Nov.7, 2010 - 6am yata ako nagising nito at ayun kumuyakoy ulit saglit at patext text lang kay tooooot. Maya-maya nagpaalam na ako sa kanya na pupunta sa palengke at doon magpapaayos ng payong. Ang text ni tooot, naka-allcaps na BALIK AGAD! Hindi niya alam medyo kabado ako kasi perstaym kong magpaayos ng payong at parang ayoko na ngang ituloy kasi medyo ginto ang bili ko dito at baka matuluyan kapag pinaayos ko..hehe magulo ba?basta un na yun.
Pagdating ko sa palengke, lakad lang ng konti ayun si manong quickie. Balikan ko na lang daw kasi matatagalan. Medyo alangan pa ako dito kasi mamaya baka palitan yung parts (wahahaha ate paranoid) kaya lang wala akong uupuan dun sa shop niya baka ugatan ako dun. Kaya naman nagdecide na lang akong gumala.
Nakaramdam ako ng gutom.Since wala pa akong breakfast, naghanap muna ako ng malalantakan.Hinanap ko agad yung maraming tao, bago lang kasi ako sa lugar so for sure ang kainan na dinudumog siguradong espeysyal ang tinda. Una kong nakita ang karinderya, kaya lang wala ako sa mood magkanin. Lakad ulit. Ayun, bakery. Ang daming tao, tinignan ko yung parang signboard nila, aba nakalagay "home of special monay and pandesal". Takte ano kayang lasa ng monay nila ate na itinitinda nila? Antay lang ako saglit, box office naman kasi eh hindi ko alam kung saan ako sisingit tapos problema ko pa dalawang piraso lang bibilhin ko. E kamusta naman yun , sila ate at kuya na bumibili pinakamababa ata ay trentang monay at pandesal. Syete, wag na nga lang next time ko na lang titikman ang monay nila.
Lakad ulit nang maaalala ko na may binilhan nga pala ako nung minsan ng kakanin sa may palengke.Sige magmamalagkit na lang ako na may color brown sa ibabaw (sori di ko alam tawag eh)tapos isang malamig na melon juice (goodluck kung san kinuha ang tubig :D )After kong bumili ay humanap ako ng kumportableng lugar kung saan masasatisfy ko ang aking katakawan.
At ang natagpuan ko? Langit! hahaha Oo heaven talaga sa pakiramdam.
Ganito kasi yun. Umupo ako sa may bangketa kasama ng mga palengkera , bumili ng dyaryo at ninamnam ang tamis ng kakanin at tubig na nilagyan ng melon strips. Perstaym ko yun pramis. Ewan ko ba, hindi ko maexplain pero kahit hindi ko malasahan ang melon sa iniinom ko at naglalangis na ang kamay ko sa kakanin, naenjoy ko ang mga sandaling iyon. Maaliwalas ang umaga, hindi ganon kaiinit, may kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao at maraming dumadaan na sasakyan. Of all places, nakakatawang isipin na masasabi kong at peace ako ng mga sandaling iyon. Parang bigla nagkaron ako ng AHA moment (adik lang kay Oprah). Gawd!
Mayamaya, may tumabi sa akin na hindi naman katandaang babae. Mayroon siyang dalang isang supot na kanin. Inaantay ko kung anong ulam niya.May sinasabi siya pero hindi ko maulinigan (ang term ang term!), kaya tinanong ko nalang si tita. Sabi ko asan ulam niya ba't kanin lang? Sabi ni tita wala na daw siya pambili (siya nga naman sino ba may gusto na kanin lang kainin, pag minsan talaga utak ko di gumagana). So ayun, dukot agad ako sa bulsa sabi ko bili siya ng ulam. Ang sarap ng ngiti ni tita, parang kodak moment lang. Mayamaya umupo ulit siya sa tabi ko, nakangiti pa rin at nagpasalamat tapos umalis na rin kasi maglalakad pa daw siya. Ako naman, tumayo na rin at binalikan si manong quickie para sa aking payong sabay uwi.
Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Wala sana akong balak ipost pero naisip ko, ito ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong balikan. Alam mo yun, yung feeling na you're at the right place and time.Swak na swak. Grabe konting oras lang pero talagang iba yung naging arrive.
Spell happy? M-A-D-Z :)
P.S.
Sa TV Guide nga po pala ng Philippine Star, DIVA Universal na po ang channel namin hindi na po Hallmark :P
Tuesday, November 9, 2010
Watta Weekend (2)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
minsan ung mga bagay na makakapagpangiti sa ibang tao eh ung mga bagay na kadalasan na tatake forgranted natin.. at kapag tayo mismo ang nakapagpangiti sa kanila, ang gaan sa pakiramdam..
ReplyDelete:D
naks...ayus madel ah.... nice to know na happy ka... miss na kita... may alumni homecoming daw ang mga taga arts ah... aattend ka ba? nagdadalawang isip ako...
ReplyDeleteMinsan iniisip ko tlga, din naman nagpapadala si God ng anghel sa lupa, kasi andito ka na. nokonomon!
ReplyDeletehaha. dahil me mabuti kang puso, astig ka!
@yanah
ReplyDeleteoo nga eh..saya sa pakiramdam :)
@ayu
nakow hindi naman. sakto lang :) pero salamat na rin :D
@bea
not sure sis, depende sa mood..LOL
@toilet thoughts
nokonomon!gumaganun pa siya..haha anghel na may sungay ba?LOL