Narinig mo?
Oo narinig ko kaya yung mga sinabi mo. Hindi lang ako gumising agad.
Katahimikan.
Teka hindi pa tayo umoorder, ano bang gusto mo? Sumenyas siya sa isang waitress.
Sea food marinara na lang sakin tsaka iced tea.
Makatapos umorder ay nanahimik na muli si Kaeleb.
Wag kang mag-alala, matagal na naman yun. Mga bata ….
Kung alam mo na pala dati, bakit hindi mo ko sinagot nung niligawan na kita nung highschool na tayo?
***
Jelly!!
O Cindy himala, anung atin?
Ang gwapo talaga nung kababata mo. Ano ngang pangalan nun?
Si Kaeleb. Sus kaya pala lumapit.
Kaeleb ba pangalan nun? E sino yung KM?
Pareho lang, Kaeleb Misra kaya KM. Mukhang alam ko na patutunguhan nito.
Ahhhh. Gwapo niya talaga. Gusto ko na siya Jelly. Ipakilala mo naman ako. Di ba sumasabay sa’yo yun pauwi sa inyo? Teka nanliligaw ba yun? Sa’yo?
Napapansin na rin pala nila yung pagsabay sakin ni KM. Mga ilang linggo na rin kasi yun extra pa yung mga pagkain na inaalok niya. Nanliligaw??? Imposible naman yata.
Ah yun ba. Naku bumabawi lang yun paano kasi nung mga bata kami palagi akong inaasar nun. Baka nakonsensiya.
Baka nga. Tsaka I think iba ang type niya. Bagay kami talaga. No offense meant ha Jelly.
Sus ok lang yun. Alam ko naman. Ilakad na lang kita, sakto pauwi na ko. Sasabay yun sigurado.
TALAGA??? Wow ang bait mo talaga Jelly. Sige ha ikaw na ang bahala.. I’ll see you tomorrow. Thanks talaga friend.
Katulad nga ng dati, sumabay si Kaeleb pauwi.
Jelly, gusto mo? Pinagbentahan kasi ako ng kaklase ko hindi ko naman matanggihan.
Ano yan?
Kwintas. Sa’yo na lang.
Ha? Ammm… tinatanong ka nga pala ni Cindy sa’kin.
O bakit daw?
Type ka yata.
Gusto mo ba?
Nung kwintas? Sa kanya mo na lang ibigay yan. Mas bagay yan sa kanya. Bagay pa kayo nun.
OK. Sige sa kanya na lang… Ayaw mo naman pala. Naku nalimutan ko may meeting pala kami sa org. Hindi na kita masasabayan. Ingat ka na lang Jelly.
Ok sige ikaw rin.
Tatawagin ko sana siya dahil feeling ko naooffend ko siya or something pero pinigilan ko na lang yung sarili ko. Ayokong mag-assume baka mamaya mali naman ako.
Jelly!
Paglingon ko ay tumatakbo siya papalapit sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at inilagay sa aking mga palad yung kwintas na inaalok niya kanina.
Sa’yo na lang yan. Remembrance. Akala ko iba ka na. Si Jelly Piggy ka pa rin pala.
Matapos ang eksenang yun, hindi na sumasabay si KM. Pero nagkikita ko pa rin siya kasi nga ako yung naging tulay nilang dalawa. Taga-abot ng ganito, taga-set up ng venue. Mga ganung bagay. Minsan nalilito din ako kung bakit ko yun ginagawa. Para ba mapasaya si Cindy o yung sarili ko.
babalik muna ako sa part one.heheeh
ReplyDeleteakala ko twitter ito hehe
ikaw talaga jelly...bakit mo kasi binebenta pa si iba..eh gusto mo din naman si KM...yan napala mo..
ReplyDeletehehehe nakarelate lang...
Galing Madz!
hihintayin ang kasunod!
True story ba ito? hehe
ReplyDeleteAyy.. Ang artii naman pala kasi ni Jelly. Ayan na nga tuloy. Haha. Kaya pala.
ReplyDeleteyan ang tulay tulay na namna. naku, ang hirap ng ganyan, base sa experience, tsk ayoko ng maging tulay. wahahahaha
ReplyDeletecan't wait for the part 5...
ReplyDeletekaya i-post na yan! (excitedmuch) hehe
:D
Ako ba yung si KAeleb na yan? Totoong buhay? nakakrelatye...LOL
ReplyDeleteAt aabangan naman ang Patintero 5