Pages

Tuesday, November 29, 2011

Kung Sana…

 

Sana hindi ka na lang umalis…

Sana pinigilan mo ako..

Would it make a difference?

I would have stayed if you asked me to…

Nakilala ko si Jen sa internet. Mula sa YM chat ay nakaabot kami sa Fb at Twitter. At hindi pa kami natapos doon dahil pagkalipas lang ng ilang buwan ay nagdecide kami na magkita. Sa unang pagkikita na iyon, ay nabuo na ang desisyon sa aking isipan na ayoko nang makipagsagutan sa status at makipagpalitan ng banat lines sa kanya sa internet. Gusto ko si Jen. Gusto ko siyang makasama habambuhay.

Niligawan ko siya. Kung hindi man ako nakakapunta sa kanila ay iniimbitahan ko naman siya sa labas para mamasyal o kumain. HIndi na kami gaanong nag-oonline. Nagpatuloy lang kami na ganun hanggang sa ang tangi na lang namin naisagot sa mga nagtatanong sa aming paghahiatus ay ang status namin sa FB na ‘in a relationship’

Masaya kami sa piling ng isa’t isa. Bawat araw na dumadaan ay pinupuno namin ng mga alala na magkasama kaming dalawa. Maging ang mga pamilya namin ay natutuwa dahil malaki daw ang naging improvement namin. Naging inspirasyon namin ang bawat isa. Kaya naman ng minsan may oportunidad na dumating para kay Jen ay hindi na namin ito pinalagpas. Kahit pa nga nangangahulugan ito na magkakahiwalay kami.

Inaalala lang kita noon, sayang yung opportunity

Sa atin, hindi ka ba nanghinayang?

Dumating sa punto na talagang naghiwalay kami. Nakipagkalas ako kay Jen. Baka kasi hindi niya kayanin. Baka hindi ko kayanin. Mahirap eh. Malayo kami sa isa’t isa. Malapit naman sa tukso.

Ilang beses kong pinigilan yung sarili ko na sumagot sa mga status niya. Nagsilbi akong stalker sa babaeng nagpapatibok pa rin ng aking  puso. Madalas kinakaya ko pero minsan gusto ko nang bumigay. Katulad na lang ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay sinimulan kong tumipa ng mga letra para sa kanya.

Natakot ako Jen. Naduwag. Hindi ako nagtiwala sa kaya nating gawin na magkasama. Pero ngayon, kaya ko na. Jen, pwede pa ba?

Kung itinanong mo sa akin yan dati, siguradong oo ang magigigng sagot ko. Pero ngayon, hindi ko na yata kayang magrisk para sa ating dalawa.

Sana hindi ka na lang umalis…

Sana pinigilan mo ako..

Would it make a difference?

I would have stayed if you asked me to… Sorry Dave, now is too late.

 

 

*subok lang na kwento gamit ang live writer Smile with tongue out

Monday, November 28, 2011

Pasabook (9)


Mabuhay! Andito ulit ako para sa isa na namang edisyong ng pasabook.:D

Pamilyar na kayo sa awtor ng librong ito dahil noong highschool ay ilang nobela na rin niya ang nabasa natin at ginawan ng book review. Akala ko nga hanggang dun na lang matatapos yung pagbabasa ko ng akda niya, pero nung minsan na nagkita-kita kami ng ibang mga blogger ay may nagbigay sa akin ng librong ito. Medyo natagalan nga ako bago ko siya basahin, dahil naiisip ko baka boring yung content. Pero maling-mali ako, kasi isang upuan ko siyang binasa with matching tulo pa ang uhog. Maganda siya pramis. 

O hala, masyado na mahaba ang intro, baka maikwento ko pa ng buo. Madali lang naman ang pagsali:

1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.

2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!

3. One entry per blogger lang po.

4. Hanggang November 30, 2011 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Thursday  (Dec.1, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.

Ay teka nasabi ko na ba kung anong libro yung ibibigay ko? Hahaha eto nga pala ang front cover niya, sana mas maengganyo kayong sumali :) 




 

Monday, November 21, 2011

Ready, Set... GO!



                         The longest journey begins with a single step.

                                                                               - Lao Tzu

Wala akong damit.

Wala akong pants.

Baka hindi ko makaya.
 
Baka hindi ako magising ng maagap


Minsan talaga kapag nauunahan tayo ng takot na gawin ang isang bagay marami tayong mga dinadahilan na kesyo ganito ganyan at marami pang iba para lamang makaiwas. Madalas kahit gawa-gawa lang natin ang mga dahilan na ito ay nagiging katotohanan na rin dahil ito ang tumatatak sa ating isipan. Sa huli, walang nangyayari sa atin. Naiiwan na lang tayo na nangangarap at nanghihinayang dahil hindi tayo sumubok. Lalo lang nagiging mababa ang tingin natin sa ating sarili.

Ganyan din ang naramdaman ko sa una. Excited ako na nagpalista sa isang kaibigan para sa isang event pero nung malapit na yung mismong araw,  madami ng excuses akong naiisip para magcancel. Natatakot kasi ako na baka hindi ko kaya, na baka mamaya mahimatay ako dun o kaya naman baka hindi ako makatapos. 


                  "Believe in yourself and good things do start happening."
                                    
                                          -from the book The Magic of Thinking Big

Wala akong damit.

- may libreng singlet na kasama yun

Wala akong pants.

-may nakita ka na sa Marikina, bilhin mo na

Baka hindi ko makaya.

- wala naman masama kung susubok di ba?

Baka hindi ako magising ng maagap

-nauna ka pa nga sa alarm


Buti na lang nakakuha ako ng motivation sa isang libro na kasalukuyang binabasa ko. Natalo ni Ms. Triumph si Ms. Defeat. :)






 
"It does not matter how slowly you go so long as you do not stop. "
                                                                   
                                                                                       - Confucius 


Ilang oras kong binuno yung takbong iyon, na sabi nila eh wala pang isang oras matatapos mo na. Pero ok lang kasi first time ko naman at kung makikita mo lang yung ngiti sa mata ko nung marating ko ang finish line, hayyy parang ako na yung champion. LOL 

oo may libreng Champion na powder :))

nag-aantay na magbukas ang mall :)

Hay, sarap lang. Next time na takbo ko, kakayanin ko na siya ng wala pang isang oras. Ako pa! Sama ka ha!





 


Wednesday, November 9, 2011

FB Stat (10)





Matatakutin akong tao, pero kung mas matatakutin ka, magiging matapang ako. 
Tumaas man ang balahibo at kumabog man ng mabilis ang puso ko, 
asahan mong hindi manlalamig ang kamay ko habang hawak nito ang kamay mo. :L


Monday, November 7, 2011

Upuan

Parang kelan lang hindi lang ako yung nakaupo dito. Hindi lang ako yung nakatingin habang unti-unting lumulubog ang araw. Kasama pa kita. Hindi pa tayo naghihiwalay na dalawa. Masaya pa tayong magkasama.

Kamusta ka na? 

Nandyan ka pala. Paano mo nalaman na nandito ako?

This is.. was our place.  Nandito ka rin pala.

K..amusta?

Ok lang ako. Eto... ikaw, kamusta?

Eto... Pumupunta ka pa rin pala dito.

Yeah. Habit na siguro.

Ah ok.

Kamusta ka na?

Ayus naman.

Mag-isa ka lang?

Oo. K..amusta ka na?

Nakakasawa. Paulit-ulit lang kami sa pagkakamustahan. Parang dati, paulit-ulit din lang ang pinag-aawayan naming dalawa. Hanggang sa ang isa nagsawa na at kesa maging paulit-ulit pa,  bumitaw na lang.

Aalis na ko.

San ka pupunta?

Uuwi

Hindi ako ok.

Ha?

Di ba kinakamusta mo ko? 

Aalis na ko.

Hindi ako ok kasi hinahanap hanap pa rin kita.

Aalis na ko.

Alam mo bang mahal pa rin kita?

**************

Parang kelan lang, mag-isa akong nakaupo dito. Mag-isang nag-aantay sa paglubog ng araw. Wala na tayong dalawa. Bumitaw ka na habang ako umaasa na babalik ka. Malungkot ako noon.

Pero ngayon hindi na.

Dear Boyong

 Hi kamusta ka naman. Alam mo bang naligaw pa ako kahahanap sa'yo? Malay ko ba namang meron pala talagang Chinatrust Bank, akala ko China Bank lang. Pabalik-balik na ko sa paglalakad pero hindi pa rin kita matagpuan. Buti na lang may mabait na tryke driver na naghatid sakin papunta sa'yo. Pinag-antay mo pa ko dun ng isang oras, salamat na lang kasi may malapit na computer shop.

skype with mama

Nung sa wakas nakita rin kita sa malapitan, medyo nag-alangan ako buti na lang napatunayan mo na there's more than meets the eye. Grabe speechless ako, ang sarap mo kasi, overwhelming yung mga inooffer mo. Napakanta na lang tuloy ako ng "i just can't get enough".

Dami kong tawa. :))

Dami ko pang pasakalye, ang gusto ko lang naman ikwento e nag-enjoy ako sa foodtrip ko kanina. Heto yung pics.Pasensya na, yan lang ang nakayanan kong kuha :))









Place





Menu

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, diretso order na agad.


Creamy Seafood Pesto Pasta


Lumpia??? Hindi :)) Hungarian Sausage yan :P


Di ko na maubos... sogbu si Madz ng madami :)


puto bumbong kayo diyan :P


Salamat Boyong sa masarap na pagkain na inihanda mo para sa'kin :) Huwag kang mag-alala babalikan kita.  Dami ko pang gusto i-try.

Eto nga pala address baka gusto mo ring maexperience kapag napadaan ka sa Marikina:

Boyong's Buffet 
#15 E. Dela Paz St., San Roque, Marikina City
682-0403, 682-5615


P.S.

Bago umuwi dumaan muna ako kay Aling Remy. Masarap daw ang kakanin dito, kaya bumili na ko dahil sakto ang request na pasalubong ni housemate. :)


Friday, November 4, 2011

Suck and Blow Friday ^___^





gawin mo na hangga't kaya mo pa :)

Happy Weekend sa inyo!

Thursday, November 3, 2011

Egsayted Much

I'm so excited and I just can't hide it...

Pagpatak ng November, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang lagi akong nawiwiwi. Kulang na lang gayahin ko din si madam Ana Manalastas (100 days) at magcross-out ng araw sa kalendaryo. Ilang araw na lang kasi, bakasyon grande na naman ako.  Bakasyon grande hindi dahil sa duration kundi dahil out of town ito. Wala lang, lately parang gusto ko laging magliwaliw.

So ayun para naman hindi ako ganun ma-bano ay nagresearch ako tungkol sa lugar. Nakapunta na ako dito dati kaya lang highschool pa ko nun, kaya kelangan ko ulit mafamiliarize sa mga magagandang gawin, puntahan at kainan.At ipopost ko para naman maengganyo talaga kong pumunta.

BUSUGIN ANG MATA (magpapiktyur na rin)

Lion's Head - yeah! pruweba na nandun na talaga ako 
Burnham Park - maganda daw yung orchidarium tapos pwede din magboating :)
Mines View Park - esp. kay DOGLAS ang sikat na St. Bernard over there tapos magsuot na rin ng Igorot costume (kailangang bumalik sa aking roots hehe dyuk)
Wright Park
The Mansion House

PMA
Tam Awan Village
Igorot Village
Lourdes Grotto - mag-iipon na ko ng lakas para dito
Camp John Hay's Eco Trail
Ukay-ukay/ Night market - SHOPPING!
Bencab Museum
Bell Tower
Mt. Santo Tomas
Easter Weaving room


at kung pwede pang dumaan sa

Strawberry Farm



BUSUGIN ANG PANLASA

*Chow2x, lumpia salad, waldofresto at anak ng putanesca

Oh My Gulay
5th Flr. La Azotea Building
108 Session Road

* Guys on the hood, gangsta gangsta and milkshake 

50's Diner 
92 Upper General Luna Road, Corner Brent Road

* Buttered Chicken , Chopsuey and fried rice

Good Taste
Rajah Matanda Street (likod daw ng Baguio Centrall Mall)

*pizza, pasta and strawberry shortcake

Vizco's Restaurant
EDT or Puso ng Baguio Bldg, Upper Session Road

*bulalo at anik-anik pang meat dishes

Slaughter House Area 

*Chona's Delight

Tea House
Session Road

*Raisin Bread

Baguio Country Club

Ube/Strawberry Jam, Peanut Brittle (Good Shepherd)
Lengua de Gato (Rico's/Tartland)

Public Market

Cafe by the Ruins (optional kasi mahal daw tapos average lang ang taste ng food)

Strawberries
Strawberry-flavored dirty ice cream at taho


Di ko pa alam kung paano pagkakasyahin ang oras at pera ko para mapuntahan at makainan ko yang mga nasa itaas. Sana makasama sa itinerary namin kahit 95% nung nakalista :) hihi 

Salamat nga pala sa google at sa mga site na ito:

http://lakad-pilipinas.blogspot.com/2011/06/baguio-trip-itinerary-summary.html
http://www.gobaguio.com/
http://www.ambot-ah.com/2011/10/22/baguio-la-trinidad-itinerary/

Oo ako na talaga ang excited kaya naman paalala sa mga sasama please lang walang magbaback out ha! See you guys :D

Wednesday, November 2, 2011

Pasabook (8) RESULT

Eto na po yung result ng pasabook. May ilan po akong entry na hindi isinali dahil sa mga sumusunod:

1. double post
2.  wala sa Pinas
3. sinabi kong wag nang magcomment dahil meron na siya pero nagcomment pa rin LOL (alam mo na kung sino ka)


Bale po 33 ang lahat na pumasok para sa pakulong ito.



At ayon po kay random.org ang maswerteng makakakuha ng libro ay si:









Congrats po ser Duking! Send niyo na lang po sa email ko (hartlesschiq@gmail.com) yung mailing address niyo para maipadala ko na :)

Salamat po sa lahat ng sumali. Kitakits po ulit sa kasunod na pasabook ngayong buwan. :)

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design