d2 n q mla, san ka?
Andito na pala si Gian, saan na naman kayang lugar nagmula yun? Parang last time sa Baguio yata o somewhere north siya nagpunta eh. Hindi na talaga natigil ang paa nun sa kagagala.
Hindi ko muna sinagot ang kanyang text kasi sigurado...
Boy you got hearbeat runnin' away
Beating like a drum and its coming your way
Can't you hear that boom badoom boom
Boom badoom boom bass
(malakas na pagtunog ng aking telepono)
Ang tagal mo namang sumagot Hannah
Eh sorry naman napasayaw kasi ako sa ringtone ko. hahaha o bakit ka napatawag?
Di mo ba nareceive text ko?
Nareceive.
E ba't di ka nagreply?
Kuya, atat? May pupuntahan? Haha Alam ko kasing tatawag ka kaya inantay ko na. O e ano bang bago? Sang lupalop ka na naman napadpad?
Secret. Pero may good news ako sa'yo. Finally nahanap ko na siya.
Tao ba 'to? Hayop? Lugar? Pangyayari?
Haha adik ka talaga Hannah. Natatandaan mo ba yung kinuwento ko sa'yo? Kung bakit ako gumagala?
Weh? Nahanap mo na yung lugar na gusto mong tirhan? Saan?
Kaya nga ko tumawag eh. Kasi isasama kita dun.
Takte baka malayo? Pagpaalam mo muna ko kay mama.
Nagpaalam na bago pa ko tumawag sa'yo.
Wow. Pinaghandaan talaga.
Siyempre.Kaya maligo ka na, suot ka ng maganda ha.Tapos dalhin mo si Bugoy, magpapapiktyur tayo.
Takte demanding ka na ngayon? Sige sige punta na lang ako dyan sa inyo.
Habang naliligo ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Sa wakas eh matitigil na rin Gian sa pagliliwaliw kung saan-saan. Simula pa nung highschool eh pangarap na niyang gumala. Lagi kasi niyang sinasabi, may gusto siyang puntahan. Yung lugar daw na magbibigay sa kanya ng true happiness (ang arte lang!) at peace. Di daw siya titigil hangga't di niya natatagpuan ang place na yun. Siyempre bilang kaibigan niya sabi ko pag dumating yung time na yun eh isama niya ko. Haaay bat bigla naman akong nalungkot? Sana malapit lang yun para makikita ko pa rin siya.
Diretso agad ako sa kanila pagkatapos kong magbihis. Dala-dala ang regalo niyang camera na si Bugoy ay nagsimula na akong kumatok sa kanilang pinto.Nakailang katok at tawag din ako pero walang sumasagot. Aba, hindi na yata nakapaghintay si Gian. Mukhang nauna na. Pambihira talaga.
Aalis na ako ng tumunog ang aking telepono.
Boy you got hearbeat runnin' away
Beating like a drum and its coming your way
O nasan ka ba? Kanina pa ko kumakatok eh.
Relax lang. Pasensya na hindi kita narinig. Sige pasok ka na dito ko sa taas.
Ang dilim naman dito kina Gian. Naputulan ba sila ng ilaw?
Pag-akyat ko ay nakita ko si Gian na nakaupo sa may terrace.
Hoy Gian, sarap ng upo mo diyan, akala ko ba aalis tayo?
May sinabi ba ko na aalis tayo?
E sabi mo nahanap mo na yung lugar na gusto mo dun ka na magsstay.
Nahanap ko na nga.
Hinila ko siya sabay sabing: o e di tara na!
Pero nagpabigat lang siya at muntik na akong malaglag. Buti na lang tumayo na siya at napayakap na lang ako sa kanya.
Matagal ko na palang nakita yung lugar na hinahanap ko eh.
O e san ba?
Pwede ba makinig ka muna.
Ok.
Dami ko ngang lugar na pinupuntahan. Pero kahit naging masaya ako parang laging may kulang. Akala ko kung ano... sino pala.
Ha? Kala ko ba lugar? Ba't naging tao.
Magulo eh. Pero pwede na ba tayong magpapiktyur?
Ha? Saan ba?
Dito lang.
Ito na yung lugar/tao?
Hannah, pagong ka ba?
Hahaha, slow ba? Sorry di ako makahabol.
Sa totoo lang kahit nakukuha ko na yung gusto niyang sabihin, hindi ko pa rin maabsorb.
Iniharap niya ako sa kanya at tinignan ako sa mga mata.
Nahanap ko na yung lugar Hannah. Diyan ko gustong tumira. Sa puso mo. Kaya i-ready mo na yang si Bugoy at magpapiktyur na tayo. Sa wakas, alam ko na kung saan at kanino ako magiging masaya. Ikaw lang pala, pwede ba kong tumira diyan Hannah? Kahit rent-to-own lang muna. Huhulug-hulugan ko ng pagmamahal ko sa'yo.
Boy you got hearbeat runnin' away
Beating like a drum and its coming your way
Can't you hear that boom badoom boom
Boom badoom boom bass
Sakto. Galing ng timing ng telepono ko. Sasagutin ko na sana pero pinigilan ako ni Gian.
Si tita yan, makikibalita lang. Wag mo na yang sagutin, ako na lang.
Astigin!
ReplyDeleteI can feel it teh! ♥
astig lumalovelife, maganda nag storya. hahahaha.
ReplyDelete-kikilabotz
like ko ang linya. hanep! :D
ReplyDeletewla ka parin kakupas-kupas lola sa pagkukwento, ikaw na si lola basyang...:))) napa-ngiti naman ako after ko mabasa..Nice blog.
ReplyDeletealam ko madz malikhain ka sa paggawa ng mga ganitong kwento pero mas nagiging malikhain ka pa dahil sa nag iisang sangakap na meron dito. ANG PAG-IBIG hahaha
ReplyDeletehehehe. yown oh. edi piktyuran na.
ReplyDeletekinikilig ako. haha!
ReplyDeletewaaaaa kakilig naman nito! yiiiiiii!!
ReplyDeleteang galing mo talaga madz magsulat ng kwento at hanga ako sa bilis mong magsulat. i know, inspire ka marahil. at dahil happy ending, alam ko ring masaya ka.
ReplyDeleteingats, madz!
Hi there, first time here.
ReplyDeleteNaloka ako sa kwento mo dito. Nakaka-movie. Haha!
Ganun naman e. When you feel like there's something missing even if you have everything, yung kulang usually turns out to be someone.
Haha. Solid naman na banat. Ayos ah? Napakahalaga ng role ni Nicki Minaj dito. LOL. Ikaw na ate ang writer.
ReplyDeleteWow inspired at happy ending, galing!
ReplyDelete:tup
ReplyDeleteganda ng wento. ibang klase mga piksyon mo! :D
mukang bagay to sa mga lakwatsador na naghahanap ng lablablab
congats para dito te mads! kelan kaya ko makakasulat ng kwento? hahah kainaman, tamad ko kase. Kung pwede ang automatic nakasulat na yung nasa isip ko.
ReplyDeletein the m(.)(.)d for l(.)ve
ReplyDelete<3
asan na pala yung picture?
ReplyDelete