“Si Zach tinuruan ka?”
“Oo.”
“Kelan pa kayo naging close?”
“He followed me on twitter, we exchanged tweets and then numbers. After that, he invited me out for dinner and the rest is history.”
“Nanliligaw ba siya?”
Tumingin lang sa akin si Leslie sabay punta sa ref para maghanap ng lulutuin. Bakit kaya hindi pa niya sinagot yung tanong ko. Oo at hindi lang naman. Parang bigla akong naasar.
“Pasta na lang lutuin natin. May tinuro sa’kin si Zach, pag natikman mo for sure makakalimutan mo pangalan mo.”
“Sa labas na lang kaya tayo kumain?” suhestiyon ko kay Leslie.
“Sa labas naman talaga tayo kakain di ba? Dun sa garden?” nakangiting sagot niya. Hindi agad ako makasagot, muli ko na naman kasing nakita yung biloy sa kaliwang pisngi niya.
“Hanggang ngayon pilosopa ka pa rin. What I mean is mapapagod ka pa at tsaka medyo gutom na rin ako. Alam mo na, matatagalan pag nagluto pa tayo.”
“Ayaw mo ba dito? Para kasing kanina mo pa gusto umalis Nakakahiya naman kay Zach..”
Hindi ko lang masabi sa kanya pero kanina pa ko binging bingi na marinig ang pangalan na yun. Sila ba? Bakit ba lagi na lang niya bukambibig si Zach.
“Hindi naman. Mapapagod ka lang kasi. Pero kung mapilit ka sige magluto na lang tayo. Pero pwede bang magrequest?”
“Ano yun?”
Pwede bang wag mo nang banggitin ang pangalan niya? Nakakasawa na kasi.
“ Yun na lang pasta with butter. Tapos garlic bread na lang?”
Halatang nagulat si Leslie sa request ko. Ito kasi ang madalas na hinahain niya sa akin nung kami pa dahil nga sa hindi pa siya marunong magluto.Tahimik siyang kumilos upang pakuluan yung noodles at haluin ang paste na panlagay sa tinapay. Para lang kaming nasa kitchen nila noon, pinapanood ko siya habang seryosong seryoso siya sa paghahanda ng kakainin namin. Ganun palagi, susulyap-sulyap siya, ngingiti at babalik na naman sa kanyang ginagawa.
Pero ngayon, tinapunan lang niya ako ng tingin at muling bumalik sa kanyang ginagawa kahit na magkaharap lang naman kami.
“H…hindi ka ba nagsasawa dito? Di ba dati…”
“Dati yun, ngayon hinahanap-hanap ko na.”
“Hahaha. Alam mo ba nung pinatikim ko yun kay Zach, naku inayawan agad…”
On impulse, nahaplos ko ang mukha ni Leslie. Nagtama ang aming mga tingin.
“Then he doesn't know what he’s missing.”
“He does. Kaya nga hindi siya umalis.”
“I’m sorry Leslie”
Tumalikod na siya sa akin. Chineck kung luto na yung pasta. Isinalang yung tinapay sa oven.
“Pero pinatry ko naman ulit sa kanya, sabi ko magugustuhan niya. Natapos naman niyang kainin. Sabi lang niya, next time daw tuturuan na niya ko ng iba para daw may variation. He succeeded, marami na akong natutunan. It’s just that, ewan ko ba iba pa rin talaga yung una mong niluto at natikman. Sabi mo nga, hahanap-hanapin ng panlasa mo.”
“What went wrong Leslie?”
Hindi siya sumasagot. Natapos din siya sa pagpprepare ng pagkain. Dala-dala na namin sa garden ang aming kakainin nang maisipan kong muling magtanong.
“What happened to us?”
whaha bitin... sinu kaya yung zach na yun hehehe :D
ReplyDeletenice! saka na kumento pag natapos :D
ReplyDeleteang tagal na ko nagbabasa sa mga post mo, ngayon ko lang naisip sino nga ba si Zach...post ka naman ng mga picture mo at ng Zach na yan... o fictional character lang yan...hehehe
ReplyDeleteaww bakit parang laging may pinaghuhugtan sis?medyo napansin ko kasi na medyo kapareho to nung dati mong story..=)
ReplyDeleteyun ang problema! laging sila lang. hehehehe
ReplyDeletearayyyy.... pero parang naaamoy ko ang pasta sa malayo...
ReplyDeleteKapag sa pag-ibig laging tatsulok, kwadrado at parihaba.
ReplyDeleteBakit kaya?
Bakit?
Syempro, maganda na naman ang daloy ng tubig sa sapa. Like
Awww.. Ang sakit. Ampness naman to. Bigla ako may naalala.
ReplyDelete