Papa, hindi po ba tayo dadaan sa gasolinahan?
Bakit anak nasi-CR ka ba?
Hindi po. Sabi kasi ni Jillian, mahilig daw po kayo dumaan dun. Magpapagasolina ka ba papa?
******
Birthday ni Melissa. Naisipan ko siyang ipasyal at pagkatapos ay kumain sa labas. Nais ko rin kasing i-test drive ang bago naming biling sasakyan na gagamitin kong pangbyahe. Bagong sasakyan. Bagong buhay.
Balak ko ng painitin ang makina nito nang makita ko si Melissa doon sa isa. Yung luma.
Melissa anak, bakit nandyan ka? Dito tayo sa bago, mas malamig dito. Tsaka mas maluwag.
Ayoko po papa, magagalit si Jillian. Dito daw niya gusto, kaya dito na lang po tayo. Pleaseeeeee
Si Jillian ang imaginary friend ni Melissa. Sabi ni dok, normal lang daw ito at mawawala din. Pero sa case ni Melissa, ilang taong na niya itong kasa-kasama. Hinayaan ko na nga lamang ito dahil hindi naman ito nakakaapekto sa kanyang pag-aaral at pakikisalamuha sa ibang bata.
Anak, kailangang i-test drive ni papa itong bago nating sasakyan. Dito na lang tayo.
Ayoko po papa, kung hindi po tayo dito sasakay, huwag na lang po tayong umalis. Sabay simangot ni Melissa.
Ang kanyang pagsimangot ay katapusan na nang aming diskusyon. Siya na lamang kasi ang natitira sa akin kaya naman hindi ko makuhang tumanggi sa aking anak. Namatay ang aking asawa upang maisilang sa mundo si Melissa kaya naman ganun ko ito kamahal. Lahat yata ng kanyang hiling ay hindi ko matatanggihan.
Ilang minuto na kaming umaandar sakay sa dati kong sasakyan ng simulang humimig si Melissa ng isang kanta. Bagamat hindi ko alam ang pamagat nito ay bigla akong kinabahan. Pamilyar ang kantang ito, kakabit ng isang nakaraan na gusto ko nang kalimutan. Katulad ng pagpapalit ko ng sasakyan. Gusto ko na ng bagong buhay.
Patuloy sa paghimig si Melissa at maya-maya pa ay sinimulan na niya itong kantahin.
“I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts know my intimate details...”
Anak, saan....saan mo natutunan yang kanta na yan, maganda ah...
Papa, tinuro po sa akin ni Jillian. Magaling siyang kumanta papa.
Ah talaga. Sige anak magpaturo ka pa ng iba. Malay mo maging magaling ka din tulad niya.
Papa, hindi po ba tayo dadaan sa gasolinahan?
Bakit anak nasi CR ka ba?
Hindi po. Sabi kasi ni Jillian, mahilig daw po kayo dumaan dun.
Magpapagasolina ka ba papa?
******
“I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts know my intimate details...”
Neng daan lang tayo sa gasolinahan ha. Nasi- CR kasi ako.
Matatagalan ba tayo kuya?
Hindi madali lang, may malapit naman doon papunta sa inyo.
Ah.. sige...
Dinig na dinig ko pa siyang kumakanta habang pinapark ko ang sasakyan sa lumang gasolinahan.
“Someone who’ll stand by my side
Give me support
And in return he’ll get my support”
Ang mga titik ng kanta’y unti-unting naging himig na lamang habang nakapatong ako sa kanya at nakatutok ang punyal na kanina'y nakatago sa aking upuan. Wala iyak o sigaw akong narinig hanggang sa malagutan siya ng hininga mula sa aking pagkakasakal. Malaya kong nagawa ang aking gusto. Walang nakaalam. Walang nakapagsumbong. Piping saksi ang lumang gasolinahan sa kamunduhang aking ginawa.
******
Sabi kasi ni Jillian, mahilig daw po kayo dumaan dun.
Nanlamig ako sa aking kinauupuan sa sinabi niyang iyon. Nagkunwari na lamang ako na hindi apektado subalit lalo pang lumakas ang paghimig niya sa kanta.
Anak huwag mong masyadong laksan, tayo lang naman ang tao dito.
Sabi ni Jillian hindi mo raw maririnig kaya nilalakasan ko papa. Hindi mo daw siya narinig. Bad ka papa. Bad ka papa.
Bigla akong napahinto sa pagmamaneho.
Anak ano bang nangyayari sa’yo?
Hindi sinasagot ni Melissa ang aking tanong bagkus ay patuloy lang siya sa paghuni ng kanta. Parang bigla siya natulala at nakatingin lamang sa kawalan.
Ilang beses ko siyang inaalog subalit hindi niya ako pinapansin. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha ng mga sandaling iyon.
Jillian huwag mong gawin sa akin ito. Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa’yo pero ako na lang ang singilin mo wag mo ng idamay si Melissa. Bata pa ako nun, mapusok at maraming kalokohan. Pero nagbago na ko ngayon. Maawa ka kay Melissa. Maawa ka sa anak ko.
“I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts know my intimate details”
Wala pa ring nangyayari.Mababaliw ako habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko na alam ang aking gagawin.
Maya-maya pa’y pinaandar ko na ang makina ng sasakyan. Pinaandar ng mabilis, baka sakaling may mangyari. Bahala na. Kailangan kong subukan. Kailangan kong magbagong buhay.
Para kay Melissa.
************
Tanaw-tanaw ko ang aking anak habang lumalakad siya papalayo sa akin. Ilang beses na niya akong pinupuntahan. Ilang beses ko na ring pinipigilan ang aking sarili na hindi mapaiyak sa tuwing nakikita ko siya. Ganun pa rin, maliban sa pagsagot sa aking mga tanong ay nananatili siyang tahimik. Minsan ay bigla na lamang mapapatitig sa akin na tila ba nagtatanong kung bakit namin kailangan maghiwalay.
Kailangan ko munang pagbayaran ang kasalanang aking nagawa. Siguro kapag malaki ka na anak, sasabihin ko din sa’yo kung bakit. At sana pag dumating ang panahong iyon ay maintindihan mo si papa. Sana ay mapatawad mo ako, ninyo ni Jillian. Gusto ko nang makalaya. Makalaya sa nakaraan. Gusto ko ng magbagong buhay.
Para sa iyo anak.
Somebody - Depeche Mode
Mp3-Codes.com
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNatakot ako. ahahahhaha! lupet te mads ah. May imaginary friend ka ba ate mads? Pakilala mo naman sakin. lol
ReplyDeletebitin ako...
ReplyDeletegaling...
ReplyDeletegoodluck! :D
ReplyDeleteRainbow
anong ginawa ng papa niya kaya?nagpakulong?
ReplyDeleteang galing!
ano anyare?.... ang galing...elibs na talaga ako saiyo madz.. :D
ReplyDeleteshy!
ikaw na talaga! wala kang kalevel! balato ah?!! :p
ReplyDeletean_indecent_mind
hala may mumu!! good luck sa entry mo! :D
ReplyDeleteAng galing!!!!!
ReplyDeleteEh pano pa ko sasali? Hahaha. Masyado naman ginalingan ni Ate. Ajujujuju.
ReplyDeleteOMG!! sent shivers down my spine.. you already!! crap, images are stuck in my head.. waaah! kelangan ma-disassociate ang song na 'to from the images.. waaah! or else, everytime that song would play, i'd remember the images.. waaaaaah! :|
ReplyDeleteoh, btw, good job! :)
WAHIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHI!!! kinabahan ako.. GANDAAAAA :tup
ReplyDeletePangalawang beses ko ng nabasa 'to. Dahil na rin sa pagnanais ko na makasali sa pakontes ni GasDude, binalikan ko ang mga nauna ng nagpasa ng lahok nila.
ReplyDeleteScary.
kinilabutan ako sa middle part....
ReplyDeletelupet!
gudluck
bonggang first entry to gasoline's contest!
ReplyDeleteSalamat sa pagsali sa aking munting patimpalak. Binasa ko ulit, at minarkahan. Good luck!
ReplyDeleteNapakagaling! :)
ReplyDeleteNamarkahan ko na rin hehe!
ReplyDeleteAfter more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)
ReplyDelete