Tuesday, May 17, 2011

Patintero


Abot!

Mabilis na pumulupot sa akin ang mga bisig ng lalaki. Pinilit kong kumawala sa kanyang mga yakap subalit lalong humigpit ang kapit niya sa akin. Pakiramdam ko wala na siyang balak pakawalan ako kaya ang tanging naisip ko na lang ay tapakan ang mga paa niya.

Araaaaaay!!

Aktong sasampalin ko na ang walanghiyang lumapastangan sa aking katawan ng bigla kong maalala ang isang kababata.

******

Tara tara, patintero tayo! Tawag ni KM sa mga kalaro ko. Mabilis naman akong tumakbo papalapit sa kanya kahit pa nga hinihingal na ko sa ginagawa ko.


Hoy saglit, pasali rin ako. 

Sasali raw si Jelly oh. Patawang tugon ng isa naming kalaro.

Huwag ka na. Ang bagal bagal mong tumakbo eh. Sabat ni KM sabay bulong ng ang taba taba kasi. 

E anong gagawin ko, kinuha mo mga kalaro ko tapos ngayon ayaw mo kong isali. Ang daya mo.


Paiyak na akong tumalikod sa kanila. Nararamdaman ko na ring ang pagtaas-baba ng aking mga balikat.  Nakakaasar talaga ‘tong si KM, palagi na lang napansin yung katawan ko. Akala mo naman eh napakagwapo.


Sandali…

Anu yun? Hindi pa rin ako humaharap sa kanila.


Sige na sumali ka na. Basta wag tayong magkakampi ha. 

Mapipili mo ba yun?

Basta…. Tsaka payag naman sila e.


Pinunasan ko ang aking luha at muling humarap sa kanila. Sige, game!

Rumpihan ha.

Sige sige! Sigaw na sagot ng aming mga kalaro.

Anong rumpihan? Bago yun ah!

Matagal na kaya yun Jelly. Palibhasa kasi..

Oo na, oo na ipaliwanag niyo na lang kung pano yun

Patintero rin yun kaya lang bago ka mataya, dapat hindi ka papakawalan nung makakaabot mo.

Ha? Anu yun parang yayakapin?

Hindi mo naman kelangan yakapin, lalo ka na, mahihirapan kami. Tawanan.  Basta dapat kapit na kapit mo yung maaabot mo.

Ah ganun lang ba yun, akala ko naman kung ano. Sige Sige GAME!

******

Wala ka pa ring pinagbago Jelly, ang bigat mo pa rin! Parang nadurog yata paa ko. Pero ok lang natunaw naman ang puso ko nung makita kita.

Kaeleb? Ikaw ba yan? Yun lang ang tangi kong naitugon sa lalaking nakayakap sa akin kanina.







 Itutuloy...

11 comments:

  1. dama ko ang hinanakit ni jelly nung kabataan nya. ramdam ko un sa panahon ngayon hahaha eh kasi naman ngayon ako kasing lapad ng drum. nugn kabataan ko, slim ako.. hard to believe but its true. hahaha

    ang patintero.. reading ur posts... brings back memories.. mga alaalang naimbak.. biglang nagbalik..

    kelan ang kasunod?hehehe

    ReplyDelete
  2. wow gumanda si Jelly. lols. pero mabigat pa din. hehe.

    ReplyDelete
  3. hays patintero, maraming naiwang ala-ala sa akin…

    ReplyDelete
  4. sumeksi si Jelly??????? mali mali mali.... mataba pa rin siya... ndurog kamo ang paa e... Lol



    empi

    ReplyDelete
  5. alam ko ung patintero na version na yan hehehe. cute kaya ang chubby :D

    ReplyDelete
  6. Ooohh.. Nangangabog na ngayon si Jelly? Haha. So kabod siyang umaakap? Bakit nga di siya tatapakan? Pambihira. HAHA.

    ReplyDelete
  7. ano kaya ang bumigat kay Jelly? feeling ko pumayat sya pero sexy at may mabigat na... ahahah.

    Mukang maganda laro sa patintero yung rampulan. ahahahah.

    ReplyDelete
  8. heksayted ako sa mangyayari!

    sana, happy ending!

    ReplyDelete
  9. uso sa probinsya namin ang patintero, lalo na kapag maliwanag ang buwan, ang sarap lalo na kapag nakayakap ka sa crush mo.

    lels

    ReplyDelete
  10. nakakamiss magpatintero.naalaala ko kabataan ko...

    galing nang pagkakasulat..

    tumbling mode sa part 2...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design