Thursday, September 8, 2011

Excited Me Much



Sa mga hindi nakakaalam, malapit na po ang birthday ko.. ehem ehem pic greet naman diyan! LOL Sa ibang post na ko manghihingi ng pic greet sa inyo. Ngayon gusto ko lang i-share kung bakit excited na kong  umuwi.

Ganito kasi yun.. nagtext yung kapatid ko


Ate: Sissy uuwi ka ba sa birthday mo?

Ako: Syempre naman, ipaghahanda mo ba ako hehe

Ate: ..... (di na nagtext)


Tapos nung gabi nakita ko siyang online kaya inulit ko yung sinabi ko sa kanya sa text


Ako: Ate ipaghahanda mo ba ako sa birthday ko?

Ate: Ipagluluto na lang kita ng baked mac

Ako: (Woah seryoso ba to?) Talaga?

Ate: Oo, si Dianne (pinsan namin) nga gusto kang ipagluto ng Lasagna.

Ako: Wow naman ang sweet! Ang saya, parang debut ko lang ah. Ganun ba pag 25 @ 25? LOL

O di ba, nagulat naman ako dun na ipagluluto nila ko.

Di pa diyan natatapos ang lahat.Na-emo kasi ako sa post ni Bulakbolero na naemo din sa post ni GasolineDude kaya nagpost ako sa FB ng ganito:



At mula diyan sa post na yan, ay nagkasundo kaming magbabarkada na icelebrate ang birthday ko sa abente kwatro sa aking kwarto kung saan nung college kami ay ginagawa nilang uwian kapag galing sa inuman. Ang dami din namin na  naalala noong magkakasama pa kami. Ang kulet lang. Sobrang namiss ko sila. :D

Bago pa ako matulog, naipost ko pa ito:




Hayyy sana nga matuloy ang lahat ng ito kasi sobrang excited na kong umuwi. Kahit ano na lang ang mapagsaluhan, basta makasama ko lang sila : pamilya at mga kaibigan. 


Akin na ang bente, matuloy lang!



8 comments:

  1. advance happy b-day madz, wait for my picgreet ah..

    ReplyDelete
  2. ei, advance happy beerday naman sayo mads...

    marami talaga ngmamahal sayo, ung iba lang hindi mo napapansin hehehe...

    maligayang araw :)

    ReplyDelete
  3. Happy birthday madz...in advance! Be Happy! :D

    ReplyDelete
  4. uy uy uy!... Birthday na niya.... Advance Happy Beerday... este Birthday pala... :D

    ReplyDelete
  5. Special mention pala ako sa post na 'to. LOL! Heberdey! :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design