Pages

Monday, November 7, 2011

Dear Boyong

 Hi kamusta ka naman. Alam mo bang naligaw pa ako kahahanap sa'yo? Malay ko ba namang meron pala talagang Chinatrust Bank, akala ko China Bank lang. Pabalik-balik na ko sa paglalakad pero hindi pa rin kita matagpuan. Buti na lang may mabait na tryke driver na naghatid sakin papunta sa'yo. Pinag-antay mo pa ko dun ng isang oras, salamat na lang kasi may malapit na computer shop.

skype with mama

Nung sa wakas nakita rin kita sa malapitan, medyo nag-alangan ako buti na lang napatunayan mo na there's more than meets the eye. Grabe speechless ako, ang sarap mo kasi, overwhelming yung mga inooffer mo. Napakanta na lang tuloy ako ng "i just can't get enough".

Dami kong tawa. :))

Dami ko pang pasakalye, ang gusto ko lang naman ikwento e nag-enjoy ako sa foodtrip ko kanina. Heto yung pics.Pasensya na, yan lang ang nakayanan kong kuha :))









Place





Menu

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, diretso order na agad.


Creamy Seafood Pesto Pasta


Lumpia??? Hindi :)) Hungarian Sausage yan :P


Di ko na maubos... sogbu si Madz ng madami :)


puto bumbong kayo diyan :P


Salamat Boyong sa masarap na pagkain na inihanda mo para sa'kin :) Huwag kang mag-alala babalikan kita.  Dami ko pang gusto i-try.

Eto nga pala address baka gusto mo ring maexperience kapag napadaan ka sa Marikina:

Boyong's Buffet 
#15 E. Dela Paz St., San Roque, Marikina City
682-0403, 682-5615


P.S.

Bago umuwi dumaan muna ako kay Aling Remy. Masarap daw ang kakanin dito, kaya bumili na ko dahil sakto ang request na pasalubong ni housemate. :)


1 comment:

  1. What better way to spend a non-working day! Food trip it is. :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design