Tuesday, April 6, 2010

Tula sa Manggahan (2)

Gagradweyt na tayo…
Hanggang ngayon olats pa rin ako sa puso mo
Para kang play sa basketball
Isshushoot ko na lang, mabubutata pa ng iba
Haaaay kelan ko ba masasabing MAHAL KITA

Di ko na mabilang kung ilang contest at quizbee ang napuntahan
Masilayan ka lang, mapalakpakan sa bawat tamang sagot
Nais ko minsang magpanggap na tayo na
Ipagmalaking ang babaeng minamahal ko
Ay ang kanilang tinitingala at hinahangaan

Sana ako na lang ang hinihintay mo sa Manggahan
Ako na lang ang gusto mong sabayan sa meryenda
Para naman sa tuwing dadaan ako sa iyong harapan
Hindi mo na ako titignan ng kakaiba
At masasabi ko sa’yong: “Kanina ka pa? Tara kain na.”

Hanggang tingin na lang ba palagi?
Mananatiling “kung sana..” sa buhay ko?
Ano ba talaga ang dapat kong gawin?
Mga tanong na walang tiyak na kasagutan
Hindi malalaman hangga’t hindi sinosolusyunan

Gagradweyt na ta’yo…
Naisip kong last shot ko na ito
Pupunta ako sa Manggahan, magbabakasakaling andun ka
Para bago man lang magkahiwalay, magsimula ng panibagong buhay
Malaman mong MAHAL KITA



-James-

5 comments:

  1. haha....sa manggahan....GO! sabihin mo.."pano na kaya?" hehe

    ReplyDelete
  2. Nyahahaha sagutan lang yang p0st na ean...

    ReplyDelete
  3. ang kyut naman ng mga tula sa manggahan. :)

    ReplyDelete
  4. Haha Cute sagutan lang sila parehas natorpe...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design