Monday, October 3, 2011

Day 1

Hi


...hi din


Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw, matagal ka na pala dito sabi nung nurse na nakausap ko


hindi ko alam, i've lost track of time. Palagi kasi akong tulog.


Ok dito,  hindi ka nila papabayaan. Pero wag ka masyado maging kumportable ha, mas masaya pa ring umuwi sa sariling bahay

Kelan daw ba ko lalabas? Naiinip na ko.


Baka matagalan ka pa daw sabi ng doktor  pero depende pa rin yun sa'yo


Pinipilit ko na ngang gumising eh


Pero wag mong pilitin, baka lalo kang mapasama. Take your time hanggang kaya mo na. Palagi naman kitang dadalawin dito para hindi ka mainip. Kukuwentuhan kita. Pagpasensyahan mo nga lang mga kwento ko


Bakit naman?


Sabi kasi nung nurse writer ka daw, baka yung mga imbento kong kwento di pumasa sa'yo. 


Ok lang yun. Di naman ako choosy baka nga magka-idea pa ko sa susunod na librong isusulat ko.


Pagaling ka ha.

Seriously, natatakot ako baka hindi na ako magising.


Hindi ko inasahan na hahawakan niya ang aking kamay na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.


Huwag kang matakot, gigising ka din miss. Relax ka lang diyan.


Sir, kung sino ka man na humahawak sa kamay ko salamat. Hindi ko maexplain pero somehow parang nawala yung takot ko. Salamat dahil naiintindihan mo ko, hindi ko pa yata talaga kaya eh may nararamdaman pa kong kirot. Huwag kang mag-aalala gigising talaga ko. Para kay mama. Para kay James. Para na rin sa'yo. Gusto kitang makilala.


Pero habang tulog pa ko pwede bang humingi ng pabor? 

Hawakan mo lang ang kamay ko, wag kang bibitaw. 





7 comments:

  1. comatose?? sino kaya yung lalaking nakahawak sa kanya? hmmmmm nice nice!

    ReplyDelete
  2. may mahaba akong comment pero wag nalang. hihintayin ko nalang ang day 2. :)

    ReplyDelete
  3. ok as promised, di ako magrereact :D

    ReplyDelete
  4. bakit day 9 na agad yung sinundan nito? ah gets ko na. hindi araw araw dumadalaw si james. at nabubuo lang ang eksena ng subconcious na usapan kapag naroon si james kasama ni celine sa ospital.

    susubaybayan ko kung anung mangyayari. :D

    ReplyDelete
  5. hmm... myterious ng slight... nagtaka ako, bat kaya day 9 ang next chapter

    ReplyDelete
  6. ang ganda ha, promise ang galing!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design