Alam ko naman napilitan ka lang eh, fine kung ayaw mo na!
Ano bang pinagsasasabi mo? Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Kung di ko pa sinabi sa'yo di naman magiging tayo. C'mon Erik halos isang taon na tayong magkasama. Pati ba naman yung kay Pipo di mo pa maamin hanggang ngayon?
Kahit nakikita kong naiiyak na siya, hindi ko siya magawang yakapin. Ano bang kinalaman ni Pipo sa away namin? Sinubukan kong maging kalmado at muli ko siyang tinanong.
What about Pipo? Bakit na naman siya napasali dito?
Basta ibalik mo na lang siya sa'kin Erik, tapos na tayo. Yun ang huling tugon niya bago ako pinagsarhan ng pinto ni Divine.
At sa pintong iyon ay muli akong nakatayo, naghihintay na pagbuksan ni Divine. Isinama ko na si Pipo tutal ito naman ang gusto niya.Naalala ko pa yung araw na ibinigay niya sa akin ang unggoy na ito. Nung una ko siyang makilala.
Erik!
Isang babae na halatang nahihiya ang nalingunan ko na tumatawag sa akin.
Yes?
Para sa'yo nga pala. Si Pipo, alagaan mo siya ha! Wag mong sisirain. Salamat!
Nagmamadaling sabi ng babae habang tumatakbo paalis. Ni hindi ko man lang naitanong kung anong pangalan niya. Sayang maganda pa naman.
Anong gagawin ko dito sa unggoy na ito? Hinabilin lang ba niya 'to o sa akin na? Hindi ko na bubuksan, baka mamaya masira pa, ang dami pa naman namin sa boarding house baka mapagkatuwaan. Itago ko na lang muna.
Akala ko hindi ko na makikita yung babaeng yun. Pero a week later ay nakasabay ko siya sa pag-eenroll sa baking class at naging kagrupo ko pa siya sa mga activities doon. Nakilala ko rin sa wakas yung mahiyaing babae na lumapit sa akin dati, yung nagmamay-ari kay Pipo, si Divine.
Hindi ko tipo ang ganda ni Divine pero nagkasundo kami sa maraming bagay. Pareho kaming mahilig eksperimento sa pagbabake kaya sa mga exams kami ang palaging magkalaban sa pinakamataas na score. Tuwing kasama ko si Divine, nachachallenge ako sa kanya. Parang kulang yung araw ko pag wala kaming kulitan o yabangan kaya naman nung matapos na kami sa kinuha naming klase ay hinanap-hanap ko siya.
At doon na nga nagsimula ang lahat. Madalas ko na siyang dalawin sa kanila. Kwentuhan, asaran, kulitan at minsan ay nagbabake pa kaming dalawa. Masaya akong kasama siya at nararamdaman ko hindi na lamang kaibigan ang tuting ko sa kanya. Mahal ko na si Divine.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Niligawan ko siya. At pagkatapos nga ng ilang buwang panunuyo ay naging kami. Wala namang nagbago sa turingan namin sa isa't isa, ganun pa rin kami. Siguro nga mas naging malambing lang ako sa kanya at siya sa akin.
Siyempre hindi naman palaging smooth ang relationship namin. May mga panahon na nagkakaron ng tampuhan at away. At sa bawat tampuhan na iyon ay hindi pwedeng hindi mababanggit si Pipo. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Ano bang kinalaman ng laruan na ito sa aming dalawa.
Unti- unti ay nagbukas ang pintuan at muli kong nasilayan si Divine. Halatang galing sa pag-iiyak dahil namumugto ang kanyang mga mata. Tinignan niya ako ng matagal bago lumipat ang tingin kay Pipo. Nagsimula siyang humikbi. Natakot ako akala ko hindi siya makahinga.
Divine are you ok? Divine?
Tapos bigla na lang siyang yumakap sa akin at umiyak ng malakas na malakas. Niyakap ko din siya ng mahigpit kahit na sa isip ko hindi ko pa rin maintindihan.
Part II
Part II
bitin :(
ReplyDeletesana bukas may part 2 na :D
tama si sir CM.. bitin nga :)
ReplyDeleteentry ba ito sa isang contest? hmmmm
magandang araw sayo mads
Galing :k
ReplyDeleteumuunggay ka ha? hahahaha...
ReplyDelete-kikilabotz