Sunday, October 30, 2011
Antok na ko
Thursday, October 27, 2011
Pasabook (8) CLOSED
Haluuuu, andito ulet ako para sa pasabook ngayong buwan ng Oktubre. Pasensiya naman kung medyo nalate kasi nawala siya sa isip ko :)) Pero ayun nga humahabol pa rin tayo at ito po ang ibibigay ko sa maswerteng mapipili ni random.org.
1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas. - oo ako na ang nagtitipid :))
2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!
3. One entry per blogger lang po.
4. Hanggang November 1, 2011 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.
5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Wednesday (Nov. 2, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.
Happy vacation ulit sa ating lahat! God Bless!
Wednesday, October 26, 2011
Heypi Bertdey Dyowel!
****
Medyo mahina ang audio nito, tsuri naman :)
Sunday, October 23, 2011
UVG 587
Papa, hindi po ba tayo dadaan sa gasolinahan?
Somebody - Depeche Mode
Mp3-Codes.com
Friday, October 21, 2011
Full Tank na Love nga po ^_^
Thursday, October 20, 2011
Pangarap kong Laruan
Parang love at first.... ano nga yun? sight ba? oo basta tumibok agad pagkakita ko pa lang sa kanya. Gusto ko siyang mapasaakin. Subalit nanliit agad ako sa lugar pa lang kung saan siya nakalagay. Maporma ang kadalasang pumapasok doon tapos ano... mababango pa. Ako kasi ano... naliligo naman ako kaya lang kulang pa rin. Hanggang tingin na lang yata ako sa laruang gusto ko.
Ako nga pala si Neng - di ko tunay na pangalan- tindera ng basahan.
********
Manicure, pedicure, footspa at kung anu-ano pang kakikayan ang sinikap kong matutunan para makadagdag sa pang araw-araw naming pangangailangan at makapag-ipon na rin para mapasaakin na ang laruang iyon. Pero kahit abala ako sa pagttrabaho ay hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral. Gusto ko kasi ay maging karapat-dapat ako sa pagpasok ko sa tindahang iyon. Na hindi ako titignan na may kasamang pangungutya ng mga tindera, kasi alam nilang kagalang-galang ako. Na mayroon akong pinag-aralan. Na mayroon akong pambili.
Ako nga pala si Anna - palayaw ko- dating si Neng, nagtitinda pa rin ng basahan pero malapit ng magtapos sa hayskul.
**********
Pagkaraan ng ilang buwan at halos kasabay ng aking graduation ay nakaipon na rin ako ng pambili. Sinabi ko sa aking sarili na bago kami umuwi ni ina ay dadaan kami doon dala-dala ang aking ipon. Ano pa ba ang kulang? Mayroon na akong diploma, mayroon na akong pera, may makakapigil pa kaya sa pagkakamit ko ng laruan iyon? Palagay ko naman ay wala na.
Subalit mali ako. Pagdaan namin sa tindahan ay iba na ang nakalagay sa istante. Dali -dali akong pumasok sa tindahan at siya'y aking hinanap. Wala na siya. Hindi ko na siya makita. Tinanong ko siya sa tindera.
Phase out na daw.
Umuwi akong malungkot nung mga oras na yun. Kahit anong alo ni inay ay walang nangyari. Pakiramdam ko kasi natalo ako. Kung kelan kaya ko na, tsaka naman nawala yung gusto ko.
Ako nga pala si Annalyn Reyes - tunay kong pangalan- highschool graduate.
*********
Nag-apply ako bilang student assistant sa isang unibersidad kapalit ng libreng pag-aaral sa kursong aking napili. Naging mahirap subalit nalagpasan ko din naman ang lahat ng pagsubok bilang isang college student. Nakatapos ako na hindi gaanong gumagastos si inay, maliban sa pagkain at sa damit na isinuot ko noong graduation. Nakakuha rin agad ako ng trabaho at kasunod noon ang pag-angat ng aming pamumuhay. Makalipas lamang ang ilang taon ay may sarili na kaming bahay at hindi na rin nagttrabaho si inay.
Minsan, dumadaan pa rin ako sa tindahan na pinaglagyan ng laruan nagpabago sa aking buhay. Nung araw kasing hindi ko ito nabili ay pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magsasayang ng oras para makuha ang gusto ko, para matupad ang aking mga pangarap.
Hanggang ngayon, ninanais ko pa rin na magkaroon ng laruan na iyon. Pero hindi na yung pigurin na lamang, yung walang buhay at hindi gumagalaw. Gusto ko ay yung nakakasalamuha ko sa araw-araw. Yung mababahaginan ko ng aking nalalaman. Yung magiging magandang halimbawa sa mga batang kanilang sinasanay at tinuturuan.
Ako nga pala si Dr. Annalyn Reyes, guro at ngayon ay isa sa mga dekana ng unibersidad na aking pinagtapusan.
(piktyur mula sa google)
Isasali ko sana ito sa SBA subalit hindi ko siya natapos. Ayun, pinost ko na rin bilang pagsuporta. :)
Friday, October 14, 2011
Tuesday, October 11, 2011
Sign
SANTOLAN
Monday, October 10, 2011
Sunday, October 9, 2011
Last Friday Night
Friday, October 7, 2011
Tara na't magbulakbol kasama ang bolero :)
Alona Kew Beach Resort in Bohol |
Wednesday, October 5, 2011
Perfect Destination
Tanggal Stress na Ngiti
piktyur ni Anne galing dito
Tuesday, October 4, 2011
FB Stat (9) Password Protected
Monday, October 3, 2011
Day 9
Gud morning po tita
Anong ginagawa mo dito? Lakas din naman ng loob mong walangya ka!
Ma, walang kasalanan si James.
Tita, let me explain...
Ngayon ka pa mag-eexplain, nasan ka nung dinala si Celine dito sa ospital
Ma, alam mo naman na...
Madami lang po akong inasikaso, kailangan ho ako sa kumpanya.
Letcheng trabaho mong yan, uunahin mo pa kesa sa anak ko?Aba mabuti pang yan na lang trabaho mo ang pakasalan mo.
Tita nagpunta po ako para dalawin si Celine.
Ma, please tama na.
Pasalamat ka ikaw ang pinili ng anak ko. Pagalit na sabi ni Mama bago lumabas ng pinto.
Hi babe, kamusta na? Mukhang highblood si tita ah. Malamang nawalan ng sustento.
Shhhh hayaan mo na lang si mama. I'm ok. Eto hindi makagalaw. I miss you babe.
I miss you babe. Kelan ba ang gising mo? Tinatanong ka na ni Papa. Actually hindi ko pa sinasabi sa kanya ang nangyari. Ang sabi ko lang you went on a vacation.
Why?
Papagalitan ako nun at siguradong irereto na sa mga anak ng kumpadre niya. I'm sorry babe, pero kilala mo naman si Papa di ba?
Naiintindihan ko.
Alam mo namang ayaw niya sa relasyon natin di ba? Mababaw pero...writer ka kasi. Sabi ko naman sa'yo, kaya naman kitang buhayin. Hindi mo na kailangang magsulat kung saan-saan at lalong hindi na lalabas ang pangalan mo sa mga pipitsuging pocketbook na yan. All you have to do is marry me. Ganun kasimple. Pero ang tigas- tigas ng ulo mo, ayaw mo pa ring magpakasal. Tignan mo ang nangyari.
James, alam mo namang first love ko ang pagsusulat.
Kapag nagising ka na, magpapakasal na tayo. Ititigil mo na yang pagsusulat mo. I'm serious Celine.
Pero...
I have to go babe. May meeting pa kami, tinatawagan na ako ni Papa. I'll see you, pagaling ka na.
I love...
Bago pa man ako matapos ay marahang nang sumara ang pinto.
Day 1
Hi
...hi din
Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw, matagal ka na pala dito sabi nung nurse na nakausap ko
hindi ko alam, i've lost track of time. Palagi kasi akong tulog.
Ok dito, hindi ka nila papabayaan. Pero wag ka masyado maging kumportable ha, mas masaya pa ring umuwi sa sariling bahay
Kelan daw ba ko lalabas? Naiinip na ko.
Baka matagalan ka pa daw sabi ng doktor pero depende pa rin yun sa'yo
Pinipilit ko na ngang gumising eh
Pero wag mong pilitin, baka lalo kang mapasama. Take your time hanggang kaya mo na. Palagi naman kitang dadalawin dito para hindi ka mainip. Kukuwentuhan kita. Pagpasensyahan mo nga lang mga kwento ko
Bakit naman?
Sabi kasi nung nurse writer ka daw, baka yung mga imbento kong kwento di pumasa sa'yo.
Ok lang yun. Di naman ako choosy baka nga magka-idea pa ko sa susunod na librong isusulat ko.
Pagaling ka ha.
Seriously, natatakot ako baka hindi na ako magising.
Hindi ko inasahan na hahawakan niya ang aking kamay na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Huwag kang matakot, gigising ka din miss. Relax ka lang diyan.
Sir, kung sino ka man na humahawak sa kamay ko salamat. Hindi ko maexplain pero somehow parang nawala yung takot ko. Salamat dahil naiintindihan mo ko, hindi ko pa yata talaga kaya eh may nararamdaman pa kong kirot. Huwag kang mag-aalala gigising talaga ko. Para kay mama. Para kay James. Para na rin sa'yo. Gusto kitang makilala.
Pero habang tulog pa ko pwede bang humingi ng pabor?
Hawakan mo lang ang kamay ko, wag kang bibitaw.
Sunday, October 2, 2011
Butones
Sa post ng isang blogger friend na pangalanan na lang natin na an indecent mind, ay inihambing niya ang relationship natin sa iba sa mga butones ng ating damit. Syempre nakarelate ako, kasi that time ay nagkaroon kami ng misunderstanding ng isang kaibigan kaya nga nagcomment ako sa post na yun nang ganito:
medyo may ibang maluwag na ang pagkakasulsi na butones sa damit ko pero inaayos ko na :)
Update lang 'to guys, just wanna share the good news.
So ayun nga, magbibirthday pa lang ako at nag-iisip kung iimbitahin ko ba siya. Honestly, natatakot ako. Sa loob kasi ng 4 na buwan na magkakasama kami sa iisang opisina at iisang cubicle ay hindi kami nag-iimikan. Di ba baka hindi lang ako pansinin?
Nilakasan ko lang yung loob ko kasi namimiss ko na siya at ang barkadahan namin. Buti na lang talaga, kasi ang sagot na nakuha ko ay YES at eto pa, nakalaan na daw talaga yung araw na yun para sakin :)
At yun nga nung dumating yung araw ng salubong ng birthday ko, ay dumating siya at sobrang saya naming magbabarkada. Parang bumalik lang kami sa college days. ANG SAYA!
Siguro nga binigyan lang talaga kami ni Lord ng panahon para mag-isip. Isipin kung hahayaan ba naming masira ang aming pagkakaibigan para lang sa mga bagay na pwede naman pag-usapan.
Salamat po sa pinadala Niyong messenger para maging daan para matauhan ako at sa courage na binigay niyo sa akin para ayusin at higpitan ang maluwag na pagkakatahi ng butones sa aking damit. Thanks Bro!
Ngayon, eto andito kami sa opisina nilalantakan ang dala kong siomai at eksayted na rin kami para mamaya kasi manonood kami ng sine. Bonding time! Salamat po ulit Bro!