Monday, September 19, 2011

Gusto ko paglaki ko (Update)

Last week, binigyan ako ni isang opismate ng video ng The Secret, kasi nagkaron kami one time ng discussion about work at yung gustong kong mangyari sa buhay ko. Sabi niya, marami daw akong matututunan dun, so ako naman sige lipat mo sa pc ko.

After kong mapanood isa lang agad ang naisip ko. Iupdate yung post ko last year about sa mga gusto kong makamit o magawa, parang bucket list lang. So eto gusto ko lang i-share kasi natuwa lang ako nung marami na kong nacross out sa kanila :)



1.Magcartwheel

2. Magdrive

3. Wall climbing, zipline etc. basta yung parang adventure camp.







4. Sumakay sa rollercoaster/space shuttle 

Hindi ko alam kung counted yung sinakyan namin ni SOB sa Star City pero achievement na yun on may part kasi first time kong sumakay sa ganun. Pasensya naman nalimutan ko yung name nung ride LOL.

5. Mag-enroll sa dance class

6. Learn a foreign language

7. Malasing

8. Makatakbo ng ilang laps sa oval

Yep, nitong taon lang nagstart kami ng isang kaopisina na tumakbo sa Marikina Sports Complex every TTH pagkatapos namin sa work. 15 na ikot na ang nagagawa namin at feeling ko pagkatapos nun eh napakaraming taba na ang nawala sa katawan ko.  :D

9. Makapagluto ng dinuguan

10. Mag make-up

11. Makicrash sa isang party

12. Skinny dipping

13. Magpakulot ng buhok





                           Wala naman akong sinabi na permanent di ba, so counted na 'to :P

14. Makakain sa Kaffe Razzo

Dahil hindi na ako nakakain dito hanggang sa sila'y magsara ginawa ko itong example para lagi kong isipin na kung may gusto ako either bagay o kainan na lugar dapat gawin ko lahat para matupad yung gusto ko or else, maraming "what if" lang ang maiipon sa isip ko.

15. Maggitara/Piano

Hmmm 50% pa lang 'to kasi hindi pa ko marunong PERO nung uwi ko sa Bohol last year ay pinama na sakin ni papa yung gitara niya. So ako na lang talaga ang inaantay na mag-aral. :)

16. Gumawa ng fondant cake

17. Magsuot ng dress



 Dahil gusto ko talagang magpasweet at magmukhang dalaga, eh nagstart na akong maghanap ng mga dress/bestida kapag namimili ako ng damit at ito talaga ang una kong hinahanap.

18. Magpatattoo

19. Umakyat sa Mt. Banahaw

20. Kumanta kasama ng band.

21. Mag-alaga ng hayop

22. Pumunta sa Italy or magtravel sa Europe

Hmmm, may opportunity po na dumating para makasama ko na si Mama sa wakas at sana po ay matuloy na. Pagpray natin ha!

23. Maligawan

24. Get married and have kids


O di ba, 8 out of 24 ay nagkaroon na nang katuparan. Not bad di ba? :D At dahil diyan gusto ko pang dagdagan ng isa ang list na ito, para machallenge pa ko ng 99%.

25. Makapagpublish ng book.

 Puro mga kwento din ang laman nito at wala akong pakialam kahit pa maging romance pocketbook ang kalabasan. Ang mahalaga makita ko yung pangalan ko (sige pen name pwede na) sa book na binibili ng iba. :D


********

Salamat nga pala dun sa mga nagpadala na nang picgreet para sa nalalapit kong kaarawan at dun sa mga *ehem* *ehem* gusto pang magbigay, send niyo lang dito : hartlesschiq@gmail.com. Malugod ko yang tatanggapin with matching kiss pa! :k   LOL

14 comments:

  1. :party goodluck sayo mads! at least me mga na akomplis ka na <3

    -pedobear

    ReplyDelete
  2. MAGPATATTOo SIS??? really!!! e samantalang nung ako ang nagiisip magpatattoo e sobrang ayaw mo. hehehheh!!! Nyways congrats at marami ka nang na-accomplish.. Un nga plang maligawan--- hindi pa ba nangyayari yan? LOL

    ReplyDelete
  3. Ms. Hartlesschiq, sa ganda mong 'yan hindi ka pa po ba naliligawan? (referring to #23)

    ReplyDelete
  4. mataas ang possibility na matupad mo lahat 'to madz. just keep focus and always one at a time.

    ingat lagi! bagay sa'yo yung hair mo na malalaking kulot. yun ba tawag dun? di ko alam haha!

    ReplyDelete
  5. bagay pala sayo ang kulot ate madz. naks! nakakatuwa naman mga list mo. parang gusto ko rin lahat yan. hahaha. i'm sure matutupad ang mga yan. :)

    ReplyDelete
  6. M&M, di ko rin matandaan yung sinakyan natin na isang oras tayong pumila tapos 3 mins lang pala yung rides. LOL

    turuan kita ng basic french language! kung paano bumasa, sumulat at paano ang tamang pagbigkas! haha. ipa-pasabook ko sau yung french dictionary ko nung college. you want? :D

    magpa-hena tattoo ka lang, panget sa babae yung may tunay na tattoo. nangialam?? haha.

    humanda ka, may malapit ng manligaw sau. hahaha! calling calling!!

    PS: kung gusto mo mag-alaga ng pet, marami dito sa bahay na love birds. tapos malapit na rin manganak yung cat ng brother ko. :O

    ReplyDelete
  7. Wow, nakakatuwa naman ang mga kagustuhang yan!
    finollow na nga pala kita.
    Sana mapadpad ka din sa blog ko minsan.
    Isinali na din kita sa bloglist ko. Check mo ha?

    Ronadelle ng
    www.athomeakodito.blogspot.com

    ReplyDelete
  8. 23. Maligawan :e pak!

    - rainbow :rainbow

    ReplyDelete
  9. 23!!!!! malapit na!! wahahahahaha! nasa paligid lang!

    ReplyDelete
  10. madaming achievement. ayos! nawa'y matuloy ka sa Italy/europe. :)

    ReplyDelete
  11. Natawa ako sa malasing,


    pero mas laughtrip yung MALIGAWAN!


    Sir Bino, labas na, tuparin mo ang mga pangarap ni Madz! :)))

    ReplyDelete
  12. ayun oh naka-dress! :D

    buti nga ikaw may lakas ng loob gumawa ng bucket list, ako wala! :))

    baka wala akong matupad..

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design