Sunday, April 11, 2010

Awtsayd de Kulambo

Dali-dali ako sa pag-uwi. Sumakay na ako ng tricycle para maagap akong makarating sa amin. Bawat hampas ng hangin sa aking mukha ay nalalanghap ko rin ang aroma ng manok na binili ko sa bayan idagdag mo pa ang dalawang kilong lansones na alam kong paboritong paborito niya. Siguradong matutuwa si misis sa ibabalita ko, mukhang hindi ako maa outside the kulambo ngayong gabi.

Pagod na pagod na ako sa paglalakad kanina. Tagaktak na ang pawis ko habang sinusuyod ng tingin ang bawat establisyimentong nadaraanan ko. Naisin ko mang bumili kahit ice tubig ay hindi ko magawa dahil baka kulangin ako sa pamasahe pag uwi ko mamaya. Bakaw pa man din ang mga nagttricycle sa amin lalo't madilim na. Dalawang buwan na akong ganito, walang trabaho at walang lambing mula kay misis. Ni hindi ko na nga alam ang itsura ng aming kwarto sa gabi. Umiilaw pa rin kaya ang mga idinikit kong glow in the dark sa kisame? Minsan tuloy gusto ko nang manapak kasi ang sex life ko parang ng coke. Kung hindi LIGHT,ZERO.

Hindi ko na matagalan ang init na nararamdaman ko, kaya ipinasya ko munang magpahinga sa may plaza. Napakasarap mag-inat habang lumalapat ang likod ko sa upuan. Hay, kelan ba darating ang swerte sa isang tulad ko? Saktong baba ng kamay ko mula sa pagkakainat ng may madakma akong pitaka. Agad ko itong inusisa sa pagbabakasakaling may iilan na lilimang daanin na laman.HIndi ako nagkamali, namumutok ang pitaka sa salapi. Ibubulsa ko na sana, nang makita ko ang ID ng mama, #%@&*@ kasi bakit kelangan ko pang makita yun. Nakonsensiya ako, naisip kong baka maoutside the kulambo din siya pag-uwi. Matapos ang ilang buntong hininga, nagpasya akong isoli na lamang ito.

Walang pagsidlan ng tuwa ang may-ari. Sa sobrang tuwa tinanong niya ako kung ano ang gusto kong reward. Kapalan na ito ng mukha, sinabi kong kailangan ko ng trabaho. Mukhang ito na yata ang hinihintay kong swerte, dahil hindi lang trabaho ang inalok ng mamang mataba. Binigyan din niya ako ng dalawang liman daan mula sa pitaka. Ayos, maibibili ko na si misis ng masarap na ulam.

Karipas na ako sa pag-uwi. Kulang na lang liparin ko ang bahay sa sobrang pananabik. Una kong nabungaran ang iyong repleksyon sa may bintana at umaalingasaw pa ang paborito mong pabango hanggang sa labas. Putek, talagang napakaswerte ko nama't pinaghandaan mo pa ang aking pagdating. Dahan-dahan kong binuksan ang gate, nag iingat na hindi mo marinig ang pag-ingit. Tatawagin na sana kita, nang biglang may yumakap sa repleksyong nakita ko lang kanina. Para akong tuod habang pinapanuod ang isang palabas, palabas na dapat ay ako ang bidang lalaki.

Ilang minuto rin akong nakatayo sa may gate nang mamatay ang ilaw sa ating kwarto. Mabilis kong tinungo ang pinto at dumiretso sa kusina upang ihanda ang aking napamili. Iniisip ko kung naramdaman ninyo ang aking pagdating. Dahil ako hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa sofa, sa sala, sa ating bahay. Marahil dahil na rin ito sa pagod o kaya'y nais kong isipin na panaginip lamang ang aking nasaksihan. Panaginip na sana'y mananatiling panaginip hanggang sa aking paggising.

Bukas na tayo mag-usap. Hayaan ko munang mamatay ang aking pananabik na hindi ma outside the kulambo ngayong gabi. Good night. Sana'y mahimbing ng tulog niyo ni pare.

5 comments:

  1. WTF.......ouch sakit nun ah...hmmmppp kung ako un baka pinatay ko na silang dalawa!!!Sh*t hirap na nga ng pinagdadaanan tapos ganun pa ang masasaksihan sa pag-uwi!

    Oppss sorry nadala lang ng story...hahaha

    ReplyDelete
  2. Ako siguro sasali para treesum, o kaya yayain ko yung asawa ni pare para swing night, o kaya invite ko ibang mga kapitbahay para orgy. kesa naman sa nagsosolo lang. Eitherway automatic katapusan na ng relasyon, so sulitin nalang?

    I enjoyed the story, write more :)

    ReplyDelete
  3. awwttsss!! galing mo naman magsulat!

    keep writing!

    ReplyDelete
  4. whoa! ung babae ang ahas! bihira un ah! hihi :D kadalasan kasi ung lalaki ang ahas sa isang story eh... saka ang martyr nung lalaki.. bihira din un.. mukha ngang wula nang ganon ngayon eh kahit babae hehe... weeeeeeee... Nice! nice! magbabasa pa ako ng iba mong likha.. konti na lang isa ka na sa mga idol ko.. :D

    ReplyDelete
  5. hehe wow naman nabblush na ko habang binabasa post mo denden :P hayaan mo di kita bibiguin sa mga susunod na isusulat ko :)

    minsan kasi sa sobrang sakit mas pipiliin mo na lang maging bato, yung walang pakiramdam, walang pang unawa.. :( pag-ibig nga naman..

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design