Dahil hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang ideyang pumasok sa utak ko mga ilang araw na ang nakakaraan, sinubukan kong i-record ito. Naisip ko kasi na baka sa ganung paraan mas maiintindihan ko kung ano ba yung gusto kong isulat. Alam mo yun parang ididigest ko ulit habang naririnig ko na in real life at hindi sa utak lamang.
Kaya naman kagabi ay nagkunwari akong storyteller (hindi ko po alam ang tagalog nito).
Ang kinalabasan: kalat kalat na ideya, redundant at walang sustansya. Mas lalo yatang nawala sa focus yung gusto kong ipahiwatig. hahaha adik lang.
Hindi ko na muna siya isusulat. Nafrustrate na akong itry. Pakinggan mo na lang kung may libre kang sampung minuto. Pakihinaan na rin ang volume, hindi ko yata talaga natutunan magmodulate ng boses. LOL
Walang sisihan ha, sabi nga ng naunang titulo ng post ko, ito ay subok lang :D
ang picture na ginamit sa video ay nakuha dito
Tuesday, May 31, 2011
Panandaliang Aliw
Thursday, May 26, 2011
ANIM TAYO
nina: JKulisap, Joey Velunta, EssaPayoyo, Madz at Guest 798
Minsan kami ay naligaw
Madalas kumakain ng langaw.
Sa bahay ng halimaw
Sa usapa'y lahat nakiki-sawsaw.
Akala ko'y ikaw
Iyon pala'y bangaw
Ano kaya itong aking natatanaw
Na kasing laki ng bulalakaw?
Nakaramdam ng pagkaginaw
Habang tanaw ang bulalakaw
At naghintay hanggang madaling araw.
Napaihi ang halimaw sa lakas ng hiyaw.
Pag-ibig mo ba ay nakaw?
Sabihin mo lang dahil balak ko
ng umayaw
Huwag muna ngayon, huwag muna ngayon.. kailangan ko'y ikaw;
Bigyang kulay ang mundo kong minsa'y nagunaw
Puso ko ay malapit nang
matunaw
Sa pag-ibig mong nilulumot at
nilalangaw
Ngunit iipunin ko ang bawat bahagi. aw!
O aking pag-ibig, yakapin mo yaring pusong tigib
Ngunit wag mong isiping ako'y ganid.
Nais ko lamang ikaw ay makapiling
Kahit sa magdamag, yakap mo ang tabing.
Maaari bang dinggin mo ang aking hiling?
Damhin ang pag-ibig kong inihahain.
Sa iyo'y payagang makipag-saliw
Sa musikang pintig ng mga puso natin.
Maaari bang sabay nating ilimbag sa hangin?
Anim man tayo'y iwan ang iba,
Dahit kahit lima o tatlo, tayo'y dal'wa
Humawi ng mundong para sa atin lang dalawa.
Maniwala ka tayo'y iisa na
Iisang bubuo ng bagong bukas
Pinagsanib ang diwa na tiyak mag-iiwan ng bakas.
Umaga, gabi, sa panahong unos mo'y magwakas
Kamalayan nati'y tiyak walang wagas.
Dahil ang ating nais, kapangyariha'y lakas
Hawiin man nila'y hindi mababaklas.
Sa pag-ibig ay magbibigay lunas.
Binubulag mo ako sa salita mong
pangahas
Nais ko tuloy masilayan ang
tunay mong tikas
At sa iyong dunong ay malunod
madalas
Pighati' t kasawian huwag sanang
madanas
Upang kahit saglit, kalungkuta'y
di mamalas.
Humayo, humayo, dala mo'y bukas at ako.
At ako... mananatiling sa'yo.
Sa isa't isa ngayo'y nangangako
Di titiklop o magsasarili ng mundo,
Mananatiling tapat ng taos sa puso,
Damdami'y hindi pipigilang bumugso
Upang sa iba'y ibahagi ang hatid ng bugso.
Kahit anim o lima pa.
Puso mo, puso ko ay iisa.
Tuesday, May 24, 2011
Monday, May 23, 2011
Bitaw
"Ano bang ginagawa mo dito, di ba patay ka na?" Paasik na tanong ni Maxene.
"Bakit ikaw ba sa palagay mo buhay pa?"
Nagulat si Maxene sa tinuran kong iyon. Tumalikod siya sa akin at nag-ayos ng ganyang mga gamit "Sana nga patay na lang ako, para pwede kong multuhin yung gagong nakasagasa sa'yo. Akala mo ba madali lang sa'king tanggapin na wala ka na? Ikaw kaya ang lumugar sa sitwasyon ko...."
Sabay harap niya sa akin. "Sabagay paano mo pa nga ba yun magagawa e inunahan mo na ko."
"Hindi kita inunahan. Hndi ko naman alam na mangyayari sa akin yun. I'm sorry, Maxene."
"Sorry Jerry. Mahirap lang kasi..."
Tinangka ko siyang yakapin subalit lumayo siya sa akin.
"Ang hirap.. ang hirap mong pakawalan. Para akong baterya na laging bagong bili nung nandito ka. Pero nung mawala ka, naubusan ako ng lakas. Bigla akong nadrain, nawalan ng buhay."
"Hindi lang ako ang tao Maxene. May mga taong gustong magbigay ng pagmamahal sa'yo pero sinarhan mo yung puso mo sa kanila."
"Ikaw lang ang gusto ko Jerry. Ikaw lang..."
Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng kanyang gamit. Alam ko kung anong iniisip niya. Ramdam ko rin ang galit na namumuo sa kanya.
"Patawarin mo na siya Maxene."
"Hindi." Matigas niyang tugon.
"Pero ikaw lang ang napapagod. Hindi mo na siya makikita. Alam kong pinagsisisihan niya ang nangyari. Wala nang sense para habul-habulin mo pa siya. Just let it go para matahimik ka na. Matahimik na tayo. "
Simula kasi ng maaksidente ako sa lugar na iyon, palagi nang dumadayo doon si Maxene para abangan ang driver ng truck na nakasagasa sa akin. Maghapon siya doong naghihintay. Kahit alam niyang imposible, nagbabakasakali siyang mapapagbayad niya ang driver sa nagawa nitong kasalanan. Minsan, sinasamahan na siya ng kanyang mga magulang at kapatid dahil nag-aalala na ang mga ito sa kanya.
"Makikita ko din siya, pinapangako ko sa'yo Jerry. Hindi ako titigil."
"Tama na Maxene, marami nang nasasaktan..."
"Naiintindihan ako nila mama..."
"Hindi sila Maxene. Yung iba... Tanggapin mo na...."
Lumayo si Maxene sa akin. Iniba niya ang usapan.
"Nakita mo ba yung bag ko? Yung niregalo mo sa akin? Bakit wala na naman dito? Lagi na lang nawawala? Tulungan mo naman akong maghanap tutal nandito ka na. Asan na ba kasi yun?" Nagsimulang humikbi si Maxene.
" Huwag ka nang umiyak. Makikita mo din yun. Alalahanin mo."
Ngunit ang mga hikbi niya'y naging hagulhol. Palakas ng palakas. Gusto kong ngumiti subalit nakadama rin ako ng pagkalungkot. Alam na niya sa wakas.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mariin ko siyang niyakap at kinulong sa aking mga bisig. Mas lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak. Ilang minuto rin tumagal na nasa ganung posisyon kami. Maya maya pa'y tumingin si Maxene sa akin.
"Kaya ka ba nandito?"
Matipid na ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya.
Napaidlip si Maxene habang naghihintay sa daan kasama ang kanyang pamilya. Ngunit hindi na siya nagising sa pagkakatulog niyang iyon. Sabi nila, bangungot daw. Sanhi marahil ng sobrang kalungkutan at stress sa aking pagkawala. Ang bag na hinahanap niya ay naiwan na doon ng kanyang pamilya dahil isinugod na siya agad sa hospital.
Ilang araw lang ang nakakalipas ay nagkaroon ng sunod-sunod na aksidente sa lugar kung saan kami namatay. Kahit pala sa kamatayan ay hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap. Kaya naman binigyan ako ng pagkakataon na muli siyang makausap para tuluyan na siyang lumaya, maliwanagan at sumama na sa akin papunta sa paraiso.
"Patay na ba talaga ako?"
"Oo Maxene at kailangan mo nang lisanin ang mundong ito. Pero hindi mo ito magagawa hangga't dala dala mo pa rin ang galit diyan sa puso mo. Kailangan mo nang lumimot at magpatawad. Tanggapin na hanggang dun na lang talaga ang buhay na ipinahiram sa akin, sa atin."
"Mapapatawad mo ba ako kung hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagkawala mo Jerry?"
"Ipanatag mo na ang iyong kalooban, hindi kita sinisisi sa nangyari sa akin at hindi rin kita inoobliga na hanapin ang may sala. Ang ginusto ko lang naman nung mawala ako ay mapuno muli ng pagmamahal ang iyong puso at magsimula ang panibagong yugto ng iyong buhay."
"Subalit hindi naman ganun ang ginawa ko. Sa palagay mo, mapapatawad Niya kaya ako sa ginawa ko sa aking buhay?"
"Matagal ka na Niyang pinatawad Maxene. Kaya nga Niya ako pinadala para sunduin ka. Naghihintay na Siya sa pagababalik mo sa kanyang tabi. Iwanan mo na ang mga bagay at pakiramdam na nakakapagpahirap sa iyo. Palayain mo na ang iyong sarili."
Humigpit ang yakap sa akin ni Maxene. Mula sa isang sulok ng kanyang kwarto ay sumilay ang liwanag. Tuluyan na akong napangiti. Handa na siya.
Thursday, May 19, 2011
Patintero (2)
Hindi naman ako pwedeng magkamali na ikaw si Jelly di ba?? Ang cute cute mo pa rin kasi.
Wala ka pa rin pinagbago Kaeleb, ang lakas mo pa ring mang-asar. Kamusta?
Eto, nakakuha ng bakasyon kaya sinusulit. Buti nakita kita. Tagal na kitang hinahanap eh.
Ah oo nga, nangibang bansa ka nga pala. E siya kamusta?
Hanggang ngayon ba naman Jelly? May pangalan yung tao. Cindy.
O e kamusta na nga si Cindy?
Hiwalay na kami.
Bakit?
Nakawala e. Hindi ko napansin maluwag na pala ang kapit ko.
*******
Nakakaasar nakorner ako ni KM siya na lang makakabase na kami.
Ano Jelly suko ka na ba?
Siyempre hindi, malalagpasan din kitang payatot ka.
Yun ang akala mo, Jelly Piggy.
Ang yabang mo talaga, isusumbong kita kay tatay.
E di isumbong mo, hindi na kita isasali sa susunod 'kala mo.
Muli kong pinag-isipan ang magiging diskarte ko. Kailangan bilisan ko ang takbo para hindi ako mahuli ni KM. Paano ko kaya siya lulusutan??Alam ko na!
Teka, KM si Cindy ba yun?
Asan? Sabay lingon niya sa likuran.
Pagtalikod na pagtalikod niya, mabilis akong tumakbo para makalagpas sa linyang binabantayn ni KM. Base! Panalo kami!
Hahahaha akala mo hindi ako makakalagpas ha! Ang galing ko kaya. Belat!
Magaling pala ha.
Nagtatakbo si KM papalapit sa akin kaya naman tumakbo na rin ako. Sa pagmamadali hindi ko napansin ang jeep na humaharurot. Napapikit na lamang ako sa sobrang takot. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na may humila sa akin at yumakap ng mahigpit na mahigpit.
Wag ka na ulit tatakbo palayo Jelly. Hindi na kita papakawalan. Hinding hindi na.
Yung lang ang huli kong narinig bago ako panawan ng ulirat.
******
Ganon? Sayang naman kala ko pa naman kayo na. Going strong kayo eh...since college right?
Ako din naman. Noon, akala ko tayo na. Hindi rin pala.
Ibalik ba?
Sorry. Slip of the tongue lang. Nagmamadali ka ba?
Hindi naman. Bakit?
Tara lunch muna tayo.
uhmmm..sige
itutuloy...
Part I
Hahahaha akala mo hindi ako makakalagpas ha! Ang galing ko kaya. Belat!
Magaling pala ha.
Nagtatakbo si KM papalapit sa akin kaya naman tumakbo na rin ako. Sa pagmamadali hindi ko napansin ang jeep na humaharurot. Napapikit na lamang ako sa sobrang takot. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na may humila sa akin at yumakap ng mahigpit na mahigpit.
Wag ka na ulit tatakbo palayo Jelly. Hindi na kita papakawalan. Hinding hindi na.
Yung lang ang huli kong narinig bago ako panawan ng ulirat.
******
Ganon? Sayang naman kala ko pa naman kayo na. Going strong kayo eh...since college right?
Ako din naman. Noon, akala ko tayo na. Hindi rin pala.
Ibalik ba?
Sorry. Slip of the tongue lang. Nagmamadali ka ba?
Hindi naman. Bakit?
Tara lunch muna tayo.
uhmmm..sige
itutuloy...
Part I
Wednesday, May 18, 2011
Bloghop
Madalas kapag nasa bahay ako at walang access sa PC tanging mobile phone lang ang nakakaramay ko para maging updated pa rin sa nangyayari sa blogworld. At dahil hindi naman ganun kabilis ang internet sa phone kong umaasa lang sa tricks, nakasanayan ko nang diretsong ilagay sa address bar (sori di ko po alam ang tamang term) ang URL ng mga blog na nagpapaligaya sa akin tuwing ako'y nalulumbay LOL Ito ang mga blogs na masasabi kong "i know by heart" :
Kapag nasa opisina naman, bukod sa pagtingin sa blogroll nakaugalian ko na ring magbloghop base sa history ng aking browser. Mag-eenter lang ako ng isang salita at presto! Isang click na lang andun na ako sa bahay nila. Ito ang ilan sa mga "keyword blogs" na aking binabasa:
Panda - rah888.blogspot.com
Khanto - khantotantra.blogspot.com
ssdd - thessddmantra.net
twitch - lifes-a-twitch.com
unfinished - renanne.blogspot.com
batang- angtunaynaako.blogspot.com
mots - motsmots.blogspot.com
suplado - anthonycarlo.com
rainbow - rosemarie-armenta.blogspot.com
empi - marcopaolo24.blogspot.com
gasoline - grilledbeef.blogspot.com
driver - bumubusibusina.blogspot.com
yow - itsyowtime.blogspot.com
toilet - toiletots.blogspot.com
Ilan lang ito sa mga blogs na pumupuno sa oras ko sa araw- araw lalo na kapag pumepetiks mode ako. Napapatawa, napapangiwi, napapaluha at kung anu-ano pang emosyon ang pinalalabas niyo sa akin. Tumatalino na nga yata ako dahil sa inyo. I thank you Bow!
Kung hindi ka kasama dito, wag ka nang magtampo. Sadyang meron lang talaga na blogs na hindi ako tinatamad balik-balikan at hindi nakakalimutan *wink* *wink* :)
Malamang sa alamang eh pumupunta rin ako o napapadaan sa kuta mo lalo na kung mahilig kang magkomento dito sa pinagsususulat ko. O pwede rin namang naka-add ka sa blogroll ko o sa blogroll ng mga taong nabanggit ko sa itaas. Hindi ito palusot.com lang. Believe me. Hanapin mo lang sa locator mo o sa feed yung taga-Balagtas Bulacan (kahit nasa Antipolo naman ako) at siguradong ako yun. :D Happy Bloghopping sa'yo :)
Love your Own
Last weekend, nagkaron ako ng chance para maexplore ang aming probinsiya.Sa mga hindi nakakaalam taga-Quezon po ako. Sa Lucena po talaga ako nakatira at nagsusumiksik lang talaga dito sa Maynila. Ngayon ko lang narealize na marami pala talagang magagandang lugar sa bayan ko na kailangan ko pang i-explore. Na hindi ko na kailangang lumayo kasi nasa harapan ko lang pala ang makakapagpasaya sa akin. :D echosssss
Naimbitahan po kasi ako ng grupo ng aking kapatid at bayaw (MOVE ON Inc.) na mga mamumundok sa kanilang fund raising na tinawag na Rock 'n Feed @ Eleven kung saan magrorock climbing at fish feeding ang mga sasali. Ang malilikom na pera mula sa registration fee ay gagamitin para makapagpagawa ng signage sa rock climbing site, isang paraan para maraming makaalam at maakit na pumunta dito (Tinandog Heights, Atimonan Quezon). Matapos ang 2-day activity na ito ay dumiretso naman kami sa Lucban Quezon para makisaya sa Pahiyas Festival.
Hindi pa dito natatapos ang aking weekend dahil isinama ko na rin dito ang araw ng Lunes kung saan nakabonding ko ang aking mga pamangkin para sa 40 days ng aking tita. Napakasaya ng weekend kong ito at sa sobrang saya, hindi na yata ako natulog. Pag-sakay ko kasi ng bus pauwi, nagising na lang ako na nasa Cubao terminal na pala ako. :D
Eto nga pala yung mga pics, pinili ko na kung ano yung ipopost ko pero napakarami talaga :)) Enjoy!
Rock Climbing @ Tinandog Heights, Atimonan Quezon
Habang nag-iintay |
nag-iintay ulit |
paghahanda |
oo yan talaga ang ginamit kong bag :)) |
ang aakyatin nila |
ito ang aakyatin namin |
ang kras ko |
may sumubok |
may nagtagumpay (ka-opisina ko yan GALING!) |
may nagtake 1 |
at nagtake 2 |
at nagtake 3 (nagpaassist na talaga) |
dahil di ko naakyat nagtyga na lang ako sa pamimitas ng damo :)) |
sarap ng salo-salo |
lalo na pag may makulit na batuta..LOL |
at kumocostume pa talaga.. hahaha |
final check... |
ayan pwede nang matulog |
kanya-kanyang trip at posisyon lang yan |
ako readyng ready na to swim |
namiss ko ang tubig (Mutya is that you??) |
nanny in the making |
eto ang hindi pwedeng mawala sa Lucban, pansit habhab |
ganda noh? |
lalo na pag may magagandang tao..ehem ehem |
cancer-free house |
kulitan with sissy |
photo op with higanteng Dora |
first runner up |
grand prize winner (P65, 000) |
last year ganito ang bulaklak ng pahiyas |
ngayon ganito na (buti nagkasya pa ulo ko :)) ) |
nagbabagang mga bulalak.. bwahahaha |
40 days ni tita @ Heaven's Garden Cemetery Lucena City |
may kalalagyan ka pamangkin :P |
inintroduce ko sila sa Makahiya |
nagtatanggal ng stress (paa lang talaga ang gusto kong makunan) |
sumubok ulit ako kaya lang sumingit pa strap ng cp ko |
first pose |
eto daw wacky post nila |
Jump shot FAIL! |
Jump Shot 2 FAIL! |
Jump shot 3 FAIL! |
Uwi na ko |
Mag-gagabi na pala |
Yun lang! Ang saya ng weekend na 'to. Sa uulitin! :D
Tuesday, May 17, 2011
Patintero
Abot!
Mabilis na pumulupot sa akin ang mga bisig ng lalaki. Pinilit kong kumawala sa kanyang mga yakap subalit lalong humigpit ang kapit niya sa akin. Pakiramdam ko wala na siyang balak pakawalan ako kaya ang tanging naisip ko na lang ay tapakan ang mga paa niya.
Araaaaaay!!
Aktong sasampalin ko na ang walanghiyang lumapastangan sa aking katawan ng bigla kong maalala ang isang kababata.
******
Tara tara, patintero tayo! Tawag ni KM sa mga kalaro ko. Mabilis naman akong tumakbo papalapit sa kanya kahit pa nga hinihingal na ko sa ginagawa ko.
Hoy saglit, pasali rin ako.
Sasali raw si Jelly oh. Patawang tugon ng isa naming kalaro.
Huwag ka na. Ang bagal bagal mong tumakbo eh. Sabat ni KM sabay bulong ng ang taba taba kasi.
E anong gagawin ko, kinuha mo mga kalaro ko tapos ngayon ayaw mo kong isali. Ang daya mo.
Paiyak na akong tumalikod sa kanila. Nararamdaman ko na ring ang pagtaas-baba ng aking mga balikat. Nakakaasar talaga ‘tong si KM, palagi na lang napansin yung katawan ko. Akala mo naman eh napakagwapo.
Sandali…
Anu yun? Hindi pa rin ako humaharap sa kanila.
Sige na sumali ka na. Basta wag tayong magkakampi ha.
Mapipili mo ba yun?
Basta…. Tsaka payag naman sila e.
Pinunasan ko ang aking luha at muling humarap sa kanila. Sige, game!
Rumpihan ha.
Sige sige! Sigaw na sagot ng aming mga kalaro.
Anong rumpihan? Bago yun ah!
Matagal na kaya yun Jelly. Palibhasa kasi..
Oo na, oo na ipaliwanag niyo na lang kung pano yun
Patintero rin yun kaya lang bago ka mataya, dapat hindi ka papakawalan nung makakaabot mo.
Ha? Anu yun parang yayakapin?
Hindi mo naman kelangan yakapin, lalo ka na, mahihirapan kami. Tawanan. Basta dapat kapit na kapit mo yung maaabot mo.
Ah ganun lang ba yun, akala ko naman kung ano. Sige Sige GAME!
******
Wala ka pa ring pinagbago Jelly, ang bigat mo pa rin! Parang nadurog yata paa ko. Pero ok lang natunaw naman ang puso ko nung makita kita.
Kaeleb? Ikaw ba yan? Yun lang ang tangi kong naitugon sa lalaking nakayakap sa akin kanina.
Itutuloy...
Itutuloy...
Subscribe to:
Posts (Atom)