Wednesday, April 7, 2010

Ang Babae sa Jeepney

Pagsakay mo pa lang, napansin agad kita. Ang bango bango mo, napakainit ng panahon pero parang ang prekso presko ng iyong amoy. Hmmmmm, papalapit ng papalapit ang halimuyak, para akong namamasyal sa malawak na kaparangan na napapaligiran ng mga bulaklak. Halos mabaliw baliw ako nung pumuwesto ka sa tabi ko.

Nagkatinginan tayo, ngumiti ka. God, ang puputi ng mga ngipin mo at pantay pantay pa. Napatawa ka sa akin, siguro kasi ilang minuto na akong titig na titig sayo.Sa hiya tumingin na lang ako sa may bintana, pero palihim pa rin akong sumusulyap. Buti na lang matagal pa bago ako bumaba atleast mapagnanasaan este matitigan pa kita.

Inabot ko ang bayad mo. Sinigurado kong maglalapat ang ating mga kamay. Ang lambot parang sa bata. Hindi kita binibitawan, ang sarap sarap mo kasing haplusin. Nagtataka ako kung bakit hindi ka bumibitaw pero ineenjoy ko na rin. Hindi naman araw araw na may nakakasakay ako ba kasing ganda mo. Dahan dahan kong binitawan ang iyong mga kamay para muling humaplos sa aking balat ang iyong kakinisan. Marami pang sumakay sa jeep, pero sinigurado kong sisiksik ako sa tabi mo. Siyempre ikaw ba naman lalayo pa kapag may magandang tanawin ka nang nakikita?

Iilan na lang tayo sa jeep at naisipan kong itanong ang iyong pangalan. Nice meeting you Hannah kung alam mo lang lalong umiinit ang panahon habang katabi kita. Siyempre sa isip ko lang yun sinasabi baka mamaya makatikim ako ng sampal katanghalian. Ilang minuto rin kitang nakausap bago ka bumaba. Ngingiti ngiti pa ako sayo habang dumadaan ka sa harap ko. Sinuklian mo rin ako ng ngiti at napatawa ka pa nga. Natawa rin ako , pero saglit lang kasi nung malapit ka nang bumaba hinawakan ng lalaking nasa unahan mo ang iyong mga kamay.

Bigla akong nilamig habang tanaw tanaw ko kayo papalayo sa jeep. Napakainit ng panahon pero parang gusto kong magjacket ng mga oras na iyon. Iiling iling ang driver ng jeep na sinasakyan ko samantalang mukhang naaawa na ang aking mga kasakay . Parang tumigil ang oras nang bigla kong nakapa ang aking bulsa.

“%^&*#$@#$#$ nadukutan na pala ako.” Kaya pala walang nagvivibrate sa aking pantalon, nakuha na ang aking cellphone. Ang malala pati wallet ko natangay. Takte, andun yung pambayad ko ng tuition ng kapatid ko. Pumara na ko sa jeep, hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko na rin matagalan ang nararamdamang kong kahihiyan.

“Tsk tsk, napakamanyak kasi, ayan hindi man lang naramdamang dinudukutan na.”

16 comments:

  1. sino ba nakaranas neto? haha...wawa naman..yan kasi...kung sino sino na lang pala ang mga magnanakaw haha

    ReplyDelete
  2. Ndi ko alam sendo pero sigurado ako,hindi ako yan...hahaha

    ReplyDelete
  3. naman kasi..haha...naakit haha

    ReplyDelete
  4. masyado kasing nabighani sa mandurukot..hehe

    ReplyDelete
  5. Hello po kamusta na kayo?! Maganda tong dukutan story ah hahaha..... Bisitahin nyo naman ako parang awa nyo na LOL :) http://www.kumagcow.com

    ReplyDelete
  6. ouch naman. badtrip un ah! di ko lam kung matatawa o maaawa ako dun sa lalaki. tsk. haha

    ReplyDelete
  7. astig!!! apir galing ng pagkakasulat.

    ReplyDelete
  8. Magnetic talaga ang mga magagandang babae. E yung mga panget nababae kaya, pinapansin din?

    ReplyDelete
  9. siguro syota mo ang nabiktima? *moso mode* anyway, deception in the streets classic.

    ReplyDelete
  10. salamat po sa patuloy na pagbasa..hehehe

    @rah: pano ba macoconsider na panget ang isang girl? depende naman palagi sa tumitingin..ahehehe :P

    @random: ayeeee, no comment..fiction lang po yan ^_^

    ReplyDelete
  11. ahahahaha. kawawa naman. hmmmm. dapat kasi maging alert alive awake.. ahahaha. natatawa talga ako.

    ReplyDelete
  12. hmmmm..di kasi naging alerto...

    ReplyDelete
  13. @bad: alert naman siya ah...sa chix nga lang..LOL

    ReplyDelete
  14. imba hahah,ok lang madukutan kung walang laman wallet ko

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design