Monday, July 18, 2011
Read my Lips
Kapag hindi ko na kayang ipaliwanag sa mga letra ang nabubuo kong ideya, humahanap ako ng paraan upang mailabas ito katulad na lamang nung audiopost ko noong minsan. Ngayon naman ay sumubok na naman ako ng panibago.
Nung magpaulan ang langit ng talent, isa ang pagdodrawing sa mga hindi ko nasalo. Malamang napahimbing ang tulog ko nung mga panahon na yun. Sa tagal ng panahon stick figure lang yata ang namaster ko sa larangang ito at minsan hirapan pa ako na maperfect. LOL
Sa pagkukwento mas lalong mahirap pag iba't ibang eksena, kasi ang daming detalye na dapat iconsider at hindi na yun kakayanin ng powers ko. Kaya naman naisip ko na gamitin na lamang ang isang parte ng ating katawan na masasabi kong nagpapakita rin ng emosyon ng isang tao sa mga komiks o illustration, at yun nga ang ating mga labi.
Hindi ko na ito lalagyan ng dialogue. Kayo na ang bahalang magbigay ng istorya sa mga larawan sa itaas. Sabi nga title: Read my lips na lang. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1stPIC: Nagkukwento si Girl, tahimik na nakikinig si guy.
ReplyDelete2ndPIC: Naging malungkot yung kwento, nahawa yung guy. Ramdam nya.
3rdPIC: Bumawi si Girl, nakamove on na sya, pakialam nya sa taong naging masama sa kanya, kaya nangiti si lalaki.
4thPIC: at nagkwentuhan na sila ng masaya.
5thPIC: Yung guy naman ang bumabangka, nakikinig si Girl. Naaaliw sa kwento. Interesado.
LastPIC: At naging sila, habambuhay na puro kwentuhan, (tumanda na si boy, may biogote na)
parang tingin ko lang dito. you wanna grow old with him no matter what are stated in the pictures above.
ReplyDeleteAyokong isipin na may tungkol sa PAG-IBIG ang post na ito. hahaha
ReplyDeleteKumakanta yung babae, at ito ang kinakanta nya: (pasensya na copy paste pero ito talaga nasa utak ko agad nung nakita ko sa mga litrato eh, yung emosyon at buka ng bibig)
nand'yan ka na naman
tinutukso-tukso ang aking puso
ilang ulit na bang
iniiwasan ka di na natuto
sulyap ng 'yong mata
laging nadarama kahit malayo, ooh
nahihirapan na
lalapit-lapit pa di na natuto
isang ngiti mo lang
at ako'y napapaamo
yakapin mong minsan
ay muling magbabalik sa'yo
na walang kalaban-laban
ang puso ko'y tanging iyo lamang
wala akong maisip na sinasabi nong girl at nong boy.. hehe! ung girl parang gnon pa rin, nakasmile lang naman..
ReplyDeleteAng napansin ko lang eh nagkabigote nung huli yung lalaki. Haha. Medyo nafeel ko ang drawing, nakarelate, pero do ko maisalita. Haha
ReplyDeletenahirapan me sa story... clueless ako.
ReplyDeletesaka anhirap basahin ng entry mo unless naka maximize ang window ng browser. hirap basahin pag andito sa opis.
matagal na nagmamahalan ang dalawa na itech, kasi sa end may bigote na si guy..LOL
ReplyDeleteito convi nila.
Girl: meeeooww
Boy: awwmmhh...
Girl: meoowwwwrrrkkk
Boy: aarrrrffff....aaffff
Girl: ngiowwwwww
Boy: rawwwwwrrrrrr
sa private ko na lang saabihin ang nabuo ko'ng kwento hahahah. at hindi rin ako marunong magdrawing
ReplyDeletetingin ko..nagsisimulang manligaw si lalaki at nagpapaligaw naman si babae..
ReplyDeletesa huli...
sila na..
ayiiiiiiiii
I'm so kilegggggggggggg. I'm so tween.
ReplyDeleteHaylabit.
yung babae may hawig sa isang blogger na nagpost ng pic na bagong kulot.
ReplyDeletetapos yung lalaki kahawig din ng isa pang blogger :)
alam na mads!
mmm... ang setting ba nito ay sa isang resto sa MOA na kilala sa sarap to the bones na chicken at ngayon ay may on going promo na chicken all you can?
ReplyDeletemagandang commercial ito ng Max's, growing old with the chicken!
love is in the air!
Asteeeeg! :D \m/
ReplyDeleteTalagang nagkabigote iyong lalake sa huli?? LOL. Hanggang ngayon, inggit lang mey sa blogger theme mo!! :D:D:D:D:DD:D:D:D
ReplyDeletenakabuo na agad ako ng kwento. hahahahahaha.. pero sa isip ko lang.. read my mind na lang mads
ReplyDeleteKamukha ni Jakul yung lalake sa drawing. Hulaan ko, bakla din yan! :)
ReplyDeletePangiti-ngiti lang yung babae at parang hinahayaan lang yung lalake sa anumang kwento meron siya. Hindi naman talaga siya nakikinig. Sa iba nakatingin yung babae, naglalakbay ang isip.
ReplyDeleteAt yung pangiti-ngiti ng babae walang direktang kinalaman sa lalake. LOL
Di din ako marunong magdrawing eh. Wala akong talent sa arts and music.
ReplyDeleteBasta alam ko lang ako ang may digicam lels!
Sana may call outs na lang yung mga drawing para sa script. xD
hahaha magulo utak ko.. wala akong masabi... hahaha.. baka ano pa matype ko.. hehehe
ReplyDelete