Pages

Monday, November 7, 2011

Upuan

Parang kelan lang hindi lang ako yung nakaupo dito. Hindi lang ako yung nakatingin habang unti-unting lumulubog ang araw. Kasama pa kita. Hindi pa tayo naghihiwalay na dalawa. Masaya pa tayong magkasama.

Kamusta ka na? 

Nandyan ka pala. Paano mo nalaman na nandito ako?

This is.. was our place.  Nandito ka rin pala.

K..amusta?

Ok lang ako. Eto... ikaw, kamusta?

Eto... Pumupunta ka pa rin pala dito.

Yeah. Habit na siguro.

Ah ok.

Kamusta ka na?

Ayus naman.

Mag-isa ka lang?

Oo. K..amusta ka na?

Nakakasawa. Paulit-ulit lang kami sa pagkakamustahan. Parang dati, paulit-ulit din lang ang pinag-aawayan naming dalawa. Hanggang sa ang isa nagsawa na at kesa maging paulit-ulit pa,  bumitaw na lang.

Aalis na ko.

San ka pupunta?

Uuwi

Hindi ako ok.

Ha?

Di ba kinakamusta mo ko? 

Aalis na ko.

Hindi ako ok kasi hinahanap hanap pa rin kita.

Aalis na ko.

Alam mo bang mahal pa rin kita?

**************

Parang kelan lang, mag-isa akong nakaupo dito. Mag-isang nag-aantay sa paglubog ng araw. Wala na tayong dalawa. Bumitaw ka na habang ako umaasa na babalik ka. Malungkot ako noon.

Pero ngayon hindi na.

6 comments:

  1. most of the time, all it takes is courage to speak what is on your mind. hindi na kailangan ng patumpik-tumpik! ambilis na ng araw oh! sayang ang miles! lolz


    :rainbow

    ReplyDelete
  2. Effective na pampalungkot. Affected? Nakakarelate?

    ReplyDelete
  3. awwww.... dumaan din ako sa ganyan... walang lakas loob na isiwalat ang nasa sa loob.. hahahhahaa.. drama... astig madz!!!! :D

    ReplyDelete
  4. sana lahat ng tao ganyan, may lakas ng loob isiwalat ang nararamdaman nila

    ReplyDelete
  5. inamn ang pagkarelate ko sa mga gantong ma emote n post ..


    bkit kaya?? xD

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design