Pages

Saturday, May 7, 2011

Naalala niyo pa ba?

- ang unang araw na nalasing ako? Habang nakahiga ay iniinterview niyo ako sa nangyari habang ako naman ay gusto na lang lumubog sa aking higaan dahil relaks na relaks kayo.

- kapag hindi ako kumakain ng ulam, pinaghihimay niyo ako ng isda, hipon o kaya naman alimango? Alam na alam niyo kasi na hindi ako mahilig sa mga mabubusising kainin na ulam.

- kapag nakikita mo akong nakamungot at hindi mo ako tinitigilan hanggang hindi mo nalalaman kung bakit ganun ang mukha ko ?

- nung hindi niyo na ako pinaglalaba ng damit kasi nagkatampuhan tayo?

- nung andun tayo sa kwartong 'yon at sinabi mong wag kitang iwan pero iniwan pa rin kita? (kailangan po kasi eh, di ba naiintindihan niyo naman ngayon?)

- kapag kayo ang nagpapatay ng ilaw at radyo sa kwarto kasi nakakatulugan ko palagi sa gabi?

-kapag nagluluto tayo at nagagalit kayo kasi ang kalat namin sa kitchen (actually sa lahat naman ng parte ng bahay, super neat freak niyo po kasi :) )

-nung nagtatakbo tayo palabas ng bahay buhat buhat si moesha  kasi pineste yung bahay natin? Kinabukasan tawag agad sa anay exterminator.

-nung sasagutin niyo na lahat ng gastos sa pinlano naming kasal, matuloy lang?

- at nung maghiwalay kami ikaw ang umalo sa akin?

- kapag umaakyat kayo sa kwarto sa gabi  at hinahaplos mo ang buhok ko with matching yakap (nagigising po ako nun :D )?

- kapag tinatahi niyo yung laylayan ng palda ko tuwing natatastas nung highschool at college?

-kapag naabutan kita sa sofa na nakahiga at nanonood ng teledrama sa hapon? Di ba lagi kong inaangat ang mga paa mo at ipinapatong sa binti ko? Naglalambing po ako nun, hindi lang halata. hehe

-nung nagkasosyo tayo sa babuyan? Kahit po hindi natin yun napalago, alam niyo po bang proud na proud ako nun sa sarili ko kasi kahit kapirangot lang ang sweldo ko e nakapagpundar ako ng ganun.

- tuwing pinagbubuksan niyo ako ng pinto dis oras ng gabi o kaya naman sa madaling araw kasi galing ako sa galaan?

-  kapag hindi ako nagbabayad ng kinukuha kong food sa tindahan natin dati?

- nung nagpalinya kayo kasi gusto kong magkaroon ng bagong cellphone?

- kapag lagi akong sumisigaw sa loob ng banyo kasi ang dami kong nalilimutang dalhin?

- nung binigyan niyo ako ng pamasahe papunta sa Bohol para makita ko sa wakas si papa at para rin mabawasan yung lungkot na nararamdaman ko nung time na yun?

-kapag kinakapos ako at pinapadalhan niyo ako ng cash right away at wala ng tanong tanong pa?

- nung tinext ko kayo kasi nagtaka ako kung bakit hindi kayo tumawag nung isang weekend (sanay na po kasi ako :D )?

- tuwing nagvivideo chat po tayo at natatawa kayo everytime nagmamake-face ako at sinasabihan niyo kaming mataba (nagsalita ang hindi  hehe)? 


Hay mama napakarami pa po nito pero hindi ko na maisulat kasi hindi na kinakaya ng puso ko, alam niyo naman na sobrang iyakin ko di ba? Sana po natatandaan niyo pa ang lahat ng ito kasi ako, nakatatak na po ang lahat na yan sakin. Nakatatak na po kung papaano niyo ang minahal, hinulma at tinanggap bilang isang tao at isang anak.

Salamat po sa lahat. Sa mga pangit at magagandang alaala na pinagsaluhan natin. Dahil doon, naging matatag tayo at mas lalong naging close sa isa't isa. Alam ko po na sa bawat pagkakamaling nagagawa ko, bago pa man ako magsorry ay napapatawad na ninyo ako. Napakaswerte ko po talaga na kayo ang binigay ng Diyos para maging mama ko.

Ma, happy mother's day po. Sayang, hindi kita maibibili ng paborito mong daster at sandalyas. Namimiss ko na po kasi yung ngiti niyo tuwing binubuksan niyo ang regalo namin. Dobleng saya po yung nararamdam ko, kasi nakikita kong napapasaya kita.


Mama, namimiss na talaga kitaaaaaaaaaaaaaaaaa.
PAYAKAP NAMAN! :)



Happy Mother's po ulit!
I Love You


at sa isa pang "Nanay" sa pamilya natin:


Happy Mother's Day
Ate Dimple!



Ate, napakaswerte ni Imer sayo bilang kanyang ina. Nakikita ko kung gaano mo siya kamahal at hindi ka nahihiyang ipakita ito sa lahat ng tao. Saludo ako sa'yo! Ikaw naaaaaaaaaaaaa.... hehehe IMY sis!

8 comments:

  1. Awww ang sweet naman nito. Iba talaga ang mga nanay. Happy mother's day sa mga nanay natin

    ReplyDelete
  2. nagkalat ang mga mother's day post sa blogworld ngayon.. actually mula panung isang araw, pero dalawa lang kayong binasahan ko.. iniiwasan ko talaga.. eh kase naman maapektuhan ako.. mararamdaman ko kung ano ung wala ako. nways, naiyak ako sa post mo.. maswerte kayo parehas sa isa't-isa..

    happy mother's day sa mama mo..


    PS:
    nalimutan kong sabihin sayo na naiyak din ako sa text mo nung minsan.. ung super naappreciate ko.. alam mo na un. hindi ko tinext na naiyak ako.. kaya wag na natin pag usapan.. gusto ko lang na alam mo hahahaha...

    ReplyDelete
  3. happy mothers day sa mama mo at sa ate mo. at advance naman para sayo ^_^

    ReplyDelete
  4. tnx sissy! heheheh!! bumili na nga ako kanina ng black forest cake kaso ala na natira. heheeheh!!!

    ReplyDelete
  5. Ang sweet. Ayoko na tuloy gumawa ng mother's day post. Haha. Parang wala akong sense sa naiisip ko. Haha. Happy Mother's day sa mommy at ate mo. :)

    ReplyDelete
  6. Hindi nilabhan ang damit dahil nagkatampuhan? hehehe.. ayos ah!! :P Kinakapos ka at pinapadalhan ka agad ng cash no questions? wow!!! Swirti mo.. yung nanay ko, bibigyan rin ako pero dadaan muna sa isang interview. hihi.. naglalambing lang siguro yun. Toinks!

    Happy MOm's day sa mother at ate mo. :)

    ReplyDelete
  7. hong sweet!!! hehehehe . happy mother's DAY sa lahat ng ina

    ReplyDelete
  8. ang sweet ng nanay mo.

    kapag umaakyat kayo sa kwarto sa gabi at hinahaplos mo ang buhok ko with matching yakap (nagigising po ako nun )?

    :)

    happy mother's day sa mama mo and kay ate dimple!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design