Pages

Wednesday, May 4, 2011

Problemado ka?


Oo.
Pwede mo ba akong samahan?
Saglit lang.
Papalipas lang ng oras.
Magbabakasakali lang.
Makalimot.
Mabura ang lahat.



Tara.
Ticket, popcorn at iced tea.
Mukhang maganda ang palabas
Kaunting tawanan
Kasunod ay katahimikan


Busog.
Masarap ang ulam
Walang katapusan ang rice
Unli din ang kwentuhan


Manhid na.
Pero walang hinto sa paglakad
 Sinusulit ang bawat oras.
Tinitignan ang mga lugar na abot ng tanaw.

 
Problemado ka pa?


Hindi na.
Napuno na kasi ng magagandang alaala.
Napangiti na rin ang malungkot kong mukha.



Saglit.



Pwede ko bang bawiin?
Hindi pala.




Hindi pala nasagot ang aking problema.
Kasi sigurado mamaya 
pag nag-uwian na,
kapag  hindi na kita kasama,
proproblemahin ko na naman kung paano kita muling makikita.



18 comments:

  1. ayon.

    ayon pala...

    eheheh. prinoproblema pala makasama sya...

    :angel

    ReplyDelete
  2. oi oi oi. pomopoem na? lol. gusto ko to ah, lalo na yung panghuling talata. ngaps, anu pala yung password sa blog mo nung nakaraan?

    ReplyDelete
  3. nag-eemo ka na naman dyan..

    gimik na lang tayo pagbalik ko ng manila! hahaha.

    ReplyDelete
  4. nasubukan mo na bang isipin na hindi mo sya naiisip?

    ang gulo noh? pero un na un.. alam ko maiiintindihan mo ung tanong ko..

    sorry.. kalat ang utak.. pakitingnan nga, baka may tumalsik na kapraso jan, kung meron, pakitago muna ha..

    ReplyDelete
  5. Ang ganda ng banat mo ineng.

    Huwag problemahin, maglook forward para sa susunod na pagsasama. :)

    ReplyDelete
  6. ang sakit ng tiyan ko mads. hehehe

    ReplyDelete
  7. Echooosss!!! ayun lang! :D hahaha :e kung makahirit oh! hahaha

    ReplyDelete
  8. naks. parang sumisimple lang sa pagdiskarte. haha

    ReplyDelete
  9. Para muling magkita, eh di magyaya uli sa sinehan bukas :) hehehe

    ReplyDelete
  10. Aww.. Sweet pala yun. Haha. In love, waiting is the sweetest stress. Bigla ko naisip yan. Haha. Ewan ko kung related.

    ReplyDelete
  11. emong emo naman ng tula na to...atleast kahit sa sandaling oras nalimutan mo ang problema..tara iinom natin yan sumama ka amin sa #BOCAUE

    hahahaha

    ReplyDelete
  12. i'm just a txt away lang naman. joke! hehehe. maganda ang pagkakasulat ah. hehehehe

    ReplyDelete
  13. aahhh..yun naman pala ang problema eh.. hehehe.. ang sweet mo ba.. hehe

    ReplyDelete
  14. nice, may twist pala sa ending. :)

    ReplyDelete
  15. napa-:) ako. napa-:( ako.

    mahilig ako sa tula. naka-:$ kapag nakakabasa ako nito at nauunawaan ko ang kahulugan. ngayon, derecho na ako sa comment ko:

    ang masasabi ko lang, 'winter must be cold for those with no warm memories'. hindi natin hawak yung mamaya at bukas. kaya cherish the time that you have together. at habang hinihintay mong muli na magkasama kayo, manatili kang masaya. i think the secret here is to get lost with time. let him feel what you feel and he'll find you. if not, then make good of the time you have.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design