Wala akong maisulat ngayon. Aktuwali meron pala. Kaya lang nung magbloghop ako napansin ko na yung isang post ng sinusundan kong blog ay kapareho ng konsepto sa gusto kong isulat. Kaya naman nanatiling nakabukas ang window na ito ng mga ilang oras. Wala ring nangyari, lugaw talaga. Tinapos ko na lang ilang episode ng Absolute Boyfriend bago ako bumalik sa tab nito at nanatiling nakatunganga. Nang walang anu-ano biglang *kling* *kling* *kling* :D
Dahil napansin kong nalulukot lang ang mga pahina ng libro na nabibili ko (tamad kasi mag-uwi ng libro sa bundok :) ), naisipan kong magpasabook. Yep, tama nga po ang nababasa niyo: PASABOOK. Kaya kung wala kang nang mabasa kapag jumejebs ka, o kaya nama'y pag nag-papaantok ka o gusto mo lang talagang makigulo dito e SALI NA!
Simple lang naman ang mechanics, comment ka lang sa post kong ito, tapos.....
Wala na akong maisip. MAGCOMMENT ka na lang. hihihihi Nga pala, pasensiya na sa makakabasa na taga-ibang ibayo. Hanggang Pinas lang po ang kaya ng bulsa ko sa pagpapasabook. Next time na lang pag andiyan na rin ako..wahahahaha A-S-A.
Tsaka na ang info details kapag ikaw ang maswerteng makakasalo ng librong ipapasa ko. Gagamitin ko na lang yung ginamit ni salbe sa paraffle niya. Balik ka dito sa Feb.15 para malaman mo ang iyong kapalaran. Siyanga pala, huwag masyadong mag-expect sa condition ng book o kung nung panahon pa ni mahoma ito pinublish.. hahaha Libre lang naman 'to kaya wag nang choosy :D
Anyways, ito nga pala ang UNA kong ibibigay .Nabili ko ito sa shop ni Tado sa may Marikina last last year ata nung namimili ako ng xmas gift. Curious lang kaya binili ko at hindi ko naman pinagsisihan. Eto nga pala ang pamosong linya sa libro:
"Me quota ang pag-big. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman"
O di ba pang-balentayms talaga *wink* *wink* .
Kung hindi ka manalo dito, huwag ka na malungkot. Meron pa yang kasunod. Peksman! hihihi
*******
HUWEYT DERS MORE! edit edit muna
batiin na lang kita ng Happy Valentine's Day! Advance!!!!
ReplyDeletePwede na bang entry yan? hehehe
yes! tamang tama ito sa pagka-BBOK WORM ng lola mo :) nice idea,sis :)
ReplyDeleteI'll tweet this! :
Muah ;)
wow. pasabook :D
ReplyDeleteang kulit naman ng quote mo about pag-ibig, may quota pa :p hehehe. :angel
pwd akin nlng iyong book. haha! demanding ako :)
ReplyDeleteHappy Heart's Day!
comment comment. lol. makasali lang. wahaha.
ReplyDeleteay buti nalang at nagskip read ako.. hahaha
ReplyDeletehindi naman ako ganun kahiig sa book. ikaw na
ReplyDelete-kikilabotz
Kapag nagcomment kasali na? Yey! May entry na ako. Ganto sana lahat ng contest. Haha.
ReplyDeletecomment!!! sali akoooooo!!! :))
ReplyDeleteang ganda ng blog mo@!!! gusto ko tong theme na to!!! andaya!!! happy valentines nlng hjhuhhuhu
ReplyDeletealam ko n ung book para kay B ang title nian hahaha nabasa ko na siya
ReplyDeleteLutuin na natin 'to Madz. Ü thanks. Hehe.
ReplyDeletemagandang araw... ay may libreng book.. ah yeah... :)
ReplyDeletePara kay B. I hate that book. Para sa akin kasi, walang kota-kota ang pag-ibig. Hindi naman ito trabaho, damdamin ang pag-ibig. Para kasing napaka-hopeless na ultimo pag-ibig ay may kota.
ReplyDeletePero gusto ko ng libro! Napahiram ko kasi ang kopya ko at di pa naibabalik. :)
Entry na ito da vah? :e
ako rin! paano na nga yun? lolzz
ReplyDeleteammm, ano ba sasabihin ko...
ReplyDeleteah, thank you sa pagbati! at goodluck sa pa raffle mo.
pede na ba to???
ako ang mananalo dito.kasi bobolahin kita.
ReplyDeleteang sexy mo.you are the most beautiful girl in the world.i can't take my eyes on you na nga eh. and it's killing me softly kapag may iba kang boys. hindi ka lang mabait.mabuti ka pa.kaya ayan,bibigyan mo na ako ng libro. :)
maskman
tama nga naman yung quote sa book na ipapasa book mo.. kasi nangyari na sakin yun recently.. umibig ako sa taong hindi ako kayang ibigin.. aguy!!
ReplyDeletesana sa akin na lang yung book heheh im sure makakarelate ako :D
ReplyDeleteHehehehhe!!! Di na ako sasali kasi di rin naman aq mananalo pero I like the idea sissy! Hehhehe!! I'll donate books if you need them. dami pa dito sa bahay!
ReplyDeleteMwwahhh!! See you later sissy!!!
ndi talaga ako mahilig magcomment pero nagcocomment na ko baka sakaling manalo....hihihihi
ReplyDeletehappy independence day na lang... =p
gusto ko yang book na yaaaaaaaaaaaaaaaan! kaso lang di ko din makukuha.pero kung sakaling manalo baka tatay ko na lang mgbasa nyan. jusko. :DD
ReplyDeleteo sino na nanalo??
ReplyDelete