Pages

Tuesday, November 30, 2010

Hula

"Paano kung hindi ko na kaya?"
"Ano ba naman yang mga sinasabi mo, kaya mo yan ikaw pa"
"Paano nga kung hindi ko kinaya? Wag kang iiyak ha"
"Kahit mangako ako sayo ngayon na hindi ako iiyak, alam ko hindi ko yun mapipigilan"
"Naguguilty kasi ako pag nakikita kitang umiiyak dahil sa'kin"
"Kaya nga magpagaling ka para hindi na ako umiyak"
"Pag gumaling ako, gawin na lang nating tatlo ha"
"Tatlo? Di ba kaya ka nga magpapagaling para mabuo natin yung lima?"
"Demanding mo talaga" 
"E siyempre para masaya. Malaking pamilya. Hindi mo naman ako tatanggihan di ba?"
"Oo na basta ikaw lang ang papakasalan ko. Ikaw ang last love ko."


             Nakilala ko si Andi sa isang internet cafe na madalas kong puntahan. Bago siya doon at dahil at home na at home na ako sa lugar parang mga kabarkada ko na lang ang mga empleyado. Subalit nakakapagtaka na si Andi lang ang hindi ko makasundo. Napakataray niya. Lahat yata ng banat ko sa kanya ay tablado at parang pinaghahandaan niya ang bawat pagkikita. Imbes na maasar ay natuwa pa ako lalo sa kanya. Walang araw na lumipas na hindi ko siya binibisita at inaasar. Tuwang tuwang ako kapag nakikita kong nagungunot na ang kanyang noo at parang bulkan na sasabog anumang oras. Para bang siya ang nagsisilbi kong energy drink. Kahit nalulungkot ako sa sitwasyon namin ng kasintahan ko ng mga panahon iyon, makita ko lang si Andi parang nawawala na lahat ng problema ko.

               Minsan nakasabay ko siyang maglunch. No choice si Andi kundi patabihin ako sa table niya. Nagkataon kasing punuan sa kinakainan namin at dahil kami naman ang magkakilala ako na ang nagprisinta na tabihan siya. Hindi naman siya tumanggi bagamat hindi pa rin niya ako iniimik.

"Andi, may problema ka ba sa akin?"

"Ha? Wala naman, wala lang akong ganang makipag-usap"

"Bakit naman meron ka ba ngayon?"

"Naku Xander kung pati sa pagkain ko eh mangbubuwisit ka, mabuti pang maghanap ka na ng ibang mapupwestuhan."

"Taray mo talaga Andi. Nagpapakasaya lang eh"

"Bakit mukha ba akong clown?"

"E ikaw kasi ang clown ng buhay ko Andi."

"Ah talaga? Ikaw naman ang tinik sa lalamunan ko, alam mo ba yun?!!"

                Medyo napalakas ang imik ni Andi. Pinagtinginan tuloy kami ng mga ibang kumakain. Bigla akong nawalan ng gana at tumayo para magpaalam sa kanya.

"Sige Andi pasensiya ka na kung naabala kita sa pagkain. Mauna na ko."

"Wow apektado? Sige na sige na tapusin mo na yang kinakain mo. Tsaka pakiabutan nga ako ng tubig. Nabilaukan ata ako sa drama mo" patawa-tawang banat ni Andi.

10 comments:

  1. alam ko dapat may part 2 to. bitin eh. :) abangan ko ha. :D

    ReplyDelete
  2. anong nangyari? nakakabitin naman.

    ReplyDelete
  3. Hula ko, hula ko lang naman, lablayp na ito!!!

    ReplyDelete
  4. bakit kadalasan ang ayaw ng babae at lalaki sa ganitong bagay nag sstart? ung simpleng mga bagay?

    kakasawa na.

    ReplyDelete
  5. happy ending ba toh? LOL!

    pakipot si Andi. tsk.

    ReplyDelete
  6. nakakaamoy ako ng magandang kwento ah,,
    abangan ko ung susunod ha?! :)

    ReplyDelete
  7. aawww! katulad ng iba, nabitin din ako dun hahaha! :) part 2! part2 :)

    EMOTERA

    ReplyDelete
  8. bitin bitin bitin.. sana may susunod ka kabanata :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design