Pages

Saturday, February 26, 2011

nung binreak niya ako...(repost from FS blog)

Ikaw pa rin
Monday, June 26th, 2006
                                           " Naaalala mo pa ba nang tayo’y
                                     magkasama pa
                                     Iyong sinabi’t pinangako na
                                     nalimot mo na siya
                                     At kahit naglaho ka na muling
                                     sumama sa kanya
                                     Sa aking puso ay ikaw pa rin,
                                         ikaw pa rin"


sheet ganto b tlga pag pagod at restless? lahat naman ng pedeng mapakinggan e eto pa ang nagstuck sa utak ko at habang sinusulat ko toh e eto and nagpplay sa cp ko na ginagamit….

maxado yata akong natamaan sa kantang toh…sarap kong batukan nung ganito pa ako nung mga panahong naniniwala pa ako na i was loved by you…ndi pala…

baliw ako sayo noon..nabulag kasi ako sa lahat ng pinakita mo..you were too good to be true at hndi nga ako nagkamali..isa ka ngang peke…parang whitening soap na nabibili sa mga thrift stores…auz ang packaging at nagppromise na within weeks puputi na pero naubos na lahat ng paninda dun (kasama ang nakangiting tindera) e baluga ka pa din….at aq naman ung baluga na naniwala sa picture ng maputing babae sa kahon…
naalala ko pa nung mga times na para akong prinsesa sa piling mo….i can have all my heart’s desire at napaka gentleman mo sa akin…my god i was so in love with you…cloud 9 ang feeling ko nun tuwing nasa tabi kita..

you were heartbroken then…akala ko i was enough to heal those wounds…tang ina sabi mo kasi wala na.. that i was the ONE…ako naman engot naniwala sa’yo….so inenjoy ko yung lahat ng araw na magksama tayo..may times pa nga na umaabsent ako para sayo..dun tayo nakahiga…nakatingin sa langit at naghihintay ng falling star…di ko nun yun pinapansin kasi busy ako nakatingin sayo..iniisip ko kac na anu pa nga ba hihilingin ko e ikaw na yata ang lahat sa akin….
                                           
                                     "Tuwing pag-gising sa umaga ang
                                     Iyong mukha
                                     ang nais halikan at sambahin
                                     sa maghapon ay iniisip ka lang
                                     at ang mga nakaraan na kaysaya"


tapos ayun parang yung sa commercial ng coco crunch (poof it became coco crunch!)biglang nagbago…naramdaman ko yung panlalamig mo sa akin…namimiss ko na nun mga tawag at text mo..tuwing magkasama tayo parang ang layo-layo mo…

and then there was the phone call that shattered me…you wanted out…tinatanong ko nun sayo what went wrong?sabi mo wala..na wala akong kasalanan that i was good to you the whole time na tayo…lalo akong naguluhan nun..tinanong ulet kita..hindi kasi sapt e..something’s missing..may dapat pa akong malaman…umiyak na ko nun…para na akong bata…e gago ka pala anu b issue mo…bakit ba gusto mo makipagkalas??iyak na ku nun…pinapatahan mo ko…then there was silence…i waited…it was like forever…

finally..tang ina you want your ex  back….sheet…iyak ako nun..hagulgol na…bakit sa akin mo pa ginawa yun…parang binasag mo na yung natitira sa pagkatao ko…tang ina talaga…you were sorry but i don’t want any explanations from you..pero nagpaliwanag ka pa din…mahal mo pa siya…pero minahal mo ako..grabee.. that’s bullshit! ganun na lang ba yun na dahil nalaman niyong mahal niyo pa isa’t isa basta na lang kayo magkakabalikan? iyak ako tlga..i must have cried a river…

panu kung lahat pala ng pinakita at pinaramdam mo sa akin e para sa kanya??panu kung tuwing hahaplusin mo yung mga labi ko at dadampian mo ng halik e siya ang iniicp mo..naparanoid na ko..binaba ko na yung telepono…



ngayon…ikaw pa rin…

                                     
  "bakit nga ba itong pusong
                                          sinugatan
                                           tila nais pa ring maramdaman
                                             tamis ng yakap mo’t halik…"




*** 
Akalain mo yun naisulat ko pala 'to nun. Hindi ko na matandaan.LOL Repost muna ako sa ngayon, wala akong maisip eh. Tamad much!

Friday, February 18, 2011

TGIF

It's not L-O-V-E



It's just M-E

being H-A-P-P-Y 

Happy Weekend!!!

Wednesday, February 16, 2011

First Love


Who is your crush? _______________________


Isusulat ko ba ang pangalan niya? Baka mabasa niya pag nagpasagot ako kina Annie mamaya sigurado hindi niya na ako pansinin. Pasagutin ko din kaya siya para malaman ko kung sino crush niya? Pero nakakahiya naman. Buti na lang binago ni Ma’am ang seating arrangement, magkagrupo na kami. Ngayon malapit na siya sa akin at palagi ko nang masusulyapan.

“Princess anu yan?”

“Alin?”

“Ayan oh yang sinusulatan mo? Assignment ba yan, pakopya naman.”
 
“Hindi. Eto binili ko kanina nung lunch time.”

“Ayyyyyy slumbook!! Pasagot ako diyan.”

“Mamaya Annie, ako muna. Tatapusin ko lang ‘toh tapos bibigay ko na sa’yo. Pasagutin mo rin mga classmate natin ha. Tsaka si ano…si Darwin.”

“Sige sige, e tapusin mo na yan. Madami ka pa bang hindi nasasagutan?”

“Isa na lang.”



Isusulat ko ba? Maraming makakakita, baka tuksuhin nila ako. Hmmm


Who is your crush? Da__Dar____None

Wag na nga lang.

“O Annie, tapos ko na. Pasagutan mo na sa kanila ha.”

“Sige, ibibigay ko sa’yo sa uwian. Balik na muna ako sa upuan ko, nakatingin na si ma’am.”

“Ok sige. Wag mong kalimutan si Darwin ha.”

“Oo naman. Ako pa.”

Nakangiti ako habang nagsusulat ng aming assignment. Sana mag-uwian na para malaman ko na agad ang crush ni Darwin. Teka, bakit ba ako naeexcite? Paano kung hindi naman ako yung crush niya? Bahala na, atleast may remembrance ako sa kanya sa slumbook ko. Tsaka may dedication pa. Kinikilig tuloy ako.

Si Annie paikot ikot na sa klase. Buti na lang lumabas si Ma’am. Sana mamayang uwian na siya bumalik. Ang dami naman niyang pinapasulatan na classmate namin baka maubusan na si Darwin ng sasagutan.

Ayun, andun na siya sa katabi ni Darwin. Nakita ko na nang ipasa niya yung slumbook ko. Sana hindi niya malimutan yung dedication page. Ang tamad pa naman nung magsulat. Sana sagutan din niya kung sino yung crush niya.


Hala lagot andito na si ma’am.

“Class, ano tapos na ba kayo sa pagkopya ng assignment niyo? Hindi pwedeng walang sagot yan bukas, papalabasin ko kayo. Annie, kanina ka pa palipat-lipat ng upuan. Go back to your seat”   

“Opo mam, may isosoli lang po ako kay Princess”

Haay buti nalang hindi na ulit nagreact si ma’am. Halos lahat nagsulat dito ah. Asan na yung yung kay Darwin??

“Sinong cleaners ngayon?”

“Sina Princess po.”

Naku kami pa pala ang cleaners, ayus mas matagal kong makakasama si Darwin. Pero teka, asan na ba yung sinagutan niya dito. Hindi ito, hindi rin to, lalong hindi ito. Ayun! Nakita ko rin.

“Sige Princess, ikaw na ang bahala ha. Isara niyo ang pinto pagkatapos niyong maglinis.”

“Op…”

Wait.

“Ma’am, pwede po bang bukas na ako magcleaners, sasabay na lang po ako kina Kristi.”

“Bakit naman Princess?”

“Ma’am masakit po kasi tiyan ko. Para pong nasi-CR ako. Tinext ko na po yung sundo ko kasi parang di ko na po kaya.”

“Sige sige. O Brenda ikaw na bahala dito. Sige class pwede na kayong umuwi.”

Ang tagal naman ng sundo ko. Para kasing napapaiyak ako. Itapon ko na lang kaya ‘tong slumbook ko. Sana hindi ko na lang binili. Naiiyak na talaga ako. Ang tagal tagal naman.

Hindi ko makalimutan yung sinagot ni Darwin. Sana hindi na lang siya nagsulat. I hate him.


Who is your crush? _P___Princess__Annie


Hayyyy buti na lang andito na si manong. Makakauwi na rin ako. Sa bahay na lang ako iiyak.


Tuesday, February 15, 2011

Lahat na lang....


Nasa bahay kagabi kasama sila Housemate 1 and 2 at nagdecide na manood ng movie.

Naghahanap ng DVD na pwedeng panoorin.

Madz: Ito o maganda 'to kaya lang madumi na, baka hindi magplay.

Housemate1: I-try mo baka magplay.

Sumunod na lang ako at inilagay ang DVD sa player sabay sabi:

Madz: Ano ba yan ang hilig ipagpilitan e hindi na nga pwede. 

Housemate1: (tatawa tawa)

Housemate2: Oo nga. Hanggang dun na lang eh. Tanggapin na, ayaw na eh.

(Tawanan)

Pagplay ng DVD at nagpixel ang palabas:

Housemate1: Ay sira! palitan na yan...

Madz: Teka kulang lang yan sa punas (sabay i-stop sa player at pinunasan yung dvd)

Housemate1: Baka mamaya ganyan na naman. Palitan na yan.

Housemate2: Itatry nga.

Madz: Bigyan mo kaya ng second chance, baka gumana na. Ikaw 'tong nagpumilit tapos ngayon...Ang hilig kasi sa mga "pwede na" o kaya naman "convenient kasi", ayan tuloy sa huli kung hindi naloloko at nadadaya, hindi rin nagtatagal.

(Tawanan)



********
Ganito nga yata ang epekto ng araw ng mga puso sa mga single na katulad namin. Lahat na lang ay inirelate pati walang kamalay-malay na DVD. E kung tutuusin isa lang naman ang pinagsisigawan nung TV at DvD player:



"Say No to Piracy" :b 

 

Monday, February 14, 2011

Pasabook (1) ANG RESULTA

Last week ay nagpakulo ako ng pagbibigay ng libro sa maswerteng blogger na mapapadaan sa aking bahay at magbabahagi ng kung anong maisip niyang ilagay sa comment box.


Nakakatuwa naman na may nakapansin pala nito at lumampas sa sampu ang naging kalahok. Tignan ang larawan sa baba kung isa ka sa mga nakasali:







Kung mapapansin ay may mga nakahighlight ng dilaw. Mula sa 22 mga komento ay pumasok ang labingsiyam na blogger. Pakilakihan na lang po ng larawan para malaman kung bakit nagkaganun :) Matapos mailista, ay binuksan ko na ang site na ginamit ni ms. salbe para mabunot na ang mananalo (random.org).




Pagkaclick ko ay ito ang lumabas:



Tignan muli ang listahan ng mga kalahok at hanapin ang nasa bilang lima.,dahil pagtingin ko ay natawa ako ng slight. Coincidence??? Hmmmm pwede... Saktong sakto ang nanalo ng libro.  Teka eto nga pala yung napanalunan niya.



Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang title ng libro. Para kay Bulakbulero pala. LOL Congrats parekoy!! 

Abangan ang susunod na librong ipapamigay next month. Peksman mananalo ka na! :)




Send to Many (Blog Version) =))





Thursday, February 10, 2011

Pasabook (1) ENDED

Wala akong maisulat ngayon. Aktuwali meron pala. Kaya lang nung magbloghop ako napansin ko na yung isang post ng sinusundan kong blog ay kapareho ng konsepto sa gusto kong isulat. Kaya naman nanatiling nakabukas ang window na ito ng mga ilang oras. Wala ring nangyari, lugaw talaga. Tinapos ko na lang ilang episode ng Absolute Boyfriend bago ako bumalik sa tab nito at nanatiling nakatunganga. Nang walang anu-ano biglang *kling* *kling* *kling* :D

Dahil napansin kong nalulukot lang ang mga pahina ng libro na nabibili ko (tamad kasi mag-uwi ng libro sa bundok :) ), naisipan kong magpasabook. Yep, tama nga po ang nababasa niyo: PASABOOK. Kaya kung wala kang nang mabasa kapag jumejebs ka, o kaya nama'y pag nag-papaantok ka o gusto mo lang talagang makigulo dito e SALI NA!

Simple lang naman ang mechanics, comment ka lang sa post kong ito, tapos.....





Wala na akong maisip. MAGCOMMENT ka na lang. hihihihi  Nga pala, pasensiya na sa makakabasa na taga-ibang ibayo. Hanggang Pinas lang po ang kaya ng bulsa ko sa pagpapasabook. Next time na lang pag andiyan na rin ako..wahahahaha A-S-A.

Tsaka na ang info details kapag ikaw ang maswerteng makakasalo ng librong ipapasa ko. Gagamitin ko na lang yung ginamit ni salbe sa paraffle niya. Balik ka dito sa Feb.15 para malaman mo ang iyong kapalaran. Siyanga pala, huwag masyadong mag-expect sa condition ng book o kung nung panahon pa ni mahoma ito pinublish.. hahaha Libre lang naman 'to kaya wag nang choosy :D

Anyways, ito nga pala ang UNA kong ibibigay .Nabili ko ito sa shop ni Tado sa may Marikina last last year ata nung namimili ako ng xmas gift. Curious lang kaya binili ko at hindi ko naman pinagsisihan. Eto nga pala ang pamosong linya sa libro:

"Me quota ang pag-big. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman"

O di ba pang-balentayms talaga *wink* *wink* .

Kung hindi ka manalo dito, huwag ka na malungkot. Meron pa yang kasunod. Peksman! hihihi

*******
  HUWEYT DERS MORE! edit edit muna

Ummm sa mga nasa ibang bansa po na gustong sumali: PEDE NA (sensya na FM lang :D )! Ipapadala ko na lang ito sa loved ones niyo dito sa Pinas na gusto niyong makaexperience ng librong ito. O di ba, nanalo ka na, nakapagpasaya ka pa ng iba! hihihihi

Tuesday, February 8, 2011

Baka Sakali (3)



Tahimik naming nilapag sa mesa ang aming mga dala. Kumain na parang estranghero sa isa’t isa. Nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Kung ano ang dapat pag-usapan. Naunang tumayo si Leslie. Sumunod ako sa kanya. Naglakad-lakad pa kami ng kaunti at sabay na napatingin sa kalangitan.

“I never knew.”

“We both knew it Paco.”

“Well… siguro nga.”

“We were so consumed with the relationship. Nalimutan na natin si Leslie at Paco as individuals. Then nung gusto na natin ibalik yung sarili natin, the only way was to get out of that relationship. Nagkataon lang na ikaw yung may guts para makipaghiwalay. Ako, natakot ako eh. Akala ko hindi ko kaya.”

“How was it?”

“Alin?”

“You moving on… Si Zach ba?”

Umupo si Leslie sa may damuhan.

“Even before he came, ok na ko.”

At nasagot na nga ang tanong ko kanina. Confirmed. Sila na ngang dalawa.

Naupo ako sa kanyang tabi. Katahimikan.

“Maswerte si Zach. Alam ko magiging masaya siya sa’yo.”

“Siguro nga. Pero…”

“Kanina hindi ko pa alam kung bakit pumayag pa ako na samahan kita dito. Kung bakit gusto pa kitang makasama samantalang alam kong nasaktan kita. Ngayon alam ko na, but its just too late.”

Hinaplos ni Leslie ang aking mukha. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi. Dahan-dahan ang kanyang paghalik. Nanunuyo. Naglalambing. Tinugunan ko ito, muling inaalala ang tamis ng kanyang mga labi. Nagsusumamong huwag nang matapos ang bawat sandaling para lang sa aming dalawa. Ngunit madali rin siyang bumitiw.

“I’m sorry. Nadala lang ako Leslie”

Sandaling namuo ang katahimikan sa aming dalawa.

“Zach and I. We’re not together.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“It was Zach’s idea. Sabi niya, may something pa daw tayong dalawa sa isa’t isa. Hindi ako naniniwala. Nakamove-on na ko sa’yo so paanong mangyayari yun. And then pinaalala niya ‘tong  request natin sa kanya. Sabi niya treat it as a test…”

“Test?”

“Yes, a test that I miserably failed. Nung makita pa lang kita, alam ko na. Di ka pa rin pala nawawala. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko.”

Tara na, umuwi na tayo”

Naguluhan siya sa tinuran kong iyon subalit sumunod na rin siya sa akin. Paglabas ay sinumulan ko nang painitin ang makina ng motor. Umangkas na siya sa likuran.

“Kumapit ka sa akin Leslie.”


Hindi pa rin siya gumagalaw.

“Kumapit ka sa’kin Leslie dahil hindi na kita papakawalan pa. We both failed the test. Tama nga siya, may nararamdaman pa rin ako para sa’yo”

Inabot ko sa kanya ang note na ibinigay sa akin ni Zach kanina.

       Paco,

       Don’t miss this chance pare.
       Alam kong mahal mo pa rin siya, ayaw mo lang aminin.
       Now, we’ll see kung anong mangyayari paglabas niyo
       ng restaurant ko. Goodluck!

                                                                            Zach

        P.S. Wala akong niluto pare. Kayo na ang bahala.


Sinimulan ko na ang pagpapandar ng motor. Nagsimulang gumalaw si Leslie. Yumakap na rin siya sa akin. Mahigpit na mahigpit. 


Muli, ay nakakulong ako sa kanyang mga bisig. Bilanggo sa init ng kanyang pag-ibig.


-Fin-

*****
Part I
Part II

Sunday, February 6, 2011

Bonding with Tita



Way way back, siguro grade school pa lang ako at sa Manila pa kami nakatira (wave sa mga taga-Anak Bayan, eowhz phowz!), ganito ang palaging eksena kapag maggogrocery na ang tita ko:


Me: Tita pasama
Tita: Huwag na.
Me: Dali na (paawa effect ang eyes)
Tita: Magtuturo (magpapabili ng kung anek-anek) ka lang dun.
Me: Hindi po pramis...(medyo paiyak na)


Ilang minuto ang lilipas...


Me: Tita dali na pasama, hindi ako magtuturo. Tita dali na... (teary eyed na talaga)
Tita: Di tayo kakain dun
Me: (Ngingiti) Ok lang po. Sasama pa rin ako.
Tita: Sige bihis na.


And off we go to Harrison Plaza para maggrocery. Bakit ako nangiti? Kasi alam ko kahit sabihin ng tita ko na hindi kami kakain, ay kakain pa rin kami lalo na at paglabas ng grocery e nagsusumigaw ang mga food stalls (wala pa nung pao tsin at zagu) sa aming harapan. Once nakahanap na kami ng pwesto ay ito ang pagpipilian namin na bilhin:


1. teriyaki na nasa bun
2. hotdog sandwich (purefoods)
3. Potato Fries
4. shawarma (nung nauso) at ang paborito niya na
5. samurai balls na takoyaki pala sa totoong buhay (samurai balls yung pangalan nung stall) :D


After naming mabusog at oras na para umuwi, alam ko hindi pa dun natatapos ang aming food trip kasi bago mag-paalam kay dear Harrison ay bibili pa si tita nang isa pa niyang paborito na located sa may exit door: Chicharong bulaklak. 



Kapag naman magshoshopping kami kasama ang buong angkan este kaming magpipinsan pala ay ganito ang aming kinakalabasan:






May napansin ba kayo?? Oo, sa parehong litrato ay hindi ako nakatingin (camera-shy?) pero hindi yun yun. Tignan mong mabuti. Nakuha mo na ba??? Tagal naman...hehehe O di ba laging terno? At talagang dapat na pare-pareho kaming magpipinsan. Ito ang isa sa mga lagi naming naaalala at pinagtatawanan tuwing napapagkwentuhan ang aming kabataan. Mahilig kasi ang tita ko sa ganito at talagang hindi pwedeng may maiba sa aming magpipinsan. Ngayon ko lang napagtanto na siguro ito ang secret way niya para hindi siya mahirapan sa paglocate sa amin tuwing pumapasyal kami. LOL




Tita, I really miss you. Sana we can still have more time to do stuffs like this (minus the terno part). Sana makapagvideoke pa tayo together o kahit kwentuhan lang. Hindi ko masabi sa'yo 'to kasi alam ko hindi ko mapipigilang umiyak. Kabisado mo na ko di ba? Pinipigilan ko naman,  this time sinasabi ko sa sarili ko na di pwede yun, I have to be strong. Para sayo, para hindi ka panghinaan ng loob. 

But at the back of my mind I know that I have no control over this matter. Na kahit anong gawin ko, mangyayari ang dapat mangyari. Hindi ko pa lang tanggap, but I'm getting there. I am still on on the positive side. Still praying for a miracle to happen. Sana ikaw din.

Tita, whatever it is that God has planned for us always remember that I love you and I am forever grateful to you for being a mother to me. 

Here's a song from your favorite artist. :D




*****
Kagabi may nakausap akong blogger, nagsimula sa mga tanong na kung anu-ano hanggang sa makarating sa talagang reason kung bakit kinausap ko siya. Naiintindihan ko lahat yung sinabi mo hindi ko pa lang siguro alam kung papano gagawin at kung papano ko tatanggapin. Mahina lang talaga sa ganito. Goodbyes and letting go. Anyway,  Thanks for being a friend, I badly needed one last night. 

Dear fellow bloggers,

Please include my tita Cozette in your prayers. 
Sobrang appreciated po talaga. 
Thanks guys.

Madz




Friday, February 4, 2011

Baka Sakali (2)



“Si Zach tinuruan ka?”

“Oo.”

“Kelan pa kayo naging close?”

“He followed me on twitter, we exchanged tweets and then numbers. After that, he invited me out for dinner and the rest is history.”

“Nanliligaw ba siya?”

Tumingin lang sa akin si Leslie sabay punta sa ref para maghanap ng lulutuin. Bakit kaya hindi pa niya sinagot yung tanong ko. Oo at hindi lang naman. Parang bigla akong naasar.

“Pasta na lang lutuin natin. May tinuro sa’kin si Zach, pag natikman mo for sure makakalimutan mo pangalan mo.”

“Sa labas na lang kaya tayo kumain?” suhestiyon ko kay Leslie.

“Sa labas naman talaga tayo kakain di ba? Dun sa garden?” nakangiting sagot niya. Hindi agad ako makasagot, muli ko na naman kasing nakita yung biloy sa kaliwang pisngi niya.

“Hanggang ngayon pilosopa ka pa rin. What I mean is mapapagod ka pa at tsaka medyo gutom na rin ako. Alam mo na, matatagalan pag nagluto pa tayo.”

“Ayaw mo ba dito? Para kasing kanina mo pa gusto umalis Nakakahiya naman kay Zach..”

Hindi ko lang masabi sa kanya pero kanina pa ko binging bingi na marinig ang pangalan na yun. Sila ba? Bakit ba lagi na lang niya bukambibig si Zach.

“Hindi naman. Mapapagod ka lang kasi. Pero kung mapilit ka sige magluto na lang tayo. Pero pwede bang magrequest?”

“Ano yun?”

Pwede bang wag mo nang banggitin ang pangalan niya? Nakakasawa na kasi.

“ Yun na lang pasta with butter. Tapos garlic bread na lang?”

Halatang nagulat si Leslie sa request ko. Ito kasi ang madalas na hinahain niya sa akin nung kami pa dahil nga sa hindi pa siya marunong magluto.Tahimik siyang kumilos upang pakuluan yung noodles at haluin ang paste na panlagay sa tinapay. Para lang kaming nasa kitchen nila noon, pinapanood ko siya habang seryosong seryoso siya sa paghahanda ng kakainin namin. Ganun palagi, susulyap-sulyap siya, ngingiti at babalik na naman sa kanyang ginagawa.

Pero ngayon, tinapunan lang niya ako ng tingin at muling bumalik sa kanyang ginagawa kahit na magkaharap lang naman kami.

“H…hindi ka ba nagsasawa dito? Di ba dati…”

“Dati yun, ngayon hinahanap-hanap ko na.”

“Hahaha. Alam mo ba nung pinatikim ko yun kay Zach, naku inayawan agad…”

On impulse, nahaplos ko ang mukha ni Leslie. Nagtama ang aming mga tingin.

“Then he doesn't know what he’s missing.”

“He does. Kaya nga hindi siya umalis.”

Para akong natutunaw habang nakatingin sa kanya. Bakas sa kanyang mga mata ang sakit. Hindi na ako makatingin ng diretso.

“I’m sorry Leslie”

Tumalikod na siya sa akin. Chineck kung luto na yung pasta. Isinalang yung tinapay sa oven.

“Pero pinatry ko naman ulit sa kanya, sabi ko magugustuhan niya. Natapos naman niyang kainin. Sabi lang niya, next time daw tuturuan na niya ko ng iba para daw may variation. He succeeded, marami na akong natutunan. It’s just that, ewan ko ba iba pa rin talaga yung una mong niluto at natikman. Sabi mo nga, hahanap-hanapin ng panlasa mo.”

 “What went wrong Leslie?”

Hindi siya sumasagot. Natapos din siya sa pagpprepare ng pagkain. Dala-dala na namin sa garden ang aming kakainin nang maisipan kong muling magtanong.

“What happened to us?”

“It was always “us”, Paco… Yun yung naging problema.”


to be continued....
*****
Part I

Wednesday, February 2, 2011

Ngayon....Ikaw naman.


“Nay.. nay san po kayo?”

“Andito ako anak sa tagiliran. Kumain ka na muna diyan, may pansit akong binili mainit pa yan”

“Sige po nay, magpapalit lang po ako ng damit”

“Dalhin mo na dito yung pinagpalitan mo nang maisabay ko na”

“Nay wag na po, ako na pong maglalaba mamaya pagkakain.”

Siguradong may pinuntahan na naman itong anak ko. Akala yata niya ay hindi ko nahahalata na ilang araw na siyang ganyan. Umuuwi na parang nagsaka lang sa bukid samantalang andito naman kami sa siyudad. Kinatok ko siya sa kanyang kwarto at hindi nga ako nagkamali.

“Kyle san ka naman bang lupalop nagsusuot, nanlilimahid itong damit mo ah. Mahihirapan na naman akong magtanggal ng mantsa nito.Hindi na nga ako matapos-tapos sa mga nilalabhan ko…
“Nay, ako na lang….”
“Inuulit ko rin naman yang nilalabhan mo, nagsasayang ka lang ng tubig. Tumigil-tigil ka na diyan sa ginawa mo at ako’y nakukunsumi na”

Bago pa lumabas ay napansin ko ang bulaklak sa bag ni Kyle, napailing na lamang ako.

“Unahin mo muna yang pag-aaral mo, hindi yang mga babae. Makakapaghintay yan. Lumabas ka na diyan, lalamig yung pagkain. Mamaya na tayo mag-usap”

Ibinabad ko muna ang damit ni Kyle at pinapatuloy ang pagkusot ng damit nila Aling Guada. Nagbibinata na si Kyle, mukhang may napupusuan siyang dalagita. Naiintindihan ko naman na lahat ay dumadaan dito kaya lang parang gusto kong maiyak tuwing nakikita ko siyang pagod na pagod at maruming marumi ang kasuotan. Isa pa, nag-aalala na rin ako na baka mapabayaan niya ang kanyang pag-aaral.

Kung hindi pa ako napadaan sa shop ni Kadyo nung isang araw ay hindi ko malalaman na madalas palang tumambay dito si Kyle.

“Marissa, kilala mo na ba yung napupusuan ng anak mo ha.”
“Ano yun Kadyo?”
“ ‘Kako mukhang inlab yang anak mo. Aba’y nagprisintang tumulong dito sa shop ko eh. May sosorpresahin daw siya. Natuwa naman ako kaya pinayagan ko na. Aba, ay masipag din yang isa mo ano?”
“Kanya naman pala pag umuwi laging madumi ang damit. Mapagsabihan nga. Sige mauuna na ako Kadyo.”
“Naku Marissa hayaan mo na yung anak mo at nagbibinata. Maigi nga’t pinagttrabahuhan yung pambigay niya sa nililigawan”

Pakiramdam ko tuloy, kulang pa itong ginagawa ko para sa kanya. Wala naman kasi akong ibang alam gawin kundi ang maglabada. Ito lang ang bumuhay sa amin noon nila Inay. Kaya hangga’t kaya ko, tatanggap ako ng labada para lang mapagtapos ko si Kyle. Kung sana nakakaangat lang kami, ako na lang ang magbibigay ng panregalo niya sa kanyang nililigawan. Hindi yung magttrabaho pa siya sa vulcanizing shop para lang matugunan ang pangangailangan na ito.

Pagkatapos kong maglaba ay tinawag ko na si Kyle.

“Kyle, pumunta ka muna dito. Tulungan mo kong mag-sampay.”

“Saglit lang ‘nay may tinatapos lang po ako.”

“Tulungan mo muna ako dito, pag hindi ka bumangon diyan hindi ka na makakabalik kina Kadyo”

Mabilis pa sa kidlat na dumating si Kyle. Hindi na ako muling umimik at nagpatuloy sa pagsasampay ng damit.

“Alam niyo na po ‘Nay?”

“Makakapagsikreto ka ba naman sa akin ha, Kyle?”

Napansin kong namula si Kyle.

“Wala naman masama dun anak. Normal lang yun sa nagbibinatang tulad mo.”

“Nay…”

“Teka sino ba itong nililigawan mo ha anak?”

“Espesyal na tao lang po .Wala po yun ‘nay..”

“Anong wala, e sinabi sa akin ni Kadyo na may sosorpresahin ka daw kaya ka tumutulong doon.”

Napakamot na lang sa ulo si Kyle. “Ang ingay talaga ni Mang Kadyo”

“Basta anak ipangako mo lang na hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo ha. Tsaka kung kinukulang ka, magsabi ka na lang sa akin baka magawan natin ng paraan. Marami namang gustong magpalaba diyan. Sige na tapusin mo nang mga ginagawa mo sa loob at baka makatanggap ng lantang bulaklak yung nililigawan mo.”

Inayos ko muna ang mga ginamit ko sa paglalaba bago tuluyang pumasok sa aming bahay. Hahakbang pa lamang ako sa may pinto nang biglang namatay ang ilaw. Nagtaka ako dahil hindi naman brownout sa kabilang bahay at sinugurado ko namang bayad na kami sa kuryente.

“Kyle anak, pakibuksan nga yung ilaw. Ano na naman kinukutingting mo diyan? Kyle…. Kyle….”

Walang akong sagot na narinig kaya naman kinapa ko na lamang ang daan hanggang makapasok ako ng bahay para buksan ang ilaw. Pagdating ko sa may kusina, ay napansin ko ang ilaw na nagmumula sa maliliit na kandila na nakatusok sa isang cake. Mula sa aking likuran ay biglang sumulpot si Kyle dala ang bulaklak na nakita ko kanina.

“Happy Valentine's Day po. Nay, pasensya na po kayo ha, ito lang nakayanan ko. Kaunti lang po kasi naging kostumer namin nila Mang Kadyo sa shop. Huwag po kayong mag-alala nakausap ko na po si Aling Gina, pupunta daw po siya bukas dito. Imamanicure-pedicure daw po niya kayo. ”

Niyakap ko si Kyle. Yung mahigpit na mahigpit. Proud na proud ako sa kanya at sa aking sarili. Hindi ko akalaing mapapalaki ko siya ng ganito. Sobrang saya ko ngayon.Parang lahat ng pagod ko sa paglalaba kanina ay nawala. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng aking mga luha. Ito pala ang pinaghahandaan niya. Ako pala ang sosorpresahin ng anak ko.

Tuesday, February 1, 2011

Baka Sakali


"Sakay na."

Hindi ko alam kung bakit tinupad ko pa ang pangako kong ito sa kanya gayung alam ko wala na namang dahilan. Hiwalay na kami ni Leslie. Hiniwalayan ko siya ilang buwan na ang nakakaraan. Nagulat din ako nung pumayag siya, siguro pareho lang nag-iisip na huli na 'to, na for old time's sake man lang. Na ito yung isang bagay na pinangako namin sa isa't isa na gagawin naming magkasama. O pwede ring tanggap na niya...

Pinagmasdan ko si Leslie habang nakatingin sa langit. Napakaaliwalas ng kanyang mukha. Di tulad nung huli ko siyang makita. Nung huli ko siyang makasama. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti siya at umaktong papasok muli sa kanilang bahay.

"Saglit lang kunin ko lang jacket ko. Mukhang uulan."
"Andito yung ginagamit mo dati, ito na lang."
"Huwag na, kunin ko na yung sakin. Pumasok ka na muna dito sa loob. Baka maulanan ka pa."

Mabilis siyang tumalikod sa akin.Tumingin ako sa langit. Parang hindi naman tutuloy ang ulan. Mas pinili kong dito na lang sa labas maghintay sa kanya. Madali lang naman si Leslie sa loob. Paglabas niya, suot niya ang paborito niyang jacket. Iniisip ko kung nananadya ba siya o talagang ito lang ang gusto niyang  gamitin Ito kasi ang jacket na suot niya noong una kaming nagkakilala.

Inintay ko ang paglapat ng paa niya sa tapakan at pagtuon sa aking mga balikat. Kasunod nito ay ang pagpulupot ng kanyang mga bisig sa aking baywang. Nangyari ang una, hinintay ko ang kasunod.Subalit umandar na't lahat ang motorsiklo ay walang mga kamay na yumakap sa akin. Sinibukan kong bilisan nang kaunti ang pagpapaandar, nagbabakasakaling yayakap siya. Hindi nangyari ang inaasahan ko. Walang kumapit sa akin hanggang makarating kami sa aming pupuntahan.

"Grabe ang ganda naman dito. Ang galing talaga ni Zach."

"Tinawagan nga niya agad ako para sa opening nitong place niya.Excited masyado."

"Hahaha eh kulitin ba naman natin na tayo ang dapat na unang costumer, makakalimutan niya pa ba yun? Mukhang madilim sa loob ah. Tara pasok tayo."

Pagbukas namin ng pinto ay hindi pa nakaayos ang mga upuan at lamesa. Nagtaka kaming dalawa kaya naman dumiretso na kami sa kitchen.

"Tao po, Zacharias Montelibano. Asan ka? Yoo hoo...Andito na bisita mo..Yoo hoo.."

"Wala yata si Zach."

"E bukas kaya yung pinto tsaka di ba nagconfirm naman tayo sa kanya... "

Naglakad-lakad pa kami ng kaunti nang may mapansin si Leslie.

"Wait. Eto oh may note, para sa'yo ata"

Kinuha ko ang sulat kay Leslie. Natawa na lang ako sa mga nakalagay doon. Si Zach talaga kahit kailan.

"Tayo na daw bahala, yung mga kelangan andun daw sa ref. Nasa garden daw  nakaset-up yung table natin. Gago talaga yun. Gusto mo lipat na lang tayo?"

"Ha? Sayang naman yung place, mukhang effort si Zach. Ayaw mo nun tayo na unang costumer, tayo pa unang gagamit ng equipment? Ako na lang magluluto, tulong ka na lang."

"Marunong ka nang magluto?"

"Medyo. Tinuruan ako ni Zach."



***To be continued....

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design