Malamig ang umaga. Sumiksik ako sa iyong tabi subalit wala akong naramdamang init bagkus isang unan lamang ang napuluputan ng aking mga bisig. Pimilit kong imulat ang aking mga mata, nakita kong maayos na nakatiklop ang ating kumot at wala ka na. Alas kwatro pa lang iyon ng umaga, nakakapagtakang maagap ka ngayon gumising. Bumaba na ako upang magtimpla ng kape nang makita kitang mahimbing na natutulog sa sofa. Ginigising kita para palipatin sa kwarto, pero pagkakita mo sa akin tinalikuran mo lang ako. Nakupo, mukhang masisimulan ang umaga ko nito a. Ano na naman kaya ang nagawa ko?
Hindi ka nagsasalita habang nag uumagahan tayo. Actually OA naman kapag sinabi kong hindi ka nagsalita. Parang ganito lang naman tayo kanina:
Ako: Ba’t sa sofa ka nga pala natulog kanina?
Ikaw: Wala lang.
Ako: Galit ka ba?
Ikaw: Hindi.
Ako: E bakit nga?
Ikaw: Ewan ko. Ikaw baka alam mo kung bakit.
Konting katahimikan.
Ako: Ang sarap ng kape mo ah.
Ikaw: (kibit balikat)
Ako: Siyanga pala restday ko ngayon. Pinayagan ako ni Boss ng dalawang araw na pahinga. Anong gusto mong gawin? Gusto mo lumabas? Manood ng sine? Mamasyal sa mall?
Ikaw: Ayoko.
Ako: Mahal, galit ka ba? (sabay hawak sa kamay mo)
Ikaw: Hindi sabi. (sabay tanggal ng kamay mo)
Akala ko nag cool down ka na nung tanghalian kasi habang niluluto mo ang paborito kong humba ay pakanta kanta ka pa. Tinigtignan kita habang kumekembot kembot ang iyong balakang, sumasabay sa iyong pagkanta. Hindi ko tuloy alam kung saan ako mas natakam. Sa humba na niluluto mo o sa’yo mismo. Pero hanggang sa matapos tayong kumain ay hindi mo pa rin ako iniimik. Halos buong araw mo na akong hindi pinapansin maliban lang noong pinagtimpla mo ako ng kape. Nagkuwanri pa nga akong matabang para mapaimik ka pero inabot mo lang sa akin ang isang kutsarita at lalagyan ng asukal.
Ako: Mahal ano bang problema, buong araw mo na akong hindi pinapansin a.
Ikaw: Wala naman a.
Ako: Wala ba yan? E parang kanina pa ko sayo invisible e. Sabihin mo na kasi para hindi na lumaki.Ayan nasayang pa yung araw imbes na naipasyal kita.
Ikaw: May problema ba? Wala naman e. Ayoko naman pati lumabas kaya hindi nasayang yung oras. May sasabihin ka pa ba? Maliligo na muna ako bago matulog.
Ako: Wala na.
Ikaw: Sa susunod kasi kung may sisimulan ka tapusin mo.
Ako: Ano???
Ikaw: Wala. (sabay pasok sa banyo)
Saglit nga, wala naman tayong pinag awayan kagabi di ba? Maagap pa nga akong umuwi at may dala pa nga akong isang kilo ng green apple na paborito mo. Sabay pa tayong kumain tapos naglalambingan pa tayo habang naghuhugas ka ng pinggan. Napapangiti tuloy ako. Hinahalikan ko ang iyong batok habang yakap yakap kita mula sa likuran. Muntik mo pa ngang mabasag ang pinggan mabuti na lang mabilis ang mga kamay ko. Sabay nating natapos ang hugasin at pinagpatuloy ang kulitan sa kwarto. Teka…. Kwarto? Kulitan? Halik sa batok habang yakap yakap ka? Bakit wala na akong maalalang kasunod? Tinamaan ng magaling, alam ko na kung bakit masama ang loob mo. Takte, nakatulog pala ako.
Ikot na ang pwet ko kaiisip kung pano ako makakabawi. Ipagluluto ba kita bukas, bibilhan ng bulalak, alahas, damit o cellphone? Damn, malapit ka nang matapos sa paliligo pero wala pa akong naiisip. Tinignan ko ang kwarto, wala namang unan sa gitna at may nakalagay din na unan sa side ko sa bed. Ayos, mukhang walang matutulog sa sofa. Pero teka, anong gagawin ko para makabawi? Ayan, lalabas na siya. Sa sobrang katarantahan hinarang ko siya sa may pinto.
Ikaw: O may problema ka ba?
Ako: (Walang imik)
Ikaw: O ano? Padaanin mo na nga ako jan. Gusto ko nang matulog.
Ako: (Wala ulit imik)
Ikaw: (Wala na ring imik kasi naglapat na ang ating mga labi)
hmmmmm.. ang sexy ng kwento. ahahaha
ReplyDeletehahaha..napanganga ako sa sofa na yun...hmmm..ganda ng gising ah..hehehe..witiwiw..
ReplyDeleteLOL! hahaha ayos!
ReplyDeletenice one!!
ReplyDeletehehe wow nakakatuwa naman na nagustuhan niyo yung story. ako din natatawa pag iniimagine ko ang mga eksena dito :P
ReplyDeletehehe
ReplyDeletenakabawi!!
gustong gusto ko ang topic na ganito.. :)
wow napadaan ka panjo :P hayaan mo gagawa pa ko ng maraming ganito para lagi ka bumisita..LOL
ReplyDeleteweeeeeeeee... wahaha... astig! gawa mu lang ba yan? ang galing naman.. :D
ReplyDeleteyep denden :P fiction lang po yan..
ReplyDeletebet! :)
ReplyDeleteyummy...
ReplyDelete