal na pinadama mo sa akin. Salamat sa tatay ko, kung hindi dahil sa'yo hindi ko siya makikilala. Salamat dahil nakilala kita.Salamat dahil binigyan mo ako ng chance na mahalin ka at sana naramdaman mo ang pagmamahal kong ito sa'yo. Mahal na mahal kita dy. Mahal na mahal. Sobra.
Madz
Joven Brian Lopez
December 14, 1987 - November 18, 2010
Love is patient and kind, it is never jealous, love is never boastful or conceited, it is never rude or selfish, it does not take offense, nor is it resentful. Love takes no pleasure in others’ sins but delights in the truth; it is always ready to excuse, to trust, to hope and to endure whatever comes.
Tuesday, November 9, 2010
Watta Weekend (2)
Nov.7, 2010 - 6am yata ako nagising nito at ayun kumuyakoy ulit saglit at patext text lang kay tooooot. Maya-maya nagpaalam na ako sa kanya na pupunta sa palengke at doon magpapaayos ng payong. Ang text ni tooot, naka-allcaps na BALIK AGAD! Hindi niya alam medyo kabado ako kasi perstaym kong magpaayos ng payong at parang ayoko na ngang ituloy kasi medyo ginto ang bili ko dito at baka matuluyan kapag pinaayos ko..hehe magulo ba?basta un na yun.
Pagdating ko sa palengke, lakad lang ng konti ayun si manong quickie. Balikan ko na lang daw kasi matatagalan. Medyo alangan pa ako dito kasi mamaya baka palitan yung parts (wahahaha ate paranoid) kaya lang wala akong uupuan dun sa shop niya baka ugatan ako dun. Kaya naman nagdecide na lang akong gumala.
Nakaramdam ako ng gutom.Since wala pa akong breakfast, naghanap muna ako ng malalantakan.Hinanap ko agad yung maraming tao, bago lang kasi ako sa lugar so for sure ang kainan na dinudumog siguradong espeysyal ang tinda. Una kong nakita ang karinderya, kaya lang wala ako sa mood magkanin. Lakad ulit. Ayun, bakery. Ang daming tao, tinignan ko yung parang signboard nila, aba nakalagay "home of special monay and pandesal". Takte ano kayang lasa ng monay nila ate na itinitinda nila? Antay lang ako saglit, box office naman kasi eh hindi ko alam kung saan ako sisingit tapos problema ko pa dalawang piraso lang bibilhin ko. E kamusta naman yun , sila ate at kuya na bumibili pinakamababa ata ay trentang monay at pandesal. Syete, wag na nga lang next time ko na lang titikman ang monay nila.
Lakad ulit nang maaalala ko na may binilhan nga pala ako nung minsan ng kakanin sa may palengke.Sige magmamalagkit na lang ako na may color brown sa ibabaw (sori di ko alam tawag eh)tapos isang malamig na melon juice (goodluck kung san kinuha ang tubig :D )After kong bumili ay humanap ako ng kumportableng lugar kung saan masasatisfy ko ang aking katakawan.
At ang natagpuan ko? Langit! hahaha Oo heaven talaga sa pakiramdam.
Ganito kasi yun. Umupo ako sa may bangketa kasama ng mga palengkera , bumili ng dyaryo at ninamnam ang tamis ng kakanin at tubig na nilagyan ng melon strips. Perstaym ko yun pramis. Ewan ko ba, hindi ko maexplain pero kahit hindi ko malasahan ang melon sa iniinom ko at naglalangis na ang kamay ko sa kakanin, naenjoy ko ang mga sandaling iyon. Maaliwalas ang umaga, hindi ganon kaiinit, may kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao at maraming dumadaan na sasakyan. Of all places, nakakatawang isipin na masasabi kong at peace ako ng mga sandaling iyon. Parang bigla nagkaron ako ng AHA moment (adik lang kay Oprah). Gawd!
Mayamaya, may tumabi sa akin na hindi naman katandaang babae. Mayroon siyang dalang isang supot na kanin. Inaantay ko kung anong ulam niya.May sinasabi siya pero hindi ko maulinigan (ang term ang term!), kaya tinanong ko nalang si tita. Sabi ko asan ulam niya ba't kanin lang? Sabi ni tita wala na daw siya pambili (siya nga naman sino ba may gusto na kanin lang kainin, pag minsan talaga utak ko di gumagana). So ayun, dukot agad ako sa bulsa sabi ko bili siya ng ulam. Ang sarap ng ngiti ni tita, parang kodak moment lang. Mayamaya umupo ulit siya sa tabi ko, nakangiti pa rin at nagpasalamat tapos umalis na rin kasi maglalakad pa daw siya. Ako naman, tumayo na rin at binalikan si manong quickie para sa aking payong sabay uwi.
Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Wala sana akong balak ipost pero naisip ko, ito ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong balikan. Alam mo yun, yung feeling na you're at the right place and time.Swak na swak. Grabe konting oras lang pero talagang iba yung naging arrive.
Spell happy? M-A-D-Z :)
P.S.
Sa TV Guide nga po pala ng Philippine Star, DIVA Universal na po ang channel namin hindi na po Hallmark :P
Monday, November 8, 2010
Watta Weekend (1)
- Recto (maninigin ng bag sa isang store, diretso Binondo)
- Cubao X (check yung shop na featured sa creative dork na blog)
- Kaffe Razzo (sa wakas, makakapunta na ko, Saturday naman di ba?)
- damit na susuotin
- travel time
- kung mainit o hindi ang panahon ( baka kasi magmukha na kong dugyot pagdating ng hapon..haha)
Thursday, November 4, 2010
Sa Wakas... ^_^
Oo naman. Paano?
Eh makikita niya ba yun? Tsaka wag na nakakahiya.
Nakakahiya kasi baka makita ni mama.
....sige ikaw bahala
So ayun dun nga nagsimula ang kwento ng paghahanap namin sa papa ko. Dahil sa kakulitan ng aking bf ay nagcreate siya ng account para sa papa ko at ibinalandra ang picture na nahukay ko sa aming bahay. Eto yun oh:
Sa totoo lang, parang skeptic talaga ako sa planong niyang ito. O sige nega na kung nega, pero kasi di ba parang yung napapanood lang sa tv ang nagkakatotoo. Pangalawa, iniisip ko kasi na baka magalit ang mama ko, di ba napalaki naman niya akong mag-isa bakit kailangan ko pang maghanap. Pangatlo, hmmmm ano nga bang pangatlo?? Basta negative talaga ang vibes ko sa plano niyang ito. Pero dahil makulet ever ay si bf pa rin ang nasunod. Nakita ng family ko ang account na yun pero taliwas sa inaasahan hindi nagalit si mama. :D
Mga ilang linggo pa lang nakabalandra ang account ni papa ay meron na agad nagreply. Siyempre ibinalita agad ito sa akin ni bf at chineck namin ang message ni ate. Kinulit ako ni bf na replyan ang gurlalu. Pero sabi ko check ko muna ang profile niya at baka bogus acct lang ito. So chineck ko naman, ayun medyo nag-alangan ako kasi parang wala naman siyang connect kahit kanino na nasa Pinas. Sabi ko ke bf wag na lang replyan kasi mukhang naligaw lang siya sa profile ni papa. So ayun back to zero kami. Napapaisip talaga ako na tanggalin na yun kasi parang suntok sa buwan ang ginagawa namin. Sa dami kasi ng naghahanap sa mga family nila na nawawala parang imposible talaga na matagpuan ko pa ang papa ko.
Siguro ilang buwan na yun at parang tanggap ko na rin na mukhang tanga lang yung ginawa namin. Parang sinabi ko na lang sa sarili ko na kung nasan man ang papa ko ngayon, sana masaya na lang siya. So ayun, hindi na namin ito masyadong napapag-usapan ni bf pero hindi pa rin namin dineactivate ang kanyang account.
Mga ilang linggo pa ang sumunod nang may nagmessage ulit sa account ni papa. Kilala daw niya ito. Nabuhayan ulit ako ng loob kasi nung chineck namin ang profile ni ate , same lang ang location nila ni papa. Pero after nung message niyang iyon, hindi na nasundan. So ayun mega antay lang kami kung magpaparamdam pa ba siya.
NOV 3, 2010 - Habang nasa ospital ay nagtext si bf, sabi niya nagtext daw sa kanya kagabi yung nagsabi na kilala si papa. Kaya lang walang atang load si bf o tulog na kaya hindi na niya nareplyan. Mayamaya pa, nagtext ulit si bf at sinabing katext na daw niya ang papa ko. Ako naman itong si ate nega ay hindi pa rin naniniwala. Binigay ni bf ang number ko at binigay din naman sa akin ang number ng sinasabi niyang papa ko. Wala akong ginawa kasi hindi pa nga ako naniniwala pero sinave ko na rin ang number niya at nakalagay na pangalan niya doon ay papa.Tapos bigla siyang tumatawag. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko na lang magring ng magring. Actually natatakot akong makausap siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at isa pa hindi pa nga kasi ako sigurado na siya na nga yun. After ng missed call ay nagtext siya at nagpapakilala na siya nga daw ang papa ko. Ako naman na duda pa, nagreply na paano niya mapapatunayan na siya nga papa ko. Ayun sabi niya may picture daw ako sa kanya yung buhat buhat niya ako. Tapos itanong ko pa daw sa mama ko. Nung sinabi niya iyon biglang pumasok sa isip ko yung picture na sinsabi niya. Ito kaya yun?:
Hindi pa rin ako naniniwala. Ewan ko ba siguro marami lang akong napapanood sa tv na mga naloloko sa ganito. Naisip ko isang tao lang naman ang pwedeng makapagpatunay kung siya nga papa ko. Si mama. So tinext ko siya at ibinigay ang number, sabi ko tawagan niya para maconfirm kung totoo nga. Nagreply agad si mama, sabi out of coverage area daw try niya daw ulit (sorry mama kung nagising kita ng maagap, 3am lang kasi sa Italy nung nagtext ako). Naisip ko, o tignan mo di na makontak, for sure di yun totoo.
Mayamaya pati si ate nakikigulo na. Ito palang si bf ay ibinalita rin kay ate ang mga kaganapan at ibinigay din ang number. Ayun tinawagan pala ni ate at nung tumawag sa akin ay confirmed daw na yun ang papa ko. Sabi ko saka ako maniniwala pag si mama na ang nagconfirm. hahaha sori naman nanninigurado lang.
So ayun, mayamaya tumwag na si mama, confirmed na daw. Sabi ko paano niya nasabi. Sabi niya, siyempre sa boses at yung iba pang details about sa family. Sabi nga ni mama bakit hindi ko daw sinasagot yung tawag ni papa. Sabi ko hindi ko naman alam sasabihin ko. Anong pag-uusapan namin di ba?
Buong umaga kinulit nila akong lahat (bf, ate, mama, tita) na sagutin ko daw ang tawag ni papa.Si ate nga napaiyak pa kasi daw ang saya-saya niya para sa amin ng papa ko. Pero hindi ko naman masagot kasi hindi na tumawag ulit. Buti na lang nakatext ko pa si papa. Sabi niya sa gabi na lang daw siya tatawag dahil lobatt na (chinika kasi ng tita ko, sobrang naexcite tinawagan si papa).
Pagdating ko sa bahay, inisip ko kung anong sasabihin ko sa tatay ko. Paano ba kami mag-uusap ng walang dead air. At isa pa anong pag-uusapan namin. Narealize ko pati kung bakit kanina hindi ako naniniwala. Natatakot pala ako. Naisip ko kasi na paano kung hindi pala siya yun, masasaktan lang ako. Pero ngayon na totoo na nga, kailangan ko ng harapin.Kumain muna ako siyempre, alam mo na mag-iipon ng lakas. Tapos ayun, sa hinahaba haba ng araw e nakausap ko din ang tatay ko. Getting to know stage ang nangyari, basta secret na lang kung anong napag-usapan namin :)
Salamat kung nakaabot kang magbasa hanggang dito sa part na ito. Gusto ko lang kasing ikwento kung papano ko nakilala ang tatay ko. Biruin mo yun after 24 years, nakausap ko ang tatay ko. Nagpapasalamat ako na kahit palagi akong duda, ay nandiyan pa rin si bf na kumokontra sa akin. Dahil sa kanyang kakulitan at pagiging positive sa lahat ng bagay, ayan nakilala ko na ang tatay ko.Kina mama, ate at tita na nagconfirm na hindi na ako nananaginip, na talagang nahanap ko na siya thank you talaga. At sa INYO po, maraming salamat kasi nadinig niyo po yung pinapanalagin ko matagal na.
Masayang masaya ako ngayon. Lalo na siguro kapag nagkita na kami. Hayaan niyo po, mag-iipon na ako ng pamasahe parang naman makabisita na ako diyan sa Bohol. Nga pala, eto picture ng tatay ko pinadala niya kanina. Pogi pa rin di ba? :)
Tuesday, November 2, 2010
Ritwal
Biyernes. Bilog ang buwan. Malamig ang gabi. Sakto. Sabi ni Adrian mas effective daw kapag mga ganitong panahon ko gagawin ang ritwal. Pinag-aralan ko ang mga gagamitin ko para mamaya at siniguradong walang maiiwan. Mabilis ang tibok ng aking puso habang tinatahak ang daan papunta sa basement.
12:00mn - Sinindihan ko ang kandila at nakaramdam ng pagkapanlaw habang nanunuot sa aking balat ang lamig na dulot ng ulan na ngayo'y walang tigil sa pagbuhos. Matagal akong nakatitig sa salamin at nag aantay sa paglabas ng tao na sinasabi na makakapagpaligaya sa akin.Excited na ako.Ngayon at para bukas. Iniisip ko kasing baka matagal ko na siyang kilala o kaya naman nakakasalubong ko na siya sa daan o nakakasakay sa dyip. Atleast hindi na ako mahihirapan maghagilap sa kanya. Swerte niya, hindi ko na siya talaga papakawalan.
12:15am - Ang tagal naman. Medyo nangagalay na ang kamay ko sa paghawak sa kandila. Pati ba naman dito sa salamin pakipot pa rin ang Mr. Right ko? Buti na lang malaking kandila ang binili ko, atleast kahit medyo matagal hindi agad siya mauubos.
1:00am - Nangagalahati na 'tong kandila. Saan pa ba siya manggagaling? Matraffic ba? Madaling araw naman ah, walang masyadong bumbyahe.Grabe rin sa pasuspense. Medyo inaantok na kaya ako. Pero sige, aantayin ko na. Hmmm gising pa kaya si Adrian? Nalimutan kong itanong kung pwedeng magtext sa kanya habang nag-aantay para naman hindi ako naiinip ng ganito.
2:45am - Naku mukhang workaholic ang makakatuluyan ko. Anong oras na kaya, bakit hindi pa siya lumalabas. May ulitan naman siguro 'to, baka may nagkulang lang sa ginawa ko.Antok na antok na ako. Hmmm teka nga matext muna si Adrian, baka naman nang titrip lang yun. Yari yun sakin.
Yeah, tagal mong magtext.Kanina pa ko nag-aantay. So, nakita mo na?
Naku naman sa'kin pa hindi naniwala. 100% accurate yan. Ako ang living proof niyan.
Tinignan mo ba ng maayos? Baka naman may hinahanap kang iba kaya hindi mo makita.Titigan mo kasi ng maayos.
Sino ba kasing inaantay mo?
Yung makakapagpasaya sa akin, yung magmamahal ng totoo. Yung hindi ako lolokohin, yung loyal at yung palaging nandiyan para sakin. Ito naman tinatanong pa, alam mo naman yun.
Alam mo nakita mo na siya matagal na, sa iba ka lang kasi nakatingin. Naku, titigan mo ng maigi yung salamin at makikita mo. Once matagpuan mo siya, I'm sure waging-wagi na ang beauty mo. Sige na inaantok na ko eh. Kitakits na lang maya. mornyt :)
3:00am - Medyo matagal na rin akong nakatitig sa salamin. Pero wala naman talaga akong makita.
(Nakatitig na lumalapit sa salamin)
Magmamahal sa akin....
Makakapagpasaya...
hindi ako lolokohin...
loyal at palaging nandiyan....
Hindi ba ako masyadong demanding kaya walang nagpapakita? Sino ka ba talaga??
ARAY!!!!
8:00am
Gising na? :D
Yup, maya papunta na rin sa opis. Masaya ka yata?
Ows talaga? O di ba sabi ko sa'yo accurate yan.
Ok lang yan, ganun naman talaga. Lagi ka kasing nakatingin sa iba, naghahanap ng pagmamahal na yan. E nasa harapan mo lang naman. Kailangan mo pang mauntog bago marealize ang lahat. :D Masakit ba? :))
Loka ka talaga, sige kitakits na lang later. :P