Pages

Friday, September 16, 2011

Pipo (2)

Nahimasmasan na ako sa pag-iyak. Hindi ko mapaniwalaan. Paanong nangyari yun?


Hindi mo binuksan si Pipo?

Naupo kami ni Erik sa may hagdan sa may pinto. Katulad dati, noong nanliligaw pa lang siya.

Hindi, kasi akala ko babalikan mo pa siya. Di ba binilin mo na wag kong sisirain? Kaya ayun, hindi ko na binuksan tapos hindi ko na siya nabanggit sa'yo, nakalimutan ko na siguro kasi nakatutok na ko sa'yo.

Eh di ibig sabihin, mahal mo talaga ako?


Bakit ba nagdodoubt ka sa nararamdaman ko sa'yo?


Kasi si Pipo... kasi akala ko... akala ko...

******

Matagal na kong may gusto sa kanya. Dati kasi sinasama ako ni kuya sa dati niyang tinutuluyan at sa tapat nito ay ang boarding house ng lalaking nakita ko. Kahit wala naman akong ginagawa ay hindi ko pinapalagpas ang chance na makita ko siya. Para tuloy minsan gusto ko na lang maging unggoy para makalambitin ako sa mga kable ng kuryente at makita siya ng malapitan ng hindi niya nalalaman.

Pagkakita ko pa lang sa mall kay Pipo ay hindi na ko nagdalawang-isip na siya'y bilhin. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ito sa kanya. Parang magkasama lang kami palagi di ba.

Erik!

Akala ko hindi niya ako maririnig kaya naman nung nilingon niya ako ay sobra ang naging kaba ko.

Para sa'yo nga pala. Si Pipo, alagaan mo siya ha! Wag mong sisirain. Salamat!  
Dali-dali akong tumakbo papalayo sa kanya at sakto dahil pauwi na rin kami ni kuya. 

Akala ko hindi ko na siya makikita. Laking gulat ko na lang nang tabihan niya ako sa upuan sa baking class na pinasukan ko. Naging magkagrupo pa kami sa mga ibang activities at doon ay nakilala ko pa ng mabuti ang lalaking hinahangaan ko, si Erik.


Buti na lang at marami kaming pinagkakasunduan na bagay, kasama na roon ang pag-eeksperimento sa pagbabake. Kaya nga sa mga exams, hindi ako natatakot na maungusan siya sa grade kasi kita ko na naeenjoy niya yung challenge. Lalo kaming naging close at mas lalo akong nagkaroon ng paghanga sa kanya.

Hindi ko nga inakala na manliligaw siya kasi sa tingin ko ok naman kaming magkaibigan. Kahit gustong gusto ko na siyang sagutin noon, pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi gusto kong makilala namin ang isa't isa. Di yung dahil lang sa isang stuffed toy.


Sinagot ko din siya makalipas ang ilang buwan at masasabi ko na sobrang napasaya ako ni Erik. Para lang kami yung dati, yung magkaibigan. Siguro mas naging malambing lang ako sa kanya at siguro siya din sa akin.

Pero minsan, iniisip ko pa rin kung totoo yung nararamdaman niya. Kung hindi ba siya napilitan dahil ibinigay ko sa kanya si Pipo at ito ang madalas naming pag-awayan.

********


Kasi akala ko nanligaw ka lang dahil sa sinabi ni Pipo.

Ha? Anong sinabi ni Pipo.

Kinuha ko sa kanya ang kahon na pinaglalagyan ni Pipo. Mula doon ay inilabas ko siya at pinisil sa gitnang bahagi ng katawan nito.

I Love You. I Love You. I Love You.

Tinanggal ni Erik ang pagkakapindot ko kay Pipo at hinalikan  niya ako sa noo.

Ikaw si Pipo?


O..o.. natatawa kong sagot sa kanya.

Kaya pala iningatan ko. Halika nga dito. Sabay kabig niya sa akin.

Kahit binuksan ko pa si Pipo, hindi pa rin yun yung magiging dahilan kung bakit minahal kita Divine. Hindi ikaw ang tipo ko. Aray! Kinurot ko nga siya sa tagiliran.


Nakuha mo pang magbiro.


Totoo yun. Hindi ako mahilig sa maputi at singkit. Lalong ayoko rin ng babaeng mas matangkad sa akin. Pero yun palang mga yun hindi na mahalaga once makilala mo na yung babaeng mamahalin mo.Malay ko bang mamahalin ko ang isang... unggoy!

Tumakbo siya papalayo sa akin habang pinipindot pindot si Pipo.

I Love You. I Love You. I Love You.

Napangiti na lamang ako habang hinahabol ko si Erik. Hanggang tumanda yata kami palagi na niya akong lolokohin tungkol dito. Pero ayus lang kahit maging unggoy ako sa paningin niya. Hindi naman mahalaga yun, basta ba siya ang makakasama ko, uulit-ulitin ko lang sa kanya ang sinasabi ni Pipo. :)


Part I

6 comments:

  1. eto naman pala ang kasunod..

    ayos ito madz.. parehong nagbahagi ang karakter ng kanilang kwento. may kilig moments pa. ang sweet naman..

    magandang araw sayo :)

    ReplyDelete
  2. hoorah!!! ang husay ng wentong to!

    sana kinompleto mo in one story para pasok na pasok sa saranggola blog awards. si pipo ay laruang unggoy na pasok sa tema na laruan. :D

    pagsamahin mo dali, isali mo :D

    ReplyDelete
  3. Yun naman pala eh :D

    Ang maganda lang, kusang nangyari ang lahat, hindi dahil may sinabi si Pipo, kundi dahil minahal talaga sya ni Erick :)

    ReplyDelete
  4. Awwww! Kakiligan at kakesohan! Winner na winner ang kwentong ito Madz. :)

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. :mj oha!.. napapasayaw ako sa iyong lab story.... napakaganda.. ^_^

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design