Pages

Sunday, October 2, 2011

Butones

Sa post ng isang blogger friend na pangalanan na lang natin na an indecent mind, ay inihambing niya ang relationship natin sa iba sa mga butones ng ating damit. Syempre nakarelate ako, kasi that time ay nagkaroon kami ng misunderstanding ng isang kaibigan kaya nga nagcomment ako sa post na yun nang ganito:

medyo may ibang maluwag na ang pagkakasulsi na butones sa damit ko pero inaayos ko na :) 

Update lang 'to guys, just wanna share the good news.

So ayun nga, magbibirthday pa lang ako at nag-iisip kung iimbitahin ko ba siya. Honestly, natatakot ako. Sa loob kasi ng  4 na buwan na magkakasama kami sa iisang opisina at iisang cubicle ay hindi kami nag-iimikan. Di ba baka hindi lang ako pansinin?

Nilakasan ko lang yung loob ko kasi namimiss ko na siya at ang barkadahan namin. Buti na lang talaga, kasi ang sagot na nakuha ko ay YES at eto pa, nakalaan na daw talaga yung araw na yun para sakin :)

At yun nga nung dumating yung araw ng salubong ng birthday ko, ay dumating siya at sobrang saya naming magbabarkada. Parang bumalik lang kami sa college days. ANG SAYA!



Siguro nga binigyan lang talaga kami ni Lord ng panahon para mag-isip. Isipin kung hahayaan ba naming masira ang aming pagkakaibigan para lang sa mga bagay na pwede naman pag-usapan.

Salamat po sa pinadala Niyong  messenger para maging daan para matauhan ako at sa courage na binigay niyo sa akin para ayusin at higpitan ang maluwag na pagkakatahi ng butones sa aking damit. Thanks Bro!

Ngayon, eto andito kami sa opisina nilalantakan ang dala kong siomai at eksayted na rin kami para mamaya kasi manonood kami ng sine. Bonding time! Salamat po ulit Bro!

5 comments:

  1. yeheeeeeeeeeeeeyyy! magpugay para dito. Kapayapaan.

    ReplyDelete
  2. naks, good news nman pla, positive positive thoughts pa ikaw nalalaman, hahah

    ReplyDelete
  3. salamat sa pag-link madz!

    buti naman kahit papano e may napupulot ka pa ding katinuan sa kakatambay sa kwarto ko! bwahahaha!!

    masaya yung ganyang make-up reunion!
    namiss ko tuloy bigla barkada ko :(

    ReplyDelete
  4. this is another proof na lahat ng bagay ay naghihintay lamang ng sapat na panahon at tamang pagkakataon at akas ng loob sa bahagi ng bawat isa para ayusin at ituwid ang minsang nagiging magulong relasyon at pakikipag kaibigan.

    madz, masaya ako na nakita mo yung kahalagahan ng tapang at kababaang loob. happy birthday ulit para yan next year!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design