My, gusto mo hanapin natin papa mo?
Oo naman. Paano?
Gawa tayo ng account sa FB tapos lagay natin na hinahanap natin siya.
Eh makikita niya ba yun? Tsaka wag na nakakahiya.
Anong nakakahiya dun? Malay mo di ba makita natin.
Nakakahiya kasi baka makita ni mama.
Nge, e malay mo matuwa pa si mama na hinahanap mo papa mo.
....sige ikaw bahala
So ayun dun nga nagsimula ang kwento ng paghahanap namin sa papa ko. Dahil sa kakulitan ng aking bf ay nagcreate siya ng account para sa papa ko at ibinalandra ang picture na nahukay ko sa aming bahay. Eto yun oh:
Sa totoo lang, parang skeptic talaga ako sa planong niyang ito. O sige nega na kung nega, pero kasi di ba parang yung napapanood lang sa tv ang nagkakatotoo. Pangalawa, iniisip ko kasi na baka magalit ang mama ko, di ba napalaki naman niya akong mag-isa bakit kailangan ko pang maghanap. Pangatlo, hmmmm ano nga bang pangatlo?? Basta negative talaga ang vibes ko sa plano niyang ito. Pero dahil makulet ever ay si bf pa rin ang nasunod. Nakita ng family ko ang account na yun pero taliwas sa inaasahan hindi nagalit si mama. :D
Mga ilang linggo pa lang nakabalandra ang account ni papa ay meron na agad nagreply. Siyempre ibinalita agad ito sa akin ni bf at chineck namin ang message ni ate. Kinulit ako ni bf na replyan ang gurlalu. Pero sabi ko check ko muna ang profile niya at baka bogus acct lang ito. So chineck ko naman, ayun medyo nag-alangan ako kasi parang wala naman siyang connect kahit kanino na nasa Pinas. Sabi ko ke bf wag na lang replyan kasi mukhang naligaw lang siya sa profile ni papa. So ayun back to zero kami. Napapaisip talaga ako na tanggalin na yun kasi parang suntok sa buwan ang ginagawa namin. Sa dami kasi ng naghahanap sa mga family nila na nawawala parang imposible talaga na matagpuan ko pa ang papa ko.
Siguro ilang buwan na yun at parang tanggap ko na rin na mukhang tanga lang yung ginawa namin. Parang sinabi ko na lang sa sarili ko na kung nasan man ang papa ko ngayon, sana masaya na lang siya. So ayun, hindi na namin ito masyadong napapag-usapan ni bf pero hindi pa rin namin dineactivate ang kanyang account.
Mga ilang linggo pa ang sumunod nang may nagmessage ulit sa account ni papa. Kilala daw niya ito. Nabuhayan ulit ako ng loob kasi nung chineck namin ang profile ni ate , same lang ang location nila ni papa. Pero after nung message niyang iyon, hindi na nasundan. So ayun mega antay lang kami kung magpaparamdam pa ba siya.
NOV 3, 2010 - Habang nasa ospital ay nagtext si bf, sabi niya nagtext daw sa kanya kagabi yung nagsabi na kilala si papa. Kaya lang walang atang load si bf o tulog na kaya hindi na niya nareplyan. Mayamaya pa, nagtext ulit si bf at sinabing katext na daw niya ang papa ko. Ako naman itong si ate nega ay hindi pa rin naniniwala. Binigay ni bf ang number ko at binigay din naman sa akin ang number ng sinasabi niyang papa ko. Wala akong ginawa kasi hindi pa nga ako naniniwala pero sinave ko na rin ang number niya at nakalagay na pangalan niya doon ay papa.Tapos bigla siyang tumatawag. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko na lang magring ng magring. Actually natatakot akong makausap siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at isa pa hindi pa nga kasi ako sigurado na siya na nga yun. After ng missed call ay nagtext siya at nagpapakilala na siya nga daw ang papa ko. Ako naman na duda pa, nagreply na paano niya mapapatunayan na siya nga papa ko. Ayun sabi niya may picture daw ako sa kanya yung buhat buhat niya ako. Tapos itanong ko pa daw sa mama ko. Nung sinabi niya iyon biglang pumasok sa isip ko yung picture na sinsabi niya. Ito kaya yun?:
Hindi pa rin ako naniniwala. Ewan ko ba siguro marami lang akong napapanood sa tv na mga naloloko sa ganito. Naisip ko isang tao lang naman ang pwedeng makapagpatunay kung siya nga papa ko. Si mama. So tinext ko siya at ibinigay ang number, sabi ko tawagan niya para maconfirm kung totoo nga. Nagreply agad si mama, sabi out of coverage area daw try niya daw ulit (sorry mama kung nagising kita ng maagap, 3am lang kasi sa Italy nung nagtext ako). Naisip ko, o tignan mo di na makontak, for sure di yun totoo.
Mayamaya pati si ate nakikigulo na. Ito palang si bf ay ibinalita rin kay ate ang mga kaganapan at ibinigay din ang number. Ayun tinawagan pala ni ate at nung tumawag sa akin ay confirmed daw na yun ang papa ko. Sabi ko saka ako maniniwala pag si mama na ang nagconfirm. hahaha sori naman nanninigurado lang.
So ayun, mayamaya tumwag na si mama, confirmed na daw. Sabi ko paano niya nasabi. Sabi niya, siyempre sa boses at yung iba pang details about sa family. Sabi nga ni mama bakit hindi ko daw sinasagot yung tawag ni papa. Sabi ko hindi ko naman alam sasabihin ko. Anong pag-uusapan namin di ba?
Buong umaga kinulit nila akong lahat (bf, ate, mama, tita) na sagutin ko daw ang tawag ni papa.Si ate nga napaiyak pa kasi daw ang saya-saya niya para sa amin ng papa ko. Pero hindi ko naman masagot kasi hindi na tumawag ulit. Buti na lang nakatext ko pa si papa. Sabi niya sa gabi na lang daw siya tatawag dahil lobatt na (chinika kasi ng tita ko, sobrang naexcite tinawagan si papa).
Pagdating ko sa bahay, inisip ko kung anong sasabihin ko sa tatay ko. Paano ba kami mag-uusap ng walang dead air. At isa pa anong pag-uusapan namin. Narealize ko pati kung bakit kanina hindi ako naniniwala. Natatakot pala ako. Naisip ko kasi na paano kung hindi pala siya yun, masasaktan lang ako. Pero ngayon na totoo na nga, kailangan ko ng harapin.Kumain muna ako siyempre, alam mo na mag-iipon ng lakas. Tapos ayun, sa hinahaba haba ng araw e nakausap ko din ang tatay ko. Getting to know stage ang nangyari, basta secret na lang kung anong napag-usapan namin :)
Salamat kung nakaabot kang magbasa hanggang dito sa part na ito. Gusto ko lang kasing ikwento kung papano ko nakilala ang tatay ko. Biruin mo yun after 24 years, nakausap ko ang tatay ko. Nagpapasalamat ako na kahit palagi akong duda, ay nandiyan pa rin si bf na kumokontra sa akin. Dahil sa kanyang kakulitan at pagiging positive sa lahat ng bagay, ayan nakilala ko na ang tatay ko.Kina mama, ate at tita na nagconfirm na hindi na ako nananaginip, na talagang nahanap ko na siya thank you talaga. At sa INYO po, maraming salamat kasi nadinig niyo po yung pinapanalagin ko matagal na.
Masayang masaya ako ngayon. Lalo na siguro kapag nagkita na kami. Hayaan niyo po, mag-iipon na ako ng pamasahe parang naman makabisita na ako diyan sa Bohol. Nga pala, eto picture ng tatay ko pinadala niya kanina. Pogi pa rin di ba? :)
YEHEY!! SA WAKAS, MAY TATAY NA 'KO!!
wow!!!!!!
ReplyDeletenagbabasa ako ng nakasmile! pramis!!! =D
congratulations sa pagkakahanap sa papa mo! nafeel ko ang excitement mo! buti nalang at supportive ang mga tao sa paligid mo!
maswerte ka sa bf mo! spell effort!!! ang sweet!
sana magkita na kau! post pics ah! yey! =)
nakakatuwa naman. congratulations...
ReplyDeletesana tuluy-tuloy na ang komunikasyon sa pagitan nyo
:)
si tatay nawalan na ng buhok.
yeyy! may tatay ka na ate. im sooo happy for you! sana mameet mo na sya in person at makasama mo na ulit sya, para happily ever after na talaga! ingats and God bless! :)
ReplyDeleteayus. congrats!
ReplyDeletemagkamukha nga kayo.
nakakatouch..
ReplyDeleteim happy for you..
di magtatagal makakasama mo na rin ang tatay mo.. alam kong mas lalo kang magiging masaya.. parehas kayo.
God bless you both
natats naman ako sa story nyo. ;) galing din ng technology no?
ReplyDeletepasalamat na din na willing ang tatay mo na makilala ka, kasi sa ibang palabas sa tv hinde lahat ng tatay na niwalay sa anak e nagkakaroon ng drive para makilala yung anak na yun. yung iba kasi ayaw na e, nikakalimutan na.
o kaya pag nahanap na nila yung tatay o anak e wala na either yung tatay o maaga na deds yung anak. swerte ka pa din kasi kahit 24 years na d mo na nakita tatay mo anjan pa din xa for you at alam mong anjan xa hanggang kaya nya.
;)
congrats ulet! and sana e magkaroon kayo ng mas madaming bonding times ng tatay mo. ;)
awww...
ReplyDeleteam happy for you!
WOW! Nice.. Very nice.
ReplyDeleteFB, Ang lupit mo! Im happy for u! :)
wow. :') ano, pakasalan na si bf? hehe.
ReplyDeletewow napakagada ng entry mong ito. thumbs up^_^
ReplyDelete*super tight* im so happy for you sis..^^
ReplyDeletedi ko alam kung anong sasabihin ko basta im soooo happy for you..^^
i'm so happy for you... thank sa FB... sa bf moh... sa mama moh nd sa lahat nang tumulong... amazing den sometimes nagagawa nang FB.. nd syempre thanks kay God... for sure excited kayo sa isa't isa magkita nang papa moh... so yeah sana pretty soon magkita na kayoh... for sure magkakaiyakan kayoh... kahit hangliit nang font moh eh pinagtiyagaan koh basahin.. kc i had a feeling it'll a happy ending... oh yeah uhm...five people u meet in heaven one of my fave book koh den un... i think it's my 1st time here sa blog moh?... bago sa mata koh eh... so yeah... take care... Godbless!
ReplyDeleteTa, always remember God has a plan.. Wag lagi maging nega... I love you sissy.. mmwwahhH!!! Sana nga magkita kayo ng papa mo before kau umalis...
ReplyDeletethis blog really touched my heart... it just made my day. :)
ReplyDeletei almost cried reading your blog i'm not a frequent reader of your site i just happen to pass by it
ReplyDeleteim happy for you
each word to this blog was filled with true feelings
-denz