Who is your crush? _______________________
Isusulat ko ba ang pangalan niya? Baka mabasa niya pag nagpasagot ako kina Annie mamaya sigurado hindi niya na ako pansinin. Pasagutin ko din kaya siya para malaman ko kung sino crush niya? Pero nakakahiya naman. Buti na lang binago ni Ma’am ang seating arrangement, magkagrupo na kami. Ngayon malapit na siya sa akin at palagi ko nang masusulyapan.
“Princess anu yan?”
“Alin?”
“Ayan oh yang sinusulatan mo? Assignment ba yan, pakopya naman.”
“Hindi. Eto binili ko kanina nung lunch time.”
“Ayyyyyy slumbook!! Pasagot ako diyan.”
“Mamaya Annie, ako muna. Tatapusin ko lang ‘toh tapos bibigay ko na sa’yo. Pasagutin mo rin mga classmate natin ha. Tsaka si ano…si Darwin .”
“Sige sige, e tapusin mo na yan. Madami ka pa bang hindi nasasagutan?”
“Isa na lang.”
Isusulat ko ba? Maraming makakakita, baka tuksuhin nila ako. Hmmm
Who is your crush? Da__Dar____None
Wag na nga lang.
“O Annie, tapos ko na. Pasagutan mo na sa kanila ha.”
“Sige, ibibigay ko sa’yo sa uwian. Balik na muna ako sa upuan ko, nakatingin na si ma’am.”
“Ok sige. Wag mong kalimutan si Darwin ha.”
“Oo naman. Ako pa.”
Nakangiti ako habang nagsusulat ng aming assignment. Sana mag-uwian na para malaman ko na agad ang crush ni Darwin. Teka, bakit ba ako naeexcite? Paano kung hindi naman ako yung crush niya? Bahala na, atleast may remembrance ako sa kanya sa slumbook ko. Tsaka may dedication pa. Kinikilig tuloy ako.
Si Annie paikot ikot na sa klase. Buti na lang lumabas si Ma’am. Sana mamayang uwian na siya bumalik. Ang dami naman niyang pinapasulatan na classmate namin baka maubusan na si Darwin ng sasagutan.
Ayun, andun na siya sa katabi ni Darwin. Nakita ko na nang ipasa niya yung slumbook ko. Sana hindi niya malimutan yung dedication page. Ang tamad pa naman nung magsulat. Sana sagutan din niya kung sino yung crush niya.
Hala lagot andito na si ma’am.
“Class, ano tapos na ba kayo sa pagkopya ng assignment niyo? Hindi pwedeng walang sagot yan bukas, papalabasin ko kayo. Annie, kanina ka pa palipat-lipat ng upuan. Go back to your seat”
“Opo mam, may isosoli lang po ako kay Princess”
Haay buti nalang hindi na ulit nagreact si ma’am. Halos lahat nagsulat dito ah. Asan na yung yung kay Darwin ??
“Sinong cleaners ngayon?”
“Sina Princess po.”
Naku kami pa pala ang cleaners, ayus mas matagal kong makakasama si Darwin . Pero teka, asan na ba yung sinagutan niya dito. Hindi ito, hindi rin to, lalong hindi ito. Ayun! Nakita ko rin.
“Sige Princess, ikaw na ang bahala ha. Isara niyo ang pinto pagkatapos niyong maglinis.”
“Op…”
Wait.
“Ma’am, pwede po bang bukas na ako magcleaners, sasabay na lang po ako kina Kristi.”
“Bakit naman Princess?”
“Ma’am masakit po kasi tiyan ko. Para pong nasi-CR ako. Tinext ko na po yung sundo ko kasi parang di ko na po kaya.”
“Sige sige. O Brenda ikaw na bahala dito. Sige class pwede na kayong umuwi.”
Ang tagal naman ng sundo ko. Para kasing napapaiyak ako. Itapon ko na lang kaya ‘tong slumbook ko. Sana hindi ko na lang binili. Naiiyak na talaga ako. Ang tagal tagal naman.
Hindi ko makalimutan yung sinagot ni Darwin. Sana hindi na lang siya nagsulat. I hate him.
Who is your crush? _P___Princess__Annie
Hayyyy buti na lang andito na si manong. Makakauwi na rin ako. Sa bahay na lang ako iiyak.
ang kyot. lol.
ReplyDeletecrushed. nadurog ang puso ni princess. dapat kasi si princess nalang naglibot para magpasagot ng slumbook
ReplyDeletenakakatuwa naalala ko nung highschool usong uso ang slumbook! favorite color, favorite food, define love, who is your first kiss (usually ang sagot dito "parents") :D
ReplyDeleteaww..kawawa naman si princess anyway..nakakamiss to elementary to early high school days nahilig din ako sa ganito hehehe
ReplyDeletepuppy love hehe...totoo kaya first love lasts? ahw..o never lasts ba un? hehe ^^ sa elementary nagsasagot ako ng slumbook.alala ko lang...wal aako maisagot sa first love na tao kundi God lang talaga...haha
ReplyDeletehay ang kyut puppy love at maagang nasawi.. wahehe
ReplyDeleteOK na yan at least first choice! malay mo si Annie ang nag-edit...
ReplyDeleteAt Ok na yan keysa naman ang isinulat nya ay name ng lalaki ahaha
highschool moment ga ito???
ReplyDeletenakakatuwa naman...
:))
:rainbow
ReplyDeleteano ba crush crush ang topic hahahaha.
ReplyDeleteMasarap sariwain ang nakaraan.
ReplyDeleteSlumbook.
Dito nagsisimula ang batang pag-ibig hanggang magnasa, ang ending- hindi nagkatuluyan.
Hi Madz
Define Love?
ReplyDeletehahaha.
totoo ba ito? nangyari..? hahahaha.... kahit kailan di ko nakita ang pangalan ko sa WHO IS YOUR CRUSH..sa FAVORITE PET pwede pa... hahaha.. pero naaalala ko elementary ako nung huli akong nag slum book..at nasa akin pa rin naman...
ReplyDelete