Pages

Thursday, November 3, 2011

Egsayted Much

I'm so excited and I just can't hide it...

Pagpatak ng November, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang lagi akong nawiwiwi. Kulang na lang gayahin ko din si madam Ana Manalastas (100 days) at magcross-out ng araw sa kalendaryo. Ilang araw na lang kasi, bakasyon grande na naman ako.  Bakasyon grande hindi dahil sa duration kundi dahil out of town ito. Wala lang, lately parang gusto ko laging magliwaliw.

So ayun para naman hindi ako ganun ma-bano ay nagresearch ako tungkol sa lugar. Nakapunta na ako dito dati kaya lang highschool pa ko nun, kaya kelangan ko ulit mafamiliarize sa mga magagandang gawin, puntahan at kainan.At ipopost ko para naman maengganyo talaga kong pumunta.

BUSUGIN ANG MATA (magpapiktyur na rin)

Lion's Head - yeah! pruweba na nandun na talaga ako 
Burnham Park - maganda daw yung orchidarium tapos pwede din magboating :)
Mines View Park - esp. kay DOGLAS ang sikat na St. Bernard over there tapos magsuot na rin ng Igorot costume (kailangang bumalik sa aking roots hehe dyuk)
Wright Park
The Mansion House

PMA
Tam Awan Village
Igorot Village
Lourdes Grotto - mag-iipon na ko ng lakas para dito
Camp John Hay's Eco Trail
Ukay-ukay/ Night market - SHOPPING!
Bencab Museum
Bell Tower
Mt. Santo Tomas
Easter Weaving room


at kung pwede pang dumaan sa

Strawberry Farm



BUSUGIN ANG PANLASA

*Chow2x, lumpia salad, waldofresto at anak ng putanesca

Oh My Gulay
5th Flr. La Azotea Building
108 Session Road

* Guys on the hood, gangsta gangsta and milkshake 

50's Diner 
92 Upper General Luna Road, Corner Brent Road

* Buttered Chicken , Chopsuey and fried rice

Good Taste
Rajah Matanda Street (likod daw ng Baguio Centrall Mall)

*pizza, pasta and strawberry shortcake

Vizco's Restaurant
EDT or Puso ng Baguio Bldg, Upper Session Road

*bulalo at anik-anik pang meat dishes

Slaughter House Area 

*Chona's Delight

Tea House
Session Road

*Raisin Bread

Baguio Country Club

Ube/Strawberry Jam, Peanut Brittle (Good Shepherd)
Lengua de Gato (Rico's/Tartland)

Public Market

Cafe by the Ruins (optional kasi mahal daw tapos average lang ang taste ng food)

Strawberries
Strawberry-flavored dirty ice cream at taho


Di ko pa alam kung paano pagkakasyahin ang oras at pera ko para mapuntahan at makainan ko yang mga nasa itaas. Sana makasama sa itinerary namin kahit 95% nung nakalista :) hihi 

Salamat nga pala sa google at sa mga site na ito:

http://lakad-pilipinas.blogspot.com/2011/06/baguio-trip-itinerary-summary.html
http://www.gobaguio.com/
http://www.ambot-ah.com/2011/10/22/baguio-la-trinidad-itinerary/

Oo ako na talaga ang excited kaya naman paalala sa mga sasama please lang walang magbaback out ha! See you guys :D

6 comments:

  1. Baguio is <3!

    Enjoy sa iyong trip. Favorite ko ang Mines View Park at ang mga stalls malapit dito.

    Cheers!

    ReplyDelete
  2. tanda ko pa nung nagpunta kami ng Baguio kasama ang family ko, 3 palang kids ko noon, that was 2002 pa, ginagawa pa lang ang SM, 'wag mong kalilimutang puntahan din ang PADI'S POINT at Alberto's Music Lounge kung bukas pa hehehe…

    ReplyDelete
  3. strawberry fields forever!

    nung nagpunta ko ng baguio, business trip. yung hotel na tinutuluyan ko, yung bintana may plot ng strawberry. tapos, tinikman ko yung kulay pink na bunga, ang pakla. ganun pala ang strawberry paghilaw. tapos maasim naman kapag hinog. in other words, walang kwenta. bukod dun, wala na akong maalala sa baguio maliban sa fog at sm na walang aircon.

    enjoy your trip madz!

    ReplyDelete
  4. wow. pupunta ka pala ng Davao. lols. joke. sa B.... batanes... bwahahah.

    mukang gagala ka uli.

    pasalubs na pics at wento

    ReplyDelete
  5. iBlogger trip ba ito? Wow. Kakainggit naman. Lagi kami nasa Baguio dati pero never ko siya nalibot ng buo.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design