Tuesday, February 15, 2011

Lahat na lang....


Nasa bahay kagabi kasama sila Housemate 1 and 2 at nagdecide na manood ng movie.

Naghahanap ng DVD na pwedeng panoorin.

Madz: Ito o maganda 'to kaya lang madumi na, baka hindi magplay.

Housemate1: I-try mo baka magplay.

Sumunod na lang ako at inilagay ang DVD sa player sabay sabi:

Madz: Ano ba yan ang hilig ipagpilitan e hindi na nga pwede. 

Housemate1: (tatawa tawa)

Housemate2: Oo nga. Hanggang dun na lang eh. Tanggapin na, ayaw na eh.

(Tawanan)

Pagplay ng DVD at nagpixel ang palabas:

Housemate1: Ay sira! palitan na yan...

Madz: Teka kulang lang yan sa punas (sabay i-stop sa player at pinunasan yung dvd)

Housemate1: Baka mamaya ganyan na naman. Palitan na yan.

Housemate2: Itatry nga.

Madz: Bigyan mo kaya ng second chance, baka gumana na. Ikaw 'tong nagpumilit tapos ngayon...Ang hilig kasi sa mga "pwede na" o kaya naman "convenient kasi", ayan tuloy sa huli kung hindi naloloko at nadadaya, hindi rin nagtatagal.

(Tawanan)



********
Ganito nga yata ang epekto ng araw ng mga puso sa mga single na katulad namin. Lahat na lang ay inirelate pati walang kamalay-malay na DVD. E kung tutuusin isa lang naman ang pinagsisigawan nung TV at DvD player:



"Say No to Piracy" :b 

 

11 comments:

  1. Nyahahahha... download na lang kayo movie sa internet..libre pa..hahah lol

    ReplyDelete
  2. pati ba pag-ibig may pirated din? hehehehe!!

    sabi nga, kung san masikip dun nagsisiksik... syempre,para din lang yun kung alin ang makati e di yun ang kakamutin... above all, masarap kaya! lol


    an_indecent_mind

    ReplyDelete
  3. no to piracy hahahah adik lang
    wag na sa pirated pwede naman original eh fresh pa,,puhahahaa paki konek

    ReplyDelete
  4. ayos ang mga realization hehehe =) say no to piracy kaso di ko maiwasan hehehe

    ReplyDelete
  5. hahaha nagtyaga talaga eh hayuuff hehehehe

    ReplyDelete
  6. sosyal ng dvd, ayaw sa piniratang cd. :D

    pero malay nio, kailangan nga ng 2nd chance :D

    ReplyDelete
  7. hehehehe.. ayos sa usapan, kasi naman eh... pag ayaw na, wag na pilitin. wala ng second chance.. hehehe

    ReplyDelete
  8. download na lang kase, malinaw pa :D

    ReplyDelete
  9. magaling ang pagkakarelate. congrats at nag konek ang love sa dvd. hehehe

    ReplyDelete
  10. Siguro nga ang piniratang pag-ibig ay paulit-ulit; nakakasawa din sa huli :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design