Way way back, siguro grade school pa lang ako at sa Manila pa kami nakatira (wave sa mga taga-Anak Bayan, eowhz phowz!), ganito ang palaging eksena kapag maggogrocery na ang tita ko:
Me: Tita pasama
Tita: Huwag na.
Me: Dali na (paawa effect ang eyes)
Tita: Magtuturo (magpapabili ng kung anek-anek) ka lang dun.
Me: Hindi po pramis...(medyo paiyak na)
Ilang minuto ang lilipas...
Me: Tita dali na pasama, hindi ako magtuturo. Tita dali na... (teary eyed na talaga)
Tita: Di tayo kakain dun
Me: (Ngingiti) Ok lang po. Sasama pa rin ako.
Tita: Sige bihis na.
And off we go to Harrison Plaza para maggrocery. Bakit ako nangiti? Kasi alam ko kahit sabihin ng tita ko na hindi kami kakain, ay kakain pa rin kami lalo na at paglabas ng grocery e nagsusumigaw ang mga food stalls (wala pa nung pao tsin at zagu) sa aming harapan. Once nakahanap na kami ng pwesto ay ito ang pagpipilian namin na bilhin:
1. teriyaki na nasa bun
2. hotdog sandwich (purefoods)
3. Potato Fries
4. shawarma (nung nauso) at ang paborito niya na
5. samurai balls na takoyaki pala sa totoong buhay (samurai balls yung pangalan nung stall) :D
After naming mabusog at oras na para umuwi, alam ko hindi pa dun natatapos ang aming food trip kasi bago mag-paalam kay dear Harrison ay bibili pa si tita nang isa pa niyang paborito na located sa may exit door: Chicharong bulaklak.
Kapag naman magshoshopping kami kasama ang buong angkan este kaming magpipinsan pala ay ganito ang aming kinakalabasan:
Sunday, February 6, 2011
Bonding with Tita
May napansin ba kayo?? Oo, sa parehong litrato ay hindi ako nakatingin (camera-shy?) pero hindi yun yun. Tignan mong mabuti. Nakuha mo na ba??? Tagal naman...hehehe O di ba laging terno? At talagang dapat na pare-pareho kaming magpipinsan. Ito ang isa sa mga lagi naming naaalala at pinagtatawanan tuwing napapagkwentuhan ang aming kabataan. Mahilig kasi ang tita ko sa ganito at talagang hindi pwedeng may maiba sa aming magpipinsan. Ngayon ko lang napagtanto na siguro ito ang secret way niya para hindi siya mahirapan sa paglocate sa amin tuwing pumapasyal kami. LOL
Tita, I really miss you. Sana we can still have more time to do stuffs like this (minus the terno part). Sana makapagvideoke pa tayo together o kahit kwentuhan lang. Hindi ko masabi sa'yo 'to kasi alam ko hindi ko mapipigilang umiyak. Kabisado mo na ko di ba? Pinipigilan ko naman, this time sinasabi ko sa sarili ko na di pwede yun, I have to be strong. Para sayo, para hindi ka panghinaan ng loob.
But at the back of my mind I know that I have no control over this matter. Na kahit anong gawin ko, mangyayari ang dapat mangyari. Hindi ko pa lang tanggap, but I'm getting there. I am still on on the positive side. Still praying for a miracle to happen. Sana ikaw din.
Tita, whatever it is that God has planned for us always remember that I love you and I am forever grateful to you for being a mother to me.
Here's a song from your favorite artist. :D
*****
Kagabi may nakausap akong blogger, nagsimula sa mga tanong na kung anu-ano hanggang sa makarating sa talagang reason kung bakit kinausap ko siya. Naiintindihan ko lahat yung sinabi mo hindi ko pa lang siguro alam kung papano gagawin at kung papano ko tatanggapin. Mahina lang talaga sa ganito. Goodbyes and letting go. Anyway, Thanks for being a friend, I badly needed one last night.
Dear fellow bloggers,
Please include my tita Cozette in your prayers.
Sobrang appreciated po talaga.
Thanks guys.
Madz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
all white ah. hehehe.
ReplyDeleteMy prayers for your tita. :)
be strong madz.
ReplyDeleteGod bless you and your tita. will say a a prayer for her. :)
Sino ang blogger na ito? Makikiusap din ako kung paano maging masaya kahit malungkot?
ReplyDeleteHabang may hininga,gawin na ang dapat gawin.
I have this conversation with Salome about her Tita's funeral.
The old lady's urn was tightly hugged by her niece to show to the people that she cared the woman.
One of the Tita approached the niece and told this.
" Bakit ngayon pa kayo yumayakap kung kailan patay na? "
Ang akin lamang, may kaniya-kaniyang panahon ang paglisan, habang buhay ang taong mahalaga, wag mahiyang ipakita ang pagkalinga.
Kung may himala si Nora Aunor, may himala din si Cozette
we will include your tita sa prayers namin.
ReplyDeleteate madz, makakaasa kang isasama kita at si tita sa prayers ko. promise! ingats!
ReplyDeleteIt's a privileged to pray for someone who is in need of it.
ReplyDeleteI'll pray for it :) GOD BLESS!
sure its a privileged na magpray para sa ibang tao..
ReplyDeleteGod Bless you and to your tita. Expect prayers from me.
ReplyDeleteTake care.
included in my prayers :)
ReplyDeleteparepareho din ng buhok haha.
ReplyDeletesure ate madz, isasama ko si tita sa prayers ko. ;) ingat po te! :))
ang sweet mo naman sa tita mo.. kung ano man pinagdadaanan niya.. o niyo.. sana maging okay din ang lahat...
ReplyDeleteAng sweet naman ng Tita mo.
ReplyDeleteWhatever may be happening to her now, I hope that she'll still see a miracle. We'll include her in our prayers.
Just want to share this with you, I have two Titas who both have Stage 4 cancer now. But despite these sad news, our family chose to look at the brighter side of things.
It's hard but we all try our best to live life to the fullest.
nakkakatuwa ang terno sa pics. sana nga maging maayos na ang lahat :)
ReplyDeletemy prayers for your tita sis..
ReplyDeletemakakaasa ka po.. kasama sya sa panalangin namin.. be strong atekoy.. :)
ReplyDelete