Pages

Wednesday, September 7, 2011

Music Box




Isang araw biglang nagtanong sa akin si opismate:

Opismate: Madz halimbawa may nakita kang music box sa isang antique shop tapos eh sobrang nagustuhan mo.

Madz: e sigurado binili ko na yan.

OM: Oo, tapos pinapatugtog mo siya palagi. Sa palagay mo gaano katagal siya bago masira?

Madz: Hindi yun masisira kasi inaalagaan ko.

OM: Halimbawa nga lang.

Madz: Hindi ko alam kasi nga iingatan ko naman.

OM: O sige halimbawang nasira nga, anong maiisip mo habang hawak mo yung music box?

Madz: e di pipilitin kong ayusin, hindi pwedeng hindi maayos. lahat gagawin ko para lang gumana.

OM: E pano pag hindi na nga mabuo.

Madz: E di itatabi ko...

So bakit ko ito naikwento?

Kasi naisipan ko rin itong itanong sa isang kaibigan na inaantok daw. Ipiprint screen ko sana yung convi pero hindi kaya sa isang page. Ang dami kasing ligoy nitong kaibigan ko na tawagin na lang natin na si bulakbolero :)) Paikliin ko na lang.


kaya kami tumagal :))



Marami pa siyang sinabi niyan pero dito lang din kami humantong:



Para naman sa pangalawang tanong



Matapos kong ipaliwanag sa kanya ang ibig sabihin nung mga tanong ko sa kanya ay nagpahabol pa talaga siya nito:



O e di siya na talaga ang nag-explain pa.. LOL Syanga pala ito daw yung meaning ng mga sagot namin tungkol sa music box na yan.


1. The amount of time you thought the music box continued to play corresponds to your expectations of how long love will endure. 

2. The way you felt about the broken music box shows how you feel when a relationship has died.

Ikaw maniniwala ka ba sa quiz na 'to o tulad din ni kaibigang bulakbolero na... ayun parang hindi?

Ako? Ewan ko, quiz lang naman yan, pero pwede rin kasi maganda naman yung naisagot ko LOL

Naaadik ako sa kokology na book. Yun lang!

14 comments:

  1. nakulitan ako sa music box.. sa huli may banat na pag-ibig :D

    ReplyDelete
  2. waaah about pala ito sa lablayp!!! never akong nagkaroon ng musicbox.....pero yung musicbox ni mariah carey meron ako! hehehe

    ReplyDelete
  3. Hmm... let's say lang, sinagot ko rin yung quiz haha..

    1. medyo hindi ko nagets yung number1.. pero kung araw-araw nga naman gagamitin yung music box, mabilis ding masira. Inaalagaan mo nga, pero ganun tlga siguro.. magkakaroon ng isang weak point.. then masisira rin..

    2. siguro.. malamang. mahirap din kasi mag letgo lalo na pag napamahal na ang sobra sayo. Kahit na simpleng music box lang yan, kung minamahal mo kahit one minute lang.. mamarka yan. Hirap iletgo.. pero KAILANGAN.

    Agree ako ke kras. Iba yung music box.. iba din naman ang pagibig. Hindi sya maaaring maikumpara.. literal.

    Pero sa isang punto.. siguro nga.. gaya ng pag-ibig, kahit na alagang-alaga mo yung music box mo, meron pa ring tsansa na itoý masira. At kung sira na, okay.. gawan ng paraan.. buksan, ayusin. Pero kung hindi na talaga.. LET GO.

    Yun lang. Hihihihi!! :D

    ReplyDelete
  4. ang love hindi maikukumpara sa music box, kasi ang music box, dinidiktahang tumugtog, pero ang love wala yang utos, kusa yang dumadating

    ReplyDelete
  5. ayun naman pala yun.. lablayp naman pala.. tama, sa una pa lang bago ko mascroll down sa kulitan nyo ni batang bata, lablayp nga ang nasa isip ko.. :) at tama nga ko hehehe...

    nagustuhan ko ung explain ni bata sa hulihan ng convi nyo. hindi mo pedeng i compare sa music box ang pag ibig.. kasi one sided lang yan, i mean kung masisira ang music box sa kabila ng pagiingat mo rito, ibig sabihin lang, ayaw na nya sayo diba?

    ayan nagdagdag lang :)

    magandang gabi po :)

    ReplyDelete
  6. Nagustuhan ko yung ideya ng Music Box. Si superman kaya, ano ang isasagot nya sa tanong na yan? Si Batman? Si spiderman at kungsinopaman? Ano ang kanilang isasagot? Sablay ang love life nila huhusgahan ko na sila hahahaha

    ReplyDelete
  7. mas naka-relate ako sa number 2. masakit kapag ang isang relasyon ay humantong sa hiwalayan na matapos mong alagaan. :( *bitterans na naman ako* Lol!

    ReplyDelete
  8. Nahirapan ako sa tanong hahahaha!

    Para sakin, kung tumigil tumugtog ung music box, hindi ibig sabihin papalitan mo na ung music box o sasabihin mong sira na ito at kakalimutan na.

    Susubukan mo itong ipaayos. Baka kelangan lang ng langis. Parang love life. Hindi lahat tinatapos, baka kelngan lang may ayusin.

    Pumunta ka sa mga antique shops, madami pa ding music box na galing pa sa panahon ng hapon, pero hanggang ngayon gumagana pa. Ganon din sa love life, meron ding nagtatagal ng panghabang buhay.

    WAPAK!

    - Poi
    www.toiletots.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. ang kuliiit! gusto ko tong post na to (; music box at love. hmm. may koneksyon pala. hehe.

    ReplyDelete
  10. so ikaw na yung hindi masisira kasi aalagaan mo, dapat tinanong mo sa akin to eh. hahhahha. bago mo pinost. nyahahhaha. wala wala madamot ka

    ReplyDelete
  11. ano ang lablyf?alam ko ba un hakhak..
    jusko ang hirap ng tanong lol..
    kung alam mong fave mo ung music box at ayaw mong masira to dapat iingatan mo yan,,unless kung ang panhn ang didikta kung hanggang saan lng talaga ang life ng kawawang music box..

    ReplyDelete
  12. isa sa pinaka nakakatakot na tunog ang music box. Peborit ko. I lab spooky music.

    ReplyDelete
  13. hahhahha!! I like this one. Music box, pwede icompare sa pag-ibig, di ba sa una halos araw2 gusto mo nakikita, gusto mo patugtugin pero darating ung point na may ibang kukuha ng attention mo at pansamantalang hindi mo maasikaso ang music box. Pero ang music box kung tlgang importante sayo, hindi mo hahayaang alikabukin kahit hindi mo pinpatugtog, aalagaan mo pa rin dahil alam mo na bubuksan mo ulit un para marinig ang musikang taglay nya.

    Charing! hahhahah!!!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design