nina: JKulisap, Joey Velunta, EssaPayoyo, Madz at Guest 798
Minsan kami ay naligaw
Madalas kumakain ng langaw.
Sa bahay ng halimaw
Sa usapa'y lahat nakiki-sawsaw.
Akala ko'y ikaw
Iyon pala'y bangaw
Ano kaya itong aking natatanaw
Na kasing laki ng bulalakaw?
Nakaramdam ng pagkaginaw
Habang tanaw ang bulalakaw
At naghintay hanggang madaling araw.
Napaihi ang halimaw sa lakas ng hiyaw.
Pag-ibig mo ba ay nakaw?
Sabihin mo lang dahil balak ko
ng umayaw
Huwag muna ngayon, huwag muna ngayon.. kailangan ko'y ikaw;
Bigyang kulay ang mundo kong minsa'y nagunaw
Puso ko ay malapit nang
matunaw
Sa pag-ibig mong nilulumot at
nilalangaw
Ngunit iipunin ko ang bawat bahagi. aw!
O aking pag-ibig, yakapin mo yaring pusong tigib
Ngunit wag mong isiping ako'y ganid.
Nais ko lamang ikaw ay makapiling
Kahit sa magdamag, yakap mo ang tabing.
Maaari bang dinggin mo ang aking hiling?
Damhin ang pag-ibig kong inihahain.
Sa iyo'y payagang makipag-saliw
Sa musikang pintig ng mga puso natin.
Maaari bang sabay nating ilimbag sa hangin?
Anim man tayo'y iwan ang iba,
Dahit kahit lima o tatlo, tayo'y dal'wa
Humawi ng mundong para sa atin lang dalawa.
Maniwala ka tayo'y iisa na
Iisang bubuo ng bagong bukas
Pinagsanib ang diwa na tiyak mag-iiwan ng bakas.
Umaga, gabi, sa panahong unos mo'y magwakas
Kamalayan nati'y tiyak walang wagas.
Dahil ang ating nais, kapangyariha'y lakas
Hawiin man nila'y hindi mababaklas.
Sa pag-ibig ay magbibigay lunas.
Binubulag mo ako sa salita mong
pangahas
Nais ko tuloy masilayan ang
tunay mong tikas
At sa iyong dunong ay malunod
madalas
Pighati' t kasawian huwag sanang
madanas
Upang kahit saglit, kalungkuta'y
di mamalas.
Humayo, humayo, dala mo'y bukas at ako.
At ako... mananatiling sa'yo.
Sa isa't isa ngayo'y nangangako
Di titiklop o magsasarili ng mundo,
Mananatiling tapat ng taos sa puso,
Damdami'y hindi pipigilang bumugso
Upang sa iba'y ibahagi ang hatid ng bugso.
Kahit anim o lima pa.
Puso mo, puso ko ay iisa.
pa-base
ReplyDeleteWalang masyadong kaibahan sa ibang tula pero unik ito dahil anim ang nagsanib sa hindi sinasadyang pagkakataon.
ReplyDeleteSa literatura, tula ang pinakamahirap na gawain.
Matapang na pagbuo ng tula in 15 minutes or less.
:)
ayos!
ReplyDeleteempi
di ko akalain na ganito pala ito kahaba. parang ang saglit lang nung oras na iyon. Katuwaan lang pero nabuo ang tulang ito.
ReplyDeleteNararapat ngang isulong na ang RH Bill sa kadahilanang maraming nagkakatuwaan. Nagkakatuwaan lang ng madalas kaya madalas may nabubuo rin. wehhhhhhhhh
Cute joined forces hehehe...
ReplyDeletepower of six ha
ReplyDeleteWow. Kumo-collaboration. Haha. At totoo, napakahirap gumawa ng tulang may sense. Kayo naa! :)
ReplyDeleteAng galing.. Minsan sali ko sa ganyang usapan, gusto ko rin kasing makipagsabayan pagdating sa kalokohan.
ReplyDeletekahit usapang bangaw pa yan oh may nakarinig ng hiyaw, oh kahit na bulalakaw at tubig na umaapaw. wala lang. galing. LOL
Sino si Guest 798?
ReplyDeletelufet!
ReplyDeleteang sarap ding magsagutan ng tula minsan, lalo pa't mahuhusay din ang tabas ng dilang pampanulaan ng mga kasabay.
parang makabagong balagtasan lang. nakakatuwa.
hahaha! naaliw ako madzzzzz, ako si 798 umiskapo na ko pagsigaw ni joey ng aw! wala na rin akong maisip na words na nagtatapos sa letter w at inedit mo yan dahil di nakasama yung huling sinabi ko na puro "bakulaw bakulaw! dahil si jakul walang ibang masambit kundi langaw at bakulaw. ang saya rin pala ;)
ReplyDelete