Pages

Thursday, November 18, 2010

For Sale

"O ano may napili ka na ba?"

Inirapan ko si Jaena, pormadong pormado pa naman ako kasi akala ko pupunta kami sa mall. Yun pala dito lang kami pupunta sa thrift shop. Kaya pala pasuspense pa kanina kung saan pupunta, alam kasi niyang hindi ako sasama.

"Ba't naman kasi dito ka pa namimili?"

"Anong problema dito? Nadadaan naman mga 'to sa laba."

"E kahit na, malay mo patay na yung may-ari. Gosh magsusuot ka nun?"

"Sus hindi naman lahat. Tsaka di ba atleast kahit tigok na sila, meron pa rin silang natutulungan"

"Naku ewan ko sa'yo mga pinaglumaan na kaya tinda dito"

"Ang selan mo naman Pia, sabi nga another man's trash is another man's treasure."

"Di ka talaga matinag ah, lagi kang may palusot. Naku antayin na nga lang kita sa labas. Medyo nagrereklamo na yung ilong ko"

"Maghanap ka kasi diyan, try mo baka may magustuhan ka. I'm sure once makabili ka, maaadik ka na rin tulad ko."

"What ever Jae"

Palabas na ako ng shop ng mahagip ng mata ko ang isang babae. Ewan ko ba pero on instinct ay sinundan ko siya. Hindi ako attracted sa kanya, last time I checked babae pa naman ako. Sinundan ko siya kasi parang namagnet ako sa hawak-hawak niyang damit. Para bang love at first sight.Actually, hindi naman extravagant ang design at mukhang may kulang pa sa mga butones nito pero desidido akong mapasakin siya. Inintay kong makahanap ang babae ng iba at bitawan ang damit na iyon subalit nadadagdagan lang ang kanyang pinipili. Hindi na ako mapakali, parang hindi ko kakayanin kung siya ang makakabili ng damit na ito. Pinagpapawisan na ang aking mga kamay habang nakatanaw ako sa kanya papasok sa dressing room.

"O Pia, akala ko ba lalabas ka?"

"Ahmmm kasi may nakalimutan ako"

"May dala ka ba? Di ba wala naman?"

"Wag ka ngang magulo Jae, may inaantay ako"

Napatingin si Jae sa dressing room at biglang tumawa ng malakas.

"Anong nakakatawa?"

"Sabi ko sa'yo eh may magugustuhan ka, malas mo nga lang may nauna"

"Si ate gatong ka naman, maghanap ka na nga lang diyan ng iba pang bibilhin"

"Well goodluck naman sa'yo, sige tingin muna ako dito."

Ang tagal lumabas ng babae, kalkula ko parang 15 minutes na siya sa loob. Ganun ba talaga karami ang nabibili dito? Naningin na rin ako habang nag aantay para naman hindi ako mainip. In fairness magaganda rin naman ang mga nakikita kong damit, may ibang hindi pa gamit at yung iba pa nga branded.

Tumingin ulit ako sa relo, 5 minuto na ang nadagdag sa paghihintay ko bago lumabas ang babae. Sinisilip ko kung hawak pa rin niya ang damit na nagustuhan ko. Di na ako nakapagpigil.Pumunta na ako sa may cashier at nakiusyoso kung bibilhin niya ba ito.

"Miss, wala na bang discount dito?" (tinutukoy ang damit na gusto ko)

"Naku ate naka-sale na nga yan,tapat na presyo niyan"

Pambihira naman 'tong babae na 'to ukay na nga yung damit, tumatawad pa. Ang tagal pa niya magdecide kung bibilhin pa niya ito o hindi.Maya-maya pa ay binitawan na niya ito. Para akong nasa cloud 9 nang sa wakas ay dumampi na ito sa aking mga palad. Dali-dali akong pumasok sa dressing room para ito'y isukat. Perfect fit! Parang isunukat at ginawa talaga para sa akin ang damit na iyon. Nagpaikot ikot pa ako sa harap ng salamin bago tuluyan hinubad ang damit. Babayaran ko na sana ito sa cahier ng biglang lumapit sa akin ang babaeng kanina'y may hawak sa damit na iyon.

"Miss, kukunin ko na yung damit. Nilapag ko lang kanina."

Di ko alam kung anong gagawin ko. Sa totoo lang ayaw kong ibigay.Bakit kung kelan bibilhin ko na at tsaka niya pa kukunin? Sana kinatok na lang niya ako habng nagsusukat.

"E Miss, binitawan mo na kasi. Di mo naman ako pinigilan nung kinuha ko. So inassume ko na na hindi mo siya bibilhin."

"Nagbago kasi isip ko miss, bibilhin ko na pala siya."

Bigla naman akong nagpanting sa tinuran na iyon ng babae. Bagamat mejo naiinis na ako ay kalma pa rin akong nagsabi sa kanya.

"Miss, pasensiya na po pero hindi ko talaga siya maibabalik sa inyo. Nung kunin ko po ito mula sa pinagpatungan ninyo at hindi ninyo ako pinigilan, inalis niyo na po ang karapatan ninyo sa damit na ito. Ngayon po, dahil ako na ang kasunod na kumuha ako na rin po ang magdedesisyon kung bibilhin ko ito o ibabalik sa inyo. Pasensiya na po, pero kukunin ko po siya."

"First time mo miss?"

Nagulat ako sa sagot niyang iyon. Ineexpect ko pa naman na tatarayan niya ako. Pero sa halip ay ngiti ang ibinalik niya sa akin.

"Po?"

"Sabi ko kung first time mo?"

"Oo miss"

"Good start iyan para sa first timer. Once makita mo na yung gusto mo, wag mo nang papakawalan. Kasi katulad ko ngayon, nakakapag sisi na nagdalawang isip pa ako sa damit na yan. Maaring may katulad siya, sa style man o kulay, pero iba pa rin yung una mong nahawakan at nagustuhan"

"Hindi mo na kukunin sa akin?"

"Hindi na miss, kita ko naman sa'yo na talagang hindi mo ibibigay. Good Luck sa susunod mo pang pag-uukay."

Umalis ang babae at binayaran ko na rin ang damit. Maya-maya ay biglang sumulpot si Jae.

"Congrats sis on your first buy"

"Salamat, and definitely this wouldn't be my last"



***********
Loving is like shopping in an ukay-ukay. After a thorough search for a good catch and haggling for a cheaper buy, you'll find yourself keeping that one -- with a missing button or maybe with a stain-- not because it is inexpensive but because you know that it'll be a perfect fit albeit its imperfection.


JB,

Sa wakas natapos ko rin ang inaantay mong post ko. Siguro sasabihin mo na hindi ganun kaganda ang pagkakagawa. Pero pinilit ko pa ring tapusin dahil nagbabakasakali akong mababasa mo pa rin ito kahit andiyan ka na sa piling NIYA. Alam ko ikaw pa rin ang nagbigay sa akin ng lakas para tapusin ito kahit na ngayon sobrang pangungulila ko sa'yo. Miss na miss na kita. Kanina lang kasi kausap pa kita eh. Tapos ngayon wala ka na. Magparamdam ka naman. Tawagan mo ako.Gusto ko na ulit marinig ang boses mo lalo na kapag natatawa ka sa mga pang-aasar at jokes ko. Gusto ko na ulit marinig na ang paulit ulit mong paghingi ng kiss, kunwari hindi nakikinig pero gusto lang ulitin. Ngayon pa lang hindi ko na alam kung papaano ako matutulog. Yung hindi ko naririnig ang boses mo o kaya naman mababasa ang text mo bago kita makatulugan.Paramdam ka naman kahit saglit lang, please? Hindi man lang kasi kita nakita. Di ba sabi mo magkikita na tayo? Bakit ganun, hindi na naman matutuloy?

Kahit anong pilit ko na hindi umiyak hindi ko talaga mapigilan dy. Di ba ayaw mo na akong umiyak para sa'yo? Sorry ha, hindi ko kasi kaya. Hindi ko kaya na hindi maging malungkot. Sabi nila maging masaya na daw ako dahil masaya ka na kapiling NIYA. Hindi ko pa kaya.

Dy, kung mababasa mo ito. Salamat ha. Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin. Salamat sa pagmamahal na pinadama mo sa akin. Salamat sa tatay ko, kung hindi dahil sa'yo hindi ko siya makikilala. Salamat dahil nakilala kita.Salamat dahil binigyan mo ako ng chance na mahalin ka at sana naramdaman mo ang pagmamahal kong ito sa'yo. Mahal na mahal kita dy. Mahal na mahal. Sobra.

Madz


Joven Brian Lopez
December 14, 1987 - November 18, 2010


Love is patient and kind, it is never jealous, love is never boastful or conceited, it is never rude or selfish, it does not take offense, nor is it resentful. Love takes no pleasure in others’ sins but delights in the truth; it is always ready to excuse, to trust, to hope and to endure whatever comes.

5 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. tama. Minsan kahit may inperfection.... it fits and seems right :D

    ReplyDelete
  3. i agree. pagdating talaga sa love walang pinipili, maski pa anong itsura o anong pagkakaiba, basta mahal mo, mahal mo, and thats above everything.

    on the last part, hindi ko alam ang sasabihin ko. o kung tama ba ang pumasok sa isip ko nung nabasa ko yun, pero kung yun nga po yun, wala na po kong ibang masasabi kundi, be strong ate. pag kelangan mo po ng kausap, nandito lang ako. ingats ate, God bless po.

    ReplyDelete
  4. oh my dear god,,, what happenned?
    nababasa ko dati ung mga post mo, especially about sa paghanap sa tatay mo..
    im sorry for your loss, kung un man ang ibig sabihin nun...
    how are you na?

    ReplyDelete
  5. sarap kaya mag ukay ukay. .daming mabibili then maganda at mura:)congrats

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design