Wednesday, April 28, 2010

Kung Pwede Lang Naman


Dear Mr. Right,


Hi kamusta ka na? Kung ako naman ang tatanungin mo ok naman ako kahit medyo naiinip na sa pagdating mo. Iniisip ko na lang na baka nagpprepare ka ng bonggang bongga kaya hindi ka pa nagpapakita sa akin. Malapit na naman kasi ang birthday ko at sa pang labintatlong pagkakataon ikaw pa rin ang gusto kong maging regalo sa espesyal na araw na iyon. Siya nga pala marami ng nagbago simula nung huling sulat ko. I-uupdate na kita para makapg-adjust ka agad bago tayo magkita.


Naaalala mo pa ba yung lugar na sinabi ko sa’yo na dun tayo magkikita? Dinedevelop na siya ngayon, gagawing subdivision kaya naghanap na lang ako ng bagong lugar para naman maging memorable pa rin ang first meeting natin. Nakaattach dito yung address nung place at yung seat plan nating dalawa. Pag-aralan mong mabuti, sana magreply ka kung may iba ka pang suggestion.


Nga pala, huwag kang masyadong magswimming ngayon ha, mahirap na baka masyado kang umitim. Maganda yung tamang tama lang yung kulay ng balat mo. Yung magcocompliment sa kulay ko. Oh di ba pag nagdadate tayo, we look good together, kulay pa lang ng balat. Speaking of date, mahilig ako ngayon sa mga Italian dishes so kung magpplano ka, magrefer ka na lang sa list na isinama ko rin dito. I know medyo may kamahalan sila pero di ba manager ka na nga sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. At isa pa hindi naman bagay na magpapark yung kotse mo sa turo-turo lang, out of place yun sigurado. Tsaka love mo kaya ako, so you’ll only want the best for me.


Teka, anime look pa rin ba ang gupit mo? Nagtatrabaho na kasi ako ngayon kaya sana mas maganda kung presentable o corporate look ang style mo. Try mong magbrowse sa men’s magazine na latest issue para magkaidea ka kung anong hairstyle ang babagay sa’yo. Idamay mo na nga pala yung outfit. Basta dapat sa first meeting natin Blue ang kulay ng shirt/polo mo para mas madali kitang maispatan.


Alagaan mo yung sarili mo ha. Kain ng maayos at huwag palaging magpupuyat. Baka tubuan ka ng pimples, alam mo namang di ko type ang may tigidig sa mukha. Hindi ko maimagine na kumiss sa ganun kahit beso lang. Nagdidiet ka pa rin ba? Hope so. And bawal umabsent sa gym session ha. Baka mamaya bigla kang lumobo niyan. Patay na, baka maging perfect 10 tayo. Pagtatawanan ako ng family ko.


Ano pa bang sasabihin ko? Mukha namang ito lang yung iuupdate ko sa’yo. O sige, iiwanan ko nalang ulit itong sulat sa may tabing dagat. Kasi di ba dun mo nga ‘to makikita at hahanapin mo na ako. Huwag kang mag-alala para hindi ka na masyadong mahirapan, nilagay ko na yung address ko. Baka kasi hindi ka na naman umabot sa birthday ko. Maghihintay na naman ako ng isang taon.


Yung mga sinabi ko ha, wag mong kakalimutan!!! See you on my birthday!!




Love,

Ms. NBSB


P.S.

Nakalimutan kong sabihin, di ko na trip ang white roses, masyado nang palasak. Tulips na lang ang dalhin mo sa birthday ko, kahit isang dosena lang.

38 comments:

  1. Ms. NBSB,

    Sorry, forever ka nang magiging NBSB.

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D ayos ah! balitaan mo kami kapag dumating na sya :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Dear NSBS,

    bading ba si mr. right? bakit kelangan nya pa magdiet? dba ang tnl ay walang abs? hindi nya na din kelangan magbasa ng mens magazine, dahil ang tnl, gusgusin.

    at kamahal naman ng hinihingi mo, tulips, sampaguita nalang ga. kasosyal eh.

    advance happy beerday nga pala. \m/

    Regards,
    BSB (bulakbolero since birth)

    ReplyDelete
  5. Hindi siya darating. Dahil ikaw ang dapat pumunta sa kanya.

    ReplyDelete
  6. @ Sinukuan: Feeling ko din.. :P

    @Lord: Sige sabihan ko si Ms. NBSB na balitaan tayo :))

    @bulakbolero: NBSB po yun hindi NSBS..dakilang SKIP READER talaga oh :P wala daw basagan ng trip sabi niya..kanina ka pa eh..hehe

    @Rah: hehe pasaway nga po si Ms. NBSB. Antay lang ng antay :))

    ReplyDelete
  7. Haha
    demanding si Ms.NBSB..
    Tamang ilagay lang ang address ..baka mamuti mata kakahintay kung di niya alam kung saan ka pupuntahan..
    Bongga!

    ReplyDelete
  8. miss NBSB,

    nakarelate ako.. ako ba ang tinutukoy mo dito?
    ikaw ba ang nagiiwan ng sulat sa loob ng bote sa tabing dagat? kung ako nga tinutukoy mo at ikaw nga ang gumagawa nun, FYi isang beses lang ako nakapulot ng bote sa tabing dagat, at yun ay nung time na nauna lang ako ng konte dun sa mga namumulot ng bote dun para ibenta nila sa junk shop.

    at saka, bakit andami mong alam sa akin?? kaw siguro ung stalker ko ano?? kung pwede lang, wag mo na sana akong pagnasaan o hintayin o hanapin, dahil di kita pinagnanasaan, di ako nagpapahintay at di din ako nagpapahanap. in short nagsasayang ka lang ng oras sa kin. may jowa na ako at ang sarap sarap nya!

    pasensya ka na kung basted ka sa kin.. ganun talaga.. may mga ipinganak na NBSB at destined na maging NBUD (no boyfriend until death)..

    "and in her grave, it was written RETURNED UNOPENED... "

    nyahahaha!! adik lang po.. nagtritrip lang... lol

    ReplyDelete
  9. LOL as in!! adik ka indecent.. :))

    ReplyDelete
  10. Love that! taray taray ng mr right mo pag nagkaganon! Pero ayos na rin yan! :P

    ReplyDelete
  11. darating din yan!

    AIM: adik ka tlaga! dakilang petiks!

    ReplyDelete
  12. advance happy birthday.. xensa malalate ako ng dating ha? bwahahaha. joke. wag k magworry dadating din yan magtiwala k lng

    ReplyDelete
  13. @roanne & kiki : salamat pero hindi po ako yan :)) ficti0n lng guys...hehe

    ReplyDelete
  14. wahaha may dear dear ka na din.. ayos ito.. :)

    ReplyDelete
  15. Salamat panjo ;P ngaun ka na lang let nbcta sa blog ko ah..hehe

    ReplyDelete
  16. Dear BSNB, Hindi dadating si Mr. Right, ano siya prince charming?? :) Seek and you shall find, ayunoh! :) Bago pero bago mo makita si mr. right, baka makilala mo muna si mr. not right.hehehe

    ReplyDelete
  17. Parang message in a bottle lang, wag kang mag alala darating din yan. Try mong mag soot ng pekpek shorts parati par amadali kang makita hihihihi

    ReplyDelete
  18. wahaha ayos to ah..kulet ng mga commentators..hehehe darating din siya dont worry..^_^

    @kuya jepoy..soo talagang kelangan nakapekpek shorts?kaw talaga!^_^

    ReplyDelete
  19. instructional blog entry ...bagay pala tayo ...j3j3j3j3j3....NGSB... haha....naman! happy bday!

    ReplyDelete
  20. oy baka tayo talaga ha hahahahaha NGSB ako eh..magsusulat rin ako ng letter kay ms. right hehe

    ReplyDelete
  21. kaya pala NBSB pa rin kasi super high ng standard ni Ms. NBSB. :)

    ReplyDelete
  22. anla.. pinapatawa niyo naman ako sa mga comments niyo... HINDI NGA PO AKO SI NBSB..hahah

    @Rah: hehehe puro pa lang po mr. not right ang nakikilala ko... naliligaw pa si mr. right ^_^

    @jepoy: spell desperada at kelangang may pekpek shorts pa na outfit :P

    @superjaid: ganun daw tlga pag nbsb..haha atat na :))

    AT DITO TALAGA AKO NAPAHAGALPAK NG TAWA

    @sendo: nakatip ka ba?? hayaan mo papakilala kita kay Ms. NBSB baka ikaw na MR. Right niya..ayiiiiii :)) matagal pa po birthday kuh...pero salamat sa sobrang agap na pagbati :P

    ReplyDelete
  23. korak demonyito!! hahaha kawawa naman magiging bf nito.. baka maging suki ni belo...harhar

    ReplyDelete
  24. yown oh,parang pinagtagpo ng tadhana...

    Madz and Sendo ang pagtatagpo.

    ReplyDelete
  25. tadew ka pare :)) bumabasag ka pa..haha

    ReplyDelete
  26. lufet
    sinabi ang type sa lalakii kay mr right? nako parang mejo mahirap ata yung type mo ^^

    geh advance happy birthday na lang

    ReplyDelete
  27. hahaha nttwa ako sa mga koments. mga adik lalo na si aim. haha



    advance hafey bertdei!

    ReplyDelete
  28. advance hamberdey :)
    darating din sya.
    :) nasa terminal na ng bus :P

    ReplyDelete
  29. wow, that's the spirit!
    in God's time. ♥

    ReplyDelete
  30. hehehe demanding hehehe..nwei gudlak sa paghahanap mo saknaya este sa paghahanap niya sayo

    ReplyDelete
  31. haha, nakakatawa naman mga comments... basta sendo and madz.. perfect match..haha

    ReplyDelete
  32. Andyan ka na naman,tinutukso tukso ang aking puso....hahahahaha

    Langya,sarap sabunutan ni Ms. NBSB, naging match-making site tuloy 't0ng blog ko..:))

    Kayo ha...wag kau ganyan...hahahaha

    ReplyDelete
  33. Oo ba sendo :)) kontakin ko muna si Ms. NBSB...hahahaha

    ReplyDelete
  34. haha.. invited ba ako?kahit sa reception lang.. lol

    ReplyDelete
  35. nyahaha talagang tinangkilik niyo masyado 'tong post ko ah!

    walang kasalan at receptiong magaganap..sa ngayon...antayin niyo na lang ang imbitasyon ^_^ wahahaha makikihalo na ko sa kalokohan niyo...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design