Wednesday, July 6, 2011

Patintero (3)


Nakakunot ang kanyang noo nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

O bakit mo naman ako tinitignan ng ganyan. Para namang ako ang gusto mong iulam niyan ah

Haha grabe ka naman Kaeleb. Nagcocompare lang ako kung anu bang nabago sa pagmumukha mo.

So, ano meron ba?

Wala naman, ganun ka pa rin lalo na yung mukha mo kanina yung parang nalilito na ewan.

Bakit kelan mo naman nakita yun sa akin? Wala yata akong matandaan?

Matagal na kasi yun kaya siguro hindi mo na naalala. Tanda mo ba nung muntik na akong mabangga nung nagpapatintero tayo?


***

Sa sobrang bilis nang mga pangyayari nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na parang umuuga ang paligid. Pagmulat ko, nagulat ako na makita ang mukha ni KM. Buhat-buhat niya pala ako tapos meron pa siyang inuusal na hindi ko maintindihan. Muli kong pinikit ang aking mga mata at pinakinggan ang kanyang litanya.

“Ang bigat-bigat mo Jelly, bakit ba kasi nahimatay ka pa. Hindi ka naman nasagasaan, nag-iinarte ka pa ngayon. Anong sasabihin ko sa tatay mo, baka habulin ako ng taga nun. Gumising ka na diyan, baka ako naman ang mahimatay sa kabigatan mo.”

Ang sama talaga ng ugali nitong si KM. Binuhat nga ako pero may kasama namang pula. Buti ba kung kami lang ang tao eh kasabay naming yung mga kalaro namin. Tinatawanan nila si KM sa itsura nito. Kahit ako man gusto ko matawa kasi alam ko naman kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon namin, ang payatot kaya nito. Buti nga sa’yo, hindi muna ko gigising para mahirapan ka.

“Pano yan KM, dito na lang kami. Baka malagot pa kami kay mang toto.”

“Ang duduwag niyo naman parang si mang toto lang. Sige na tsupi na kayo, ako na bahala dito sa piggy na ‘to.”

Tatawa-tawa pa ang mga kalaro namin habang papalayo. Gugulatin ko sana si KM para gumanti ngunit ako pa ang nagulat sa kanyang mga sinabi.

“Sana Jelly ganito na lang palagi. Yung bubuhatin kita pauwi sa inyo pero sana yung gising ka. Haaay anu ba namang buhay ‘to, kung bakit ako pinanganak na tsope. Pasensiya ka na Jelly kung palagi kitang inaasar, nagpapapansin lang naman ako sa’yo. Hayaan mo sa 4th year natin o kaya college liligawan na kita. Pangako yun. Mahal na yata kita eh. Gumising ka na Jelly, nag-aalala na kasi ako sa’yo.”

Pigil na pigil ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Sa pagkakataong yun parang ako na yata ang pinakamagaang tao sa buong mundo. Hindi ko akalain na may gusto pala sa akin si KM. Akala ko ako lang talaga ang gustong gusto niyang asarin. Ganun pala yun. Pag inaasar, mahal pala.

Gusto ko pa sanang magpabuhat sa kanya hanggang sa bahay pero nag-aalala ako na baka kung anong gawin sa kanya ni tatay. Para hindi siya mapahiya, gumalaw ako ng konti para kunwari kagigising ko lang.

“Hay salamat gising na rin ang piggy.” Bigla akong ibinaba ni KM sabay sabing:

“O pano ba yan gising ka na, kaya mo na sigurong mag-isa. Umuwi ka na sa inyo, siguradong yari ka na niyan sa tatay mo.”

Nginitian ko lang siya.

“A…anong nginingiti-ngiti mo jan?” Nakakaloko ka ba? Palibhasa hindi siya yung nabigatan. Hala, uwi na babsy. Uwi na rin ako sa amin.” Sabay talikod niya sa akin.

Bago pa siya makalayo ay tinawag ko siyang muli at nginitian ng pagkatamis-tamis. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at iwinasiwas na lamang ang kamay sabay kamot sa ulo habang naglalakad pauwi sa kanila.


***

A, yun ba? Eh pano naman kasi ngiting ngiti ka sa akin nun. Hindi ko alam kung nang-aasar ka ba o ano. Ang layo kaya ng pinagbuhatan ko sa’yo. Pang guiness yata yung ginawa ko.

Sus., paanong hindi ako mangingiti eh naririnig kita.

Ha? A..an..anong narinig mo?

Yung sinabi mo na ano…. na mahal mo na yata ako.




itutuloy




Part I
Part II

9 comments:

  1. Ayuf na patintero yan, nakakahimatay. Lol! Piz!

    Next please. Hehe

    ReplyDelete
  2. aba kilig, mahal pala siya ni KM.. hehe!

    bagong bihis itong bahay mo ah..

    ReplyDelete
  3. kanina pa ko dito sa bahay mo di ako makapasok... :(
    kiligmuch naman ang labstori. Totoo ba ito o fiction lang? kung totoo ito inggit me...

    ang ganda ng bagong kurtina mo madz...

    ReplyDelete
  4. parang 200 pounds beauty heheheh. at itutuloy ulit :D

    ReplyDelete
  5. Ang landii.. Haha. Ang landi ni babsy. Haha. Sila na may lovelife. Kayo naa!

    Akala ko naliligaw ako sa twitter pagkapindot ko ng link mo. Ganun pala talaga. Hahaha. Ang kyots. Plural!

    ReplyDelete
  6. Kainaman, pwede ko bang isabong kay YoY yan? Sige na.

    Kaya pala dati inaasar ko ang Yaya namin.

    teka wala naman kaming yaya ah. Lols

    ReplyDelete
  7. di pa rin ako sanay na blog mo binibisita ko at hindi twitter page mo.LOL

    Patintero 4..kelan!?

    ReplyDelete
  8. kailangan ko muna umatras sa part one...patintero unang bahagi, now na!!!

    ReplyDelete
  9. kilig na kilig naman si jelly..


    magkatuluyan kaya sila?hehehe

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design