Wednesday, May 18, 2011

Bloghop

Madalas kapag nasa bahay ako at walang access sa PC tanging mobile phone lang ang nakakaramay ko para maging updated pa rin sa nangyayari sa blogworld. At dahil hindi naman ganun kabilis ang internet sa phone kong umaasa lang sa tricks, nakasanayan ko nang diretsong ilagay sa address bar (sori di ko po alam ang tamang term) ang URL ng mga blog na nagpapaligaya sa akin tuwing ako'y nalulumbay LOL Ito ang mga blogs na masasabi kong "i know by heart" :







Kapag nasa opisina naman, bukod sa pagtingin sa blogroll nakaugalian ko na ring magbloghop base sa history ng aking browser. Mag-eenter lang ako ng isang salita at presto! Isang click na lang andun na ako sa bahay nila. Ito ang ilan sa mga "keyword blogs" na aking binabasa:















Ilan lang ito sa mga blogs na pumupuno sa oras ko sa araw- araw lalo na kapag pumepetiks mode ako. Napapatawa, napapangiwi, napapaluha at kung anu-ano pang emosyon ang pinalalabas niyo sa akin. Tumatalino na nga yata ako dahil sa inyo. I thank you Bow!

Kung hindi ka kasama dito, wag ka nang magtampo. Sadyang meron lang talaga na blogs na  hindi ako tinatamad balik-balikan at hindi nakakalimutan  *wink* *wink* :) 

Malamang sa alamang eh pumupunta rin ako o napapadaan sa kuta mo lalo na kung mahilig kang magkomento dito sa pinagsususulat ko. O pwede rin namang naka-add ka sa blogroll ko o sa blogroll ng mga taong nabanggit ko sa itaas. Hindi ito palusot.com lang. Believe me. Hanapin mo lang sa locator mo o sa feed yung taga-Balagtas Bulacan (kahit  nasa Antipolo naman ako) at siguradong ako yun. :D Happy Bloghopping sa'yo :)


17 comments:

  1. yown oh. nahawakan (natats) naman ako dito at tumaba lalo ako este ang aking puso. lol. nakakatuwang isipin na kahit walang kawenta wenta ang mga post ko ay may nagbabasa pa din.

    kaw ng ang may favoritism... haha. joke lang.

    e bat nga pala ang mananabas ng damo dito? nyahaha. piz!

    ReplyDelete
  2. yehey andito ako. you know me by heart. hahahahaha

    -kiki

    ReplyDelete
  3. Katulad ngayon, wala kang magawa, nakatatlong post ka.

    ahahahaha.

    Ako di ko kayang magpost ng mahigit sa isa pa. Masuwerte na na may isa sa isang linggo.

    May mga binabasa ako sa mga sites na binabasa mo.

    Naka-google reader ako. Turo ni Mama Salbehe

    ReplyDelete
  4. wow.. napasama pa ba naman oh.. hehe.. lam mo, ikaw ang isa sa mga blogger na tinatago ko sa puso ko. syet.

    ReplyDelete
  5. i know by heart talaga.... parang titulo lang ng kanta. hehehe



    empi

    ReplyDelete
  6. wow! galing naman that you know them by heart!

    ReplyDelete
  7. Thank you!!! Mag-Google Reader ka Madz, mas madaling magbloghop! :D

    ReplyDelete
  8. Aww.. Natats din me, kasama pala ako. Hihi. Salamat Ate. :) Madami akong kabisadong blog pero tinatamad akong magtype kaya pindot na lang ako sa Blogroll ko. Haha. Thank you Ate. :)

    ReplyDelete
  9. how sweet! Teka taga Balagtas ka lang ba? saan sa balagtas? borol 2nd lang ako...

    ReplyDelete
  10. wee kasama si mots :))) ahaha thank yowww

    ReplyDelete
  11. natatz naman ako! natatz ng bongga ung mga bilbil ko here and there. mygawd! hahahaha

    labya madzz....

    ReplyDelete
  12. tnx :D nasama name ng bahay ko :angel

    ReplyDelete
  13. wow sikat ako! :D

    salamat ate! :P


    rainbow

    ReplyDelete
  14. andito pala ako??? hamo ka nga naman!! hampasibol!

    ikaw din... i know you... by art! hahahaha!

    ibang lebel ka men!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design