Monday, November 22, 2010

Napatunayan kong...

ang ilang bote ng alak
kasama ng mga kaibigan
habang sumasabay sa mga letra at salita sa monitor
ay di sapat para panandaliang mawala ka sa isip ko....

Kailan ko kaya matatanggap na wala ka na sa piling ko?
Na kahit kailan, wala ng pagkakataon para sa ating dalawa?
Na hindi na kailan man mauulit o madudugtungan ang ating nasimulan..

Sana malapit na...
Hindi na kasi sumasapat ang mga luha sa iyong pagkawala
Hindi na rin sapat na tignan ka lamang sa garapong nagsilbi mong himlayan...

Ayokong kita'y kalimutan
Ngunit papaano ba ako mabubuhay kung alam kong wala ka na?
Tulungan mo naman ako
Bumalik ka na sa tabi ko..

7 comments:

  1. matindi at mahapdi ang mga kataga mo.
    ramdam ang pait ng damdamin.

    ReplyDelete
  2. ate, alam ko pong mahirap ang pinagdadaanan nyo ngayon, gusto ko man pong sabihing magiging ok din ang lahat, alam ko pong hindi yun sapat, dahil alam kong mahirap, pero alam ko po, kaya nyo yan, just keep on holding on, he's in a better place now, and panigurado pong gusto nya rin po kayong maging ok. basta, i'll pray to God na sya na po ang bahala sa kanya, and sa inyo. ingats ate! **HUGS**

    ReplyDelete
  3. masarap magmahal, pero minsan may mga pagmamahalang hindi pangmatagalan, masakit tangapin pero ganun talaga ang buhay, madali sa aming sabihin ang "Move On" pero yun ang pinaka magandang regalong maibibigay mo sa sarili mo.

    lunurin mo sarili mo sa alak, sa kalungkutan, magmukmok ka, pero whag namang abutin nang isang buwan.

    magpaganda ka, at ipakita mong siya ang nawalan...

    good luck...

    ReplyDelete
  4. rhodey,hindi mo po ata naintindihan.namatay po ata bf niya.hindi po nakipagbreak.basahin mo ang last part ng for sale na kwento niya.


    ate,kaya mo yan.sigurado ako palagi siya nagbabantay sa iyo.more power on your blog.palagi po ako nagbabasa dito.

    ReplyDelete
  5. sis~honestly di ko pa maabsorb yung tinext mo na wala na si bf T_________T
    hays~~~
    alam kong nararamdaman mo now...sabi ko nga diba iiyak mo lng para mabawasan ang bigat na nararamdaman ng iyong puso...
    be strong sis alam kong kaya mo yan,,,
    Have faith in God,,i know he's in God's hands now,,,

    ReplyDelete
  6. Ramdam kita madz... always remember na nandito lang kami.. kapit ka lang at wag kang mawawalan ng faith kay God.

    ReplyDelete
  7. minsan, ang alak at videoke ay may konting dulot na pagkalimot.... subalit kung talagang mahapdi, di iyon sapat.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design