Saturday, July 9, 2011

Patintero (5) Ending



So nanliligaw ka pala talaga nun. Malay ko ba, wala ka namang sinasabi.

Ang gulo niyo talagang mga babae. Pag sinasabi namin, sasabihin niyo gawin na lang. Pero pag ginagawa naman namin, gusto niyo sasabihin. San ba talaga kami lulugar? Haha Babae talaga…

Well for me, I needed confirmation. I was so insecured that time. Alam mo na.. the Piggy thing.

But you were beautiful then… actually until now. Ni hindi ko naramdaman yun sa’yo not until ipilit mo nga sakin si Cindy.

Magaling lang talaga akong magtago. Hahaha

Siguro nga.

So what happened to you and Cindy?

I guess we tried. I gave everything she wanted. I loved her, I guess. Kaya lang naging maluwag ako sa relasyon namin, thinking that yun yung gusto niya. Mali pala ako.Akala niya  i didn't care for her kaya hindi ko siya nirerendahan. We stayed that way na hindi yun napapag-usapan. Nakatagal kami ng ilang taon, then she slipped away. Nagsawa siya sa akin. The End.

Ni hindi mo tinry makipagbalikan?

Nagising na rin kasi ako eh.

Nagising saan?

Na niloloko ko lang yung sarili ko pag nakipagbalikan pa ako sa kanya. Kasi it was never her that I wanted in the first place. It was always you. Kaya lang nasaktan ako nung ipilit mo ako sa kanya. So I gave in. Parang parusa ko sa’yo. Ang yabang no? Ayun ako pala mapaparusahan sa huli.

Katahimikan. Kasabay nito ay dumating na ang aming inorder. Tahimik kaming kumain na tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang iimik. Sa wakas ay nagsalita din si Kaeleb.

So san ka nagpunta? Bigla ka na lang nawala after graduation nung college?

Job offer sa ibang lugar. Ayun tinanggap ko na rin kasi kailangan ko na nun magkawork for my family. You could say it was a blessing in disguise, dami kasing nagbago sakin. In a positive way ha, kasi nakuha ko yung self confidence na wala ako noon. Di na ko yung Jelly piggy na dati mong inaasar. Haha  Change of scene lang pala kelangan ko. Ayun, ngayon improving na. It was the best decision that I've ever made. Bumalik lang ako ngayon kasi naglambing si nanay. Tagal ko na rin kasing nawala.

Parang hindi ka naman nagbago eh. Ikaw pa rin yan.

Is that a compliment or nang-aasar ka na naman?

What do you think?

Coming from you, parang hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Dalawa lagi ang anyo mo sa’kin eh. Isang nang-aasar at yung isa… Oh never mind.

Akala mo lang iba pero pareho lang yun…. Pareho kang mahal nun.

Hahaha Kelan ka pa natutong bumanat ng ganyan? Sabagay, mga bata pa tayo nun. Marami adjustments and insecurities na hinarap at nalagpasan. Those were the days.

Yah. Those were the days.

Maya-maya pa ay tumingin na ako sa aking orasan senyales na kailangan ko na ring umalis.

May lakad ka?

Imimeet ko yung kaibigan ko this afternoon eh. Medyo malayo yung meeting place so aagap na rin ako sa biyahe.

Sige sige. Bayaran ko muna ‘to then we’ll go.

Ok sige, wait lang c.r. lang ako.


Naglalakad na kami sa labas nang mapansin ko yung dala niya.

Pasalubong?

Yup.

Para kanino?

Someone special. 

Do I know her?

Yup.

Hala may bago na pala, bakit hindi mo sinabi na may nag-aantay na pala sa'yo, ang tagal pa naman natin kumain. Ikamusta mo na lang ako sa kanya. O siya paano, tataxi na ko ha. Mahirap nang malate.Nice seeing you again Kaeleb.Thanks for the lunch!

Aktong bubuksan ko na yung pinto ng taxi ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.

Jelly, para sa’yo nga pala. Nakita ko lang dun sa resto, I'm sure magugustuhan mo yan.  Ingat ka ha. I’ll be seeing you again. Right??

Napatingin na lang ako sa kanya. Nakita ko na naman yung nakakunot at parang naguguluhan na mukha. Nginitian ko na lang ulit siya. Katulad nung ngiti ko nung mga bata pa kami. Nung malaman kong mahal niya pala ako. At bago pa ako tuluyan sumukay sa taxi ay nasabi ko na lang sa kanya:

See you tomorrow Kaeleb. Don’t worry  hindi ka tatagain ng tatay ko. :D


7 comments:

  1. yun na ung ending madz? parang gusto ko pang ending 2... ahaha, cute love story sana may ganun ding labstori ang mga ibang babae... (ako rin, ehehe)

    ang galing :D

    ReplyDelete
  2. Bitin! Anu na nangyari?
    malamang may book 2?

    ReplyDelete
  3. magaling to lola, may kiliti sa puso, nakakakuryente ang love story nila..ramdam ko..hehe

    ReplyDelete
  4. ay happy ending! hehehehe. kilig much ah hehehehe

    ReplyDelete
  5. parang nabitin ako, wala man laang tukaan ay. ay yano yan. dagdagi

    ReplyDelete
  6. Bitin nga. Haha. Pero nagandahan ako. Ang galing.. Haha. At least happy ending.

    ReplyDelete
  7. nyahahaha. edi siya na ang may pasalabong. lol.

    e nasaan nga ba ang tukaan na hinahanap ni ser jkul?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design