Tahimik naming nilapag sa mesa ang aming mga dala. Kumain na parang estranghero sa isa’t isa. Nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Kung ano ang dapat pag-usapan. Naunang tumayo si Leslie. Sumunod ako sa kanya. Naglakad-lakad pa kami ng kaunti at sabay na napatingin sa kalangitan.
“I never knew.”
“We both knew it Paco.”
“Well… siguro nga.”
“We were so consumed with the relationship. Nalimutan na natin si Leslie at Paco as individuals. Then nung gusto na natin ibalik yung sarili natin, the only way was to get out of that relationship. Nagkataon lang na ikaw yung may guts para makipaghiwalay. Ako, natakot ako eh. Akala ko hindi ko kaya.”
“How was it?”
“Alin?”
“You moving on… Si Zach ba?”
Umupo si Leslie sa may damuhan.
“Even before he came, ok na ko.”
At nasagot na nga ang tanong ko kanina. Confirmed. Sila na ngang dalawa.
Naupo ako sa kanyang tabi. Katahimikan.
“Maswerte si Zach. Alam ko magiging masaya siya sa’yo.”
“Siguro nga. Pero…”
“Kanina hindi ko pa alam kung bakit pumayag pa ako na samahan kita dito. Kung bakit gusto pa kitang makasama samantalang alam kong nasaktan kita. Ngayon alam ko na, but its just too late.”
Hinaplos ni Leslie ang aking mukha. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi. Dahan-dahan ang kanyang paghalik. Nanunuyo. Naglalambing. Tinugunan ko ito, muling inaalala ang tamis ng kanyang mga labi. Nagsusumamong huwag nang matapos ang bawat sandaling para lang sa aming dalawa. Ngunit madali rin siyang bumitiw.
“I’m sorry. Nadala lang ako Leslie”
Sandaling namuo ang katahimikan sa aming dalawa.
“Zach and I. We’re not together.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“It was Zach’s idea. Sabi niya, may something pa daw tayong dalawa sa isa’t isa. Hindi ako naniniwala. Nakamove-on na ko sa’yo so paanong mangyayari yun. And then pinaalala niya ‘tong request natin sa kanya. Sabi niya treat it as a test…”
“Test?”
“Yes, a test that I miserably failed. Nung makita pa lang kita, alam ko na. Di ka pa rin pala nawawala. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko.”
“Tara na, umuwi na tayo”
Naguluhan siya sa tinuran kong iyon subalit sumunod na rin siya sa akin. Paglabas ay sinumulan ko nang painitin ang makina ng motor. Umangkas na siya sa likuran.
“Kumapit ka sa akin Leslie.”
Hindi pa rin siya gumagalaw.
“Kumapit ka sa’kin Leslie dahil hindi na kita papakawalan pa. We both failed the test. Tama nga siya, may nararamdaman pa rin ako para sa’yo”
Inabot ko sa kanya ang note na ibinigay sa akin ni Zach kanina.
Paco,
Don’t miss this chance pare.
Alam kong mahal mo pa rin siya, ayaw mo lang aminin.
Now, we’ll see kung anong mangyayari paglabas niyo
ng restaurant ko. Goodluck!
Zach
P.S. Wala akong niluto pare. Kayo na ang bahala.
Sinimulan ko na ang pagpapandar ng motor. Nagsimulang gumalaw si Leslie. Yumakap na rin siya sa akin. Mahigpit na mahigpit.
Muli, ay nakakulong ako sa kanyang mga bisig. Bilanggo sa init ng kanyang pag-ibig.
lungkot..more more more!
ReplyDeleteYan ang totoong nagmamahal...letting go of someone we love...
ReplyDeleteyes... ito heavy drama...
ReplyDeleteAyy.. Eh nagkabalikan. Sweet. Nakakainis yung kwento Ate. May nagpa-flash back. Haha. Ugh! Pero maganda. Magling. Naks..
ReplyDeleteparang may allegory sa last part. na excite ako. i want part 4 :)
ReplyDeleteweeeehhh ang happiness... ang sweet..nakaka-inlababo
ReplyDeleteDami ko binackread. Pag-iisa-isahin ko na sa isang comment. Una dun sa Tita mo, sasama ko sya sa prayers ko. Ü
ReplyDeleteTungkol naman sa story, pakiramdam ko ganito din ang mangyayari samen ng ex ko kapag nagkita ulit kami kahit pa nakamove on na kami pareho. Hehe. Ü