"Ano bang ginagawa mo dito, di ba patay ka na?" Paasik na tanong ni Maxene.
"Bakit ikaw ba sa palagay mo buhay pa?"
Nagulat si Maxene sa tinuran kong iyon. Tumalikod siya sa akin at nag-ayos ng ganyang mga gamit "Sana nga patay na lang ako, para pwede kong multuhin yung gagong nakasagasa sa'yo. Akala mo ba madali lang sa'king tanggapin na wala ka na? Ikaw kaya ang lumugar sa sitwasyon ko...."
Sabay harap niya sa akin. "Sabagay paano mo pa nga ba yun magagawa e inunahan mo na ko."
"Hindi kita inunahan. Hndi ko naman alam na mangyayari sa akin yun. I'm sorry, Maxene."
"Sorry Jerry. Mahirap lang kasi..."
Tinangka ko siyang yakapin subalit lumayo siya sa akin.
"Ang hirap.. ang hirap mong pakawalan. Para akong baterya na laging bagong bili nung nandito ka. Pero nung mawala ka, naubusan ako ng lakas. Bigla akong nadrain, nawalan ng buhay."
"Hindi lang ako ang tao Maxene. May mga taong gustong magbigay ng pagmamahal sa'yo pero sinarhan mo yung puso mo sa kanila."
"Ikaw lang ang gusto ko Jerry. Ikaw lang..."
Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng kanyang gamit. Alam ko kung anong iniisip niya. Ramdam ko rin ang galit na namumuo sa kanya.
"Patawarin mo na siya Maxene."
"Hindi." Matigas niyang tugon.
"Pero ikaw lang ang napapagod. Hindi mo na siya makikita. Alam kong pinagsisisihan niya ang nangyari. Wala nang sense para habul-habulin mo pa siya. Just let it go para matahimik ka na. Matahimik na tayo. "
Simula kasi ng maaksidente ako sa lugar na iyon, palagi nang dumadayo doon si Maxene para abangan ang driver ng truck na nakasagasa sa akin. Maghapon siya doong naghihintay. Kahit alam niyang imposible, nagbabakasakali siyang mapapagbayad niya ang driver sa nagawa nitong kasalanan. Minsan, sinasamahan na siya ng kanyang mga magulang at kapatid dahil nag-aalala na ang mga ito sa kanya.
"Makikita ko din siya, pinapangako ko sa'yo Jerry. Hindi ako titigil."
"Tama na Maxene, marami nang nasasaktan..."
"Naiintindihan ako nila mama..."
"Hindi sila Maxene. Yung iba... Tanggapin mo na...."
Lumayo si Maxene sa akin. Iniba niya ang usapan.
"Nakita mo ba yung bag ko? Yung niregalo mo sa akin? Bakit wala na naman dito? Lagi na lang nawawala? Tulungan mo naman akong maghanap tutal nandito ka na. Asan na ba kasi yun?" Nagsimulang humikbi si Maxene.
" Huwag ka nang umiyak. Makikita mo din yun. Alalahanin mo."
Ngunit ang mga hikbi niya'y naging hagulhol. Palakas ng palakas. Gusto kong ngumiti subalit nakadama rin ako ng pagkalungkot. Alam na niya sa wakas.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mariin ko siyang niyakap at kinulong sa aking mga bisig. Mas lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak. Ilang minuto rin tumagal na nasa ganung posisyon kami. Maya maya pa'y tumingin si Maxene sa akin.
"Kaya ka ba nandito?"
Matipid na ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya.
Napaidlip si Maxene habang naghihintay sa daan kasama ang kanyang pamilya. Ngunit hindi na siya nagising sa pagkakatulog niyang iyon. Sabi nila, bangungot daw. Sanhi marahil ng sobrang kalungkutan at stress sa aking pagkawala. Ang bag na hinahanap niya ay naiwan na doon ng kanyang pamilya dahil isinugod na siya agad sa hospital.
Ilang araw lang ang nakakalipas ay nagkaroon ng sunod-sunod na aksidente sa lugar kung saan kami namatay. Kahit pala sa kamatayan ay hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap. Kaya naman binigyan ako ng pagkakataon na muli siyang makausap para tuluyan na siyang lumaya, maliwanagan at sumama na sa akin papunta sa paraiso.
"Patay na ba talaga ako?"
"Oo Maxene at kailangan mo nang lisanin ang mundong ito. Pero hindi mo ito magagawa hangga't dala dala mo pa rin ang galit diyan sa puso mo. Kailangan mo nang lumimot at magpatawad. Tanggapin na hanggang dun na lang talaga ang buhay na ipinahiram sa akin, sa atin."
"Mapapatawad mo ba ako kung hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagkawala mo Jerry?"
"Ipanatag mo na ang iyong kalooban, hindi kita sinisisi sa nangyari sa akin at hindi rin kita inoobliga na hanapin ang may sala. Ang ginusto ko lang naman nung mawala ako ay mapuno muli ng pagmamahal ang iyong puso at magsimula ang panibagong yugto ng iyong buhay."
"Subalit hindi naman ganun ang ginawa ko. Sa palagay mo, mapapatawad Niya kaya ako sa ginawa ko sa aking buhay?"
"Matagal ka na Niyang pinatawad Maxene. Kaya nga Niya ako pinadala para sunduin ka. Naghihintay na Siya sa pagababalik mo sa kanyang tabi. Iwanan mo na ang mga bagay at pakiramdam na nakakapagpahirap sa iyo. Palayain mo na ang iyong sarili."
Humigpit ang yakap sa akin ni Maxene. Mula sa isang sulok ng kanyang kwarto ay sumilay ang liwanag. Tuluyan na akong napangiti. Handa na siya.
ayyy...mumu na pala sila pareho..sad naman..
ReplyDeletemay mga bagay talagang sadyang kay hirap bitawan lalo na kung ito ang nakasakit sayo at sanhi ng iyong pagdurusa...
madaling magpatawad at humingi ng sorry pero mahirap makalimot..
mga patay na hnd pa nakakapunta sa langit, dahil may naiwan sa lupa na sama ng loob, para daw kasi mapunta sa langit kailangan patawarin mo ang nagkasala sayo, minsan din kasi mahirap ibigay yon..
ReplyDeleteastig naman!!! ang ganda ng storya. share ko to sa office mates ko ah
ReplyDeleteNICE POST! YOU SHOULD WRITE MORE STORIES LIKE THIS! KUDOS! LELS
Ayy. Eh nagmultuhan ang multo sa kapwa multo. Haha. Joke lang. See? Ikaw naa! Idol ka talaga. Di ko kayang magisip ng ganto. Nakakabilib lang baga.
ReplyDeleteNagskip read yan si kuya Bino hehehe
ReplyDeleteAng sipag lumikha ng kwento ni ate madz :)
OMG! Nagpakamatay si Maxene?
ReplyDeletebwahahahahahahaha
ReplyDelete-kiki
creative writing. da best!
ReplyDeletethis is so good madz. sana marami ka pang ganitong maisulat. very creative.
minsan, apoy na sumusunog sa atin ang paghahangad ng hustisya at makapag higanti. napapaso tayo. mahirap lumimot, mahirap magpatawad. pero i think its all we can do or we'll just end up dead like maxine.
syet. ong gondo ate. medyo kinilabutan ako. =P
ReplyDelete