Pages

Sunday, October 9, 2011

Last Friday Night



10:00AM - Umaga pa lang ay eksayted na ako at nagdadasal na rin na sana ay huwag umulan para hindi ako tamarin sa aking lakad.Nagpaalam na rin ako sa aking supervisor para makapag-undertime. Oo ako na talaga ang excited. 

4:00PM Nag-out na ako at tumungo sa Cubao. Mukhang hindi uulan, nagwork yata ang itlog na inalay ko at yung sun dance na ginawa ko nung umaga. :)) Habang hinihintay ang aking makakasama, nagpunta muna ako sa National Bookstore at naghanap ng pwedeng basahin at ipasabook. Pero ilang minuto pa lang ay lumabas na agad ako dun kasi naman, SOBRANG INIT! Hindi yata uso ang aircon sa branch na yun. Antay pa ng konti sa aking kasama na pangalanan na lang nating Pnoy at nung dumating siya ay diretso na agad kami sa aming destinasyon. Sa 19 East para mapanood ang paborito kong banda na Up Dharma Down.

8:00PM - Pagdating namin dun ay wala pang tao. Takte nagtanong kami, 10pm pa daw. hahahaha Kaya naman lumamon muna kami ng kangkong na may peanut sauce w/ lechon kawali toppings, pinaputok na tilapya na mukhang hiniwaan lang sa tagiliran at special pandan iced tea. Unang tikim ni Pnoy sa iced tea niya, sobrang tamis daw tapos pagtikim ko dun sa akin, sobrang pait naman. Parang huling nilagyan yung sa akin kasi tumining na yung tsaa. Buti na lang nadaan sa yelo at masayang kwentuhan.

Maagap kami pumasok dun sa bar after kumain kasi sabi ko baka mawalan kami ng pwesto. Pagpasok namin, ayun kami ang kaunahan LOL Dun kami sa malapit sa stage. Minsan lang 'toh kaya nilubos-lubos ko na.

10:00PM - Nagsimulang tumugtog ang Hidden Nikki. Ayus naman ang tugtugan nila at kyut ang vocalist. Yun nga lang parang hipid na hipid ang buhok niya ate Charo. LOL 



ang larawan ay ninenok sa kanilang FB page 

Sumunod ang Radioactive Sago Project. Actually di ako nakikinig sa kanila kasi kala ko rakrakan din sila tulad nung iba. Pero di pala. Ang galing nila infairness. Kahit isa o dalawang salita lang yung lyrics at paulit-ulit lang, hindi siya nagmukhang trying hard kasi  kering keri nung mga instrumento na gamit nila (hindi ko alam ang tamang term). Tapos kyut din yung parang DJ dun na band member daw ng Keso.


ang larawan ay ninenok sa kanilang blog


At  sa wakas, tumugtog din ang aking fave band: Up Dharma Down. Pootek inlove na ko kay Armi (vocalist ng UDD). Ang ganda niya este ng boses niya at walang pinag-iba yung live version. Napatulala na nga lang ako hanggang matapos yung set nila eh. Akala ni Pnoy di ako nag-enjoy kasi daw di ako naimik. hahaha pero sa totoo lang siksik, liglig at nag-uumapaw ang kasiyahan ko kasi narinig ko silang tumugtog ng live. 

  
ang larawan ay ninenok sa kanilang FB Page

2:00AM - Tapos na ang gig. Pauwi na kami pero sobrang lakas ng ulan. Wala akong dalang payong. Ang dala naman ni Pnoy eh yung trusted mini-payong niya kaya inantay na lang namin yung ipapahiram ni manong gurad na jumbo payong na hanggang gate lang ang renta. Habang inaantay ang payong, eh ginawan namin ni Pnoy ng istorya ang fountain na nasa harap namin. LOL May drama, horror, sci-fi. fantasy at kung anu-ano pang kwento ang nabuo namin. Saya lang.

Paglabas namin ng gate, ayun nagtampisaw kami sa ulan. Pootek yan nakuha pa ni Pnoy magbiro, tinatanggal yung payong. Adik! :D Nahiya tuloy ako sumandal sa bus na sinakyan ko kasi basang basa yung likod ko ate Charo. Hindi ako nakanakaw ng tulog.


4:00AM - Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, diretso tulog na ko. Bahala na kung lagnatin mamaya. Sulit na sulit naman ang lakad :D 


PS.

Wala akong piktyur na nakuha kasi napatulala na lang ako nung nagsimula na silang tumugtog. Wala na kong ginawa kundi tumutok at makinig sa kanila :)) 

Salamat Pnoy sa pagsama sa akin last Friday! Sa uulitin \m/




5 comments:

  1. ang busy ng buhay mo. hehehe ang tagal ko na palang nagbakasyon at nagbago na mukha ng blogsite mo. cheers!

    ReplyDelete
  2. Haha! Ang saya naman.. Ang aga nyong dumating, alas8.. pero ayos din kasi at least, may time para lumamon. haha! At dancing in the rain yung drama nyo bago umuwi? lol..

    Enjoy na enjoy ah.. :D

    ReplyDelete
  3. :mj ang saya saya naman nyan mads! haha

    -jeson

    ReplyDelete
  4. up dharma pala peborits mo. hehehe. wala ako alam sa songs nila.... ako na ang wala masyado hilig sa banda :p

    ReplyDelete
  5. lol sa pnoy. naisip ko tuloy kung ano ang pagkakahawig ng kasama mo kay pnoy? e mukhang ayaw nya naman kay pnoy di ga?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design