Share ko lang yung nangyari last weekend nung nagcelebrate ako ng birthday ko sa amin. Salamat nga pala sa mga nagpadala ng picgreet at mga bumati sa Fb, Twitter at sa text. Enjoy! :D
Eto nga pala yung gift sakin ng tropa nung birthday ko, actually hindi ko na po matandaan yang eksena na yan. Shaks na lambanog yan, panira ng buhay! LOL
At nagpavideo talaga ko sa ate ko habang kumakanta :))
Salamat po ulit sa nakicelebrate sa birthday ko. Kitakits po ulit next year! ^_^
Tuesday, September 27, 2011
Birthday Post ^_^
Sunday, September 25, 2011
Pasabook (7) RESULT
Good aftie guys! Pasensya na kung medyo late na ang pagpopost ko nitong resulta ng panalo kasi may hangover pa lola niyo. Iklian ko na lang po ito at ako'y matutulog pa :))
Ito po yung list ng sumali.
At ito naman ang napili ni random.org na manalo :)
Congrats ser Gasdude! Ipadala mo na lang po yung mailing address mo dito : hartlesschiq@gmail.com. Antayin ko po muna yung shirt mula sa mgaepal.com bago ko maipadala yung book :)
Salamat po sa mga sumali! Abangan po ang kasunod na pasabook next month!
Friday, September 23, 2011
Wednesday, September 21, 2011
Pasabook (7) CLOSED
Isa na namang akda ni Paulo Coelho ang ipapasa ko ngayong buwan. Matagal ko nang gustong basahin ang librong ito at marahil isa ka na sa nakabasa nito. Pero ewan ko ba ilang beses na kong nakapasok sa bookstore pero paglabas ay ibang libro lagi ang bitbit ko. Naisip ko na lang siguro nga di pa time.
Nung dumating ang time na yun, pagpasok ko pa lang sa NBS ay ito agad ang hinanap ko at dumiretso na sa counter para magbayad. Oo ganito ako kaimpulsive, pag gusto ko ang isang bagay at hindi ko na maimagine ang sarili ko na hindi siya naiuuwi, gagawin ko talaga lahat para iyon ay makuha. Kasi palagay ko, ito na yung sign na para sa akin talaga ito.
Isang upuan lang ay natapos ko agad ang itong basahin. Alam mo ba yung feeling na parang kasama ka sa istorya, na isa ka sa mga karakter ng kwentong binabasa mo? Ganun ang naging pakiramdam ko dito. Sobrang apektado ako bagamat nakutuban na ako sa totoong kwento ay hindi ko tinigilan ang pagbabasa dahil naniniwala rin naman ako sa gustong ipahiwatig ng akda.
So ayun, after ng mahabang intro gusto ko kayong ipakilala kay Veronika
Akala mo yan lang?
Magbasa ka pa kasi may ibibigay pa kong isa. :D
Marami na namang blessing ang dumating sa akin ngayong buwan. Katulad na lang nang pagpapaalala sa akin ng isang kaopisina tungkol sa paglabas ng t-shirt ng mgaepal.com. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at nagmessage agad sa kanila.
Hindi ko pa nakukuha yung shirt pero umasa ka na kung ikaw ang mananalo ay makukuha mo ito. Kaya lang, pasensya na sa size ha, malamang large ang mapapunta sayo. Feeling sexy na naman kasi ako. buhahahahaha
So ayun, icocopy paste ko lang kung papano ka makakasali.
4. Hanggang September 24, 2011, 11:59PM lang po na mga comments ang kasali sa pipiliin ni random.org.
Monday, September 19, 2011
Gusto ko paglaki ko (Update)
Last week, binigyan ako ni isang opismate ng video ng The Secret, kasi nagkaron kami one time ng discussion about work at yung gustong kong mangyari sa buhay ko. Sabi niya, marami daw akong matututunan dun, so ako naman sige lipat mo sa pc ko.
After kong mapanood isa lang agad ang naisip ko. Iupdate yung post ko last year about sa mga gusto kong makamit o magawa, parang bucket list lang. So eto gusto ko lang i-share kasi natuwa lang ako nung marami na kong nacross out sa kanila :)
1.Magcartwheel
2. Magdrive
3. Wall climbing, zipline etc. basta yung parang adventure camp.
4.
Hindi ko alam kung counted yung sinakyan namin ni SOB sa Star City pero achievement na yun on may part kasi first time kong sumakay sa ganun. Pasensya naman nalimutan ko yung name nung ride LOL.
5. Mag-enroll sa dance class
6. Learn a foreign language
7. Malasing
8.
Yep, nitong taon lang nagstart kami ng isang kaopisina na tumakbo sa Marikina Sports Complex every TTH pagkatapos namin sa work. 15 na ikot na ang nagagawa namin at feeling ko pagkatapos nun eh napakaraming taba na ang nawala sa katawan ko. :D
9. Makapagluto ng dinuguan
10. Mag make-up
11. Makicrash sa isang party
12. Skinny dipping
13.
Wala naman akong sinabi na permanent di ba, so counted na 'to :P
14.
Dahil hindi na ako nakakain dito hanggang sa sila'y magsara ginawa ko itong example para lagi kong isipin na kung may gusto ako either bagay o kainan na lugar dapat gawin ko lahat para matupad yung gusto ko or else, maraming "what if" lang ang maiipon sa isip ko.
15.
Hmmm 50% pa lang 'to kasi hindi pa ko marunong PERO nung uwi ko sa Bohol last year ay pinama na sakin ni papa yung gitara niya. So ako na lang talaga ang inaantay na mag-aral. :)
16. Gumawa ng fondant cake
17.
Dahil gusto ko talagang magpasweet at magmukhang dalaga, eh nagstart na akong maghanap ng mga dress/bestida kapag namimili ako ng damit at ito talaga ang una kong hinahanap.
18. Magpatattoo
19. Umakyat sa Mt. Banahaw
20. Kumanta kasama ng band.
21. Mag-alaga ng hayop
22.
Hmmm, may opportunity po na dumating para makasama ko na si Mama sa wakas at sana po ay matuloy na. Pagpray natin ha!
23. Maligawan
24. Get married and have kids
O di ba, 8 out of 24 ay nagkaroon na nang katuparan. Not bad di ba? :D At dahil diyan gusto ko pang dagdagan ng isa ang list na ito, para machallenge pa ko ng 99%.
25. Makapagpublish ng book.
Puro mga kwento din ang laman nito at wala akong pakialam kahit pa maging romance pocketbook ang kalabasan. Ang mahalaga makita ko yung pangalan ko (sige pen name pwede na) sa book na binibili ng iba. :D
********
Salamat nga pala dun sa mga nagpadala na nang picgreet para sa nalalapit kong kaarawan at dun sa mga *ehem* *ehem* gusto pang magbigay, send niyo lang dito : hartlesschiq@gmail.com. Malugod ko yang tatanggapin with matching kiss pa! :k LOL
Friday, September 16, 2011
Pipo (2)
Nahimasmasan na ako sa pag-iyak. Hindi ko mapaniwalaan. Paanong nangyari yun?
Hindi mo binuksan si Pipo?
Naupo kami ni Erik sa may hagdan sa may pinto. Katulad dati, noong nanliligaw pa lang siya.
Hindi, kasi akala ko babalikan mo pa siya. Di ba binilin mo na wag kong sisirain? Kaya ayun, hindi ko na binuksan tapos hindi ko na siya nabanggit sa'yo, nakalimutan ko na siguro kasi nakatutok na ko sa'yo.
Eh di ibig sabihin, mahal mo talaga ako?
Bakit ba nagdodoubt ka sa nararamdaman ko sa'yo?
Kasi si Pipo... kasi akala ko... akala ko...
******
Matagal na kong may gusto sa kanya. Dati kasi sinasama ako ni kuya sa dati niyang tinutuluyan at sa tapat nito ay ang boarding house ng lalaking nakita ko. Kahit wala naman akong ginagawa ay hindi ko pinapalagpas ang chance na makita ko siya. Para tuloy minsan gusto ko na lang maging unggoy para makalambitin ako sa mga kable ng kuryente at makita siya ng malapitan ng hindi niya nalalaman.
Pagkakita ko pa lang sa mall kay Pipo ay hindi na ko nagdalawang-isip na siya'y bilhin. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ito sa kanya. Parang magkasama lang kami palagi di ba.
Erik!
Akala ko hindi niya ako maririnig kaya naman nung nilingon niya ako ay sobra ang naging kaba ko.
Para sa'yo nga pala. Si Pipo, alagaan mo siya ha! Wag mong sisirain. Salamat!
Dali-dali akong tumakbo papalayo sa kanya at sakto dahil pauwi na rin kami ni kuya.
Akala ko hindi ko na siya makikita. Laking gulat ko na lang nang tabihan niya ako sa upuan sa baking class na pinasukan ko. Naging magkagrupo pa kami sa mga ibang activities at doon ay nakilala ko pa ng mabuti ang lalaking hinahangaan ko, si Erik.
Buti na lang at marami kaming pinagkakasunduan na bagay, kasama na roon ang pag-eeksperimento sa pagbabake. Kaya nga sa mga exams, hindi ako natatakot na maungusan siya sa grade kasi kita ko na naeenjoy niya yung challenge. Lalo kaming naging close at mas lalo akong nagkaroon ng paghanga sa kanya.
Hindi ko nga inakala na manliligaw siya kasi sa tingin ko ok naman kaming magkaibigan. Kahit gustong gusto ko na siyang sagutin noon, pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi gusto kong makilala namin ang isa't isa. Di yung dahil lang sa isang stuffed toy.
Sinagot ko din siya makalipas ang ilang buwan at masasabi ko na sobrang napasaya ako ni Erik. Para lang kami yung dati, yung magkaibigan. Siguro mas naging malambing lang ako sa kanya at siguro siya din sa akin.
Pero minsan, iniisip ko pa rin kung totoo yung nararamdaman niya. Kung hindi ba siya napilitan dahil ibinigay ko sa kanya si Pipo at ito ang madalas naming pag-awayan.
********
Kasi akala ko nanligaw ka lang dahil sa sinabi ni Pipo.
Ha? Anong sinabi ni Pipo.
Kinuha ko sa kanya ang kahon na pinaglalagyan ni Pipo. Mula doon ay inilabas ko siya at pinisil sa gitnang bahagi ng katawan nito.
I Love You. I Love You. I Love You.
Tinanggal ni Erik ang pagkakapindot ko kay Pipo at hinalikan niya ako sa noo.
Ikaw si Pipo?
O..o.. natatawa kong sagot sa kanya.
Kaya pala iningatan ko. Halika nga dito. Sabay kabig niya sa akin.
Kahit binuksan ko pa si Pipo, hindi pa rin yun yung magiging dahilan kung bakit minahal kita Divine. Hindi ikaw ang tipo ko. Aray! Kinurot ko nga siya sa tagiliran.
Nakuha mo pang magbiro.
Totoo yun. Hindi ako mahilig sa maputi at singkit. Lalong ayoko rin ng babaeng mas matangkad sa akin. Pero yun palang mga yun hindi na mahalaga once makilala mo na yung babaeng mamahalin mo.Malay ko bang mamahalin ko ang isang... unggoy!
Tumakbo siya papalayo sa akin habang pinipindot pindot si Pipo.
I Love You. I Love You. I Love You.
Napangiti na lamang ako habang hinahabol ko si Erik. Hanggang tumanda yata kami palagi na niya akong lolokohin tungkol dito. Pero ayus lang kahit maging unggoy ako sa paningin niya. Hindi naman mahalaga yun, basta ba siya ang makakasama ko, uulit-ulitin ko lang sa kanya ang sinasabi ni Pipo. :)
Part I
Pipo (1)
Akala ko hindi ko na makikita yung babaeng yun. Pero a week later ay nakasabay ko siya sa pag-eenroll sa baking class at naging kagrupo ko pa siya sa mga activities doon. Nakilala ko rin sa wakas yung mahiyaing babae na lumapit sa akin dati, yung nagmamay-ari kay Pipo, si Divine.
Part II
Friday, September 9, 2011
ISTAFET!
at sa iba pa na gustong makigulo sa amin
Thursday, September 8, 2011
Excited Me Much
Ako: Syempre naman, ipaghahanda mo ba ako hehe
Akin na ang bente, matuloy lang!
Wednesday, September 7, 2011
Music Box
Kasi naisipan ko rin itong itanong sa isang kaibigan na inaantok daw. Ipiprint screen ko sana yung convi pero hindi kaya sa isang page. Ang dami kasing ligoy nitong kaibigan ko na tawagin na lang natin na si bulakbolero :)) Paikliin ko na lang.
Monday, September 5, 2011
Thursday, September 1, 2011
Pasabook (6) - Result
t-shirt, peanut kisses, Ilustrado book |