Friday, July 22, 2011

F for FAIL!

Kanina lang eh nagtanghalian kami ni BFF. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nagtanong tungkol sa isang girl group:

BFF: Madz sino nga yung Vanna Vanna?

 Ako: Ah yung kumanta nung sa rejoice dati yung ano... 

"ang sarap ang sarap ng feeling
ang gaan ...."

(Tawanan)

BFF: Ang gaan ang gaan ng feeling! sarap sarap ka jan! (Tumawa ulit siya ng bongga)

So ayun, medyo napahiya na ko dun ha kasi with matching kanta pa ko, feel na feel ng mahaba kong hair.  Akala ko matatapos na dun ang kapalpakan ko. Ba't pa kasi nagsalita pa ko.

Ako: Yung isa dun yun kasama sa grupo nung ano...yung kay Richard Poon din dati... yung NO U TURN!

Syet lang kasi hagalpak na naman siya katatatawa at nakisabay na rin ako dahil U TURN nga lang pala yung name ng grupo.

Hayyyyy ano bang iniisip ko today. FAIL talaga itew!


PAHABOL NA FAIL: Hindi  pala Vanna Vanna ang kumanta nung ang gaan ng feeling, DV8 pala. Bwiset yan, napahamak pa ko.

14 comments:

  1. hahaha. adek ka lang. ako nga di ko kilala lahat ng pangalan na nabanggit. dapat nag sabi ka nalang ng di mo alam. pede naman, kesa nanghula ka. lolz.

    ReplyDelete
  2. Nyahaha!! Fail nga. hehe.. :P

    ReplyDelete
  3. FAIL! Kilala ko yung bandang U-Turn na yun. Nagpapasikat? kasi maganda ang buhok?

    ReplyDelete
  4. FOJ dati yung vanna vanna hehehe

    ReplyDelete
  5. agree sa komento ni bulakbol! hehehe di ko din kilala mga namention!

    ReplyDelete
  6. Tatlong babae ang Vanna Vanna si Alana, Benj and Teri the first vocal trio in the philippines. At tama si sir Bino FOJ ang first name nila. Tapos nung tumagal nung nawala na sila. Si terry, the sxy girl one naging bokalista ng bandang U-Turn kung saan ka member nila si Richard Poon. Ayan na konek ko. :D :D

    ReplyDelete
  7. Yung Vanna Vanna yung kumanta ng "He Loves Me". Yung catchy catchy song.. ahehe.. natawa po ako dito.. May "No U-Turn" Pala.. ahihihi.. :)

    ReplyDelete
  8. Epekto ba yan ng nabagong sirkulasyon ng dugo sa puso?

    Hehehehe

    ReplyDelete
  9. Hahaha. Di ko nagets. Makitawa na lang me. Hahaha. Kasi, di ko kilala yung Vanna Vanna, DV8 din at yung U turn. Hahaha. Kailan ba to?

    ReplyDelete
  10. Nai-imagine kita habang kinakanta ang "ang sarap sarp ng feeling..." Hehehe... Gandang araw! :p

    ReplyDelete
  11. U Turn ang kilala ko, pero yung Vanna Vanna hindi. Epic fail! hahaha :D

    Btw, I am your new follower, hope you will visit my page and follow too :)

    jewelclicks.blogspot.com

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design