Parang love at first.... ano nga yun? sight ba? oo basta tumibok agad pagkakita ko pa lang sa kanya. Gusto ko siyang mapasaakin. Subalit nanliit agad ako sa lugar pa lang kung saan siya nakalagay. Maporma ang kadalasang pumapasok doon tapos ano... mababango pa. Ako kasi ano... naliligo naman ako kaya lang kulang pa rin. Hanggang tingin na lang yata ako sa laruang gusto ko.
Ako nga pala si Neng - di ko tunay na pangalan- tindera ng basahan.
********
Manicure, pedicure, footspa at kung anu-ano pang kakikayan ang sinikap kong matutunan para makadagdag sa pang araw-araw naming pangangailangan at makapag-ipon na rin para mapasaakin na ang laruang iyon. Pero kahit abala ako sa pagttrabaho ay hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral. Gusto ko kasi ay maging karapat-dapat ako sa pagpasok ko sa tindahang iyon. Na hindi ako titignan na may kasamang pangungutya ng mga tindera, kasi alam nilang kagalang-galang ako. Na mayroon akong pinag-aralan. Na mayroon akong pambili.
Ako nga pala si Anna - palayaw ko- dating si Neng, nagtitinda pa rin ng basahan pero malapit ng magtapos sa hayskul.
**********
Pagkaraan ng ilang buwan at halos kasabay ng aking graduation ay nakaipon na rin ako ng pambili. Sinabi ko sa aking sarili na bago kami umuwi ni ina ay dadaan kami doon dala-dala ang aking ipon. Ano pa ba ang kulang? Mayroon na akong diploma, mayroon na akong pera, may makakapigil pa kaya sa pagkakamit ko ng laruan iyon? Palagay ko naman ay wala na.
Subalit mali ako. Pagdaan namin sa tindahan ay iba na ang nakalagay sa istante. Dali -dali akong pumasok sa tindahan at siya'y aking hinanap. Wala na siya. Hindi ko na siya makita. Tinanong ko siya sa tindera.
Phase out na daw.
Umuwi akong malungkot nung mga oras na yun. Kahit anong alo ni inay ay walang nangyari. Pakiramdam ko kasi natalo ako. Kung kelan kaya ko na, tsaka naman nawala yung gusto ko.
Ako nga pala si Annalyn Reyes - tunay kong pangalan- highschool graduate.
*********
Nag-apply ako bilang student assistant sa isang unibersidad kapalit ng libreng pag-aaral sa kursong aking napili. Naging mahirap subalit nalagpasan ko din naman ang lahat ng pagsubok bilang isang college student. Nakatapos ako na hindi gaanong gumagastos si inay, maliban sa pagkain at sa damit na isinuot ko noong graduation. Nakakuha rin agad ako ng trabaho at kasunod noon ang pag-angat ng aming pamumuhay. Makalipas lamang ang ilang taon ay may sarili na kaming bahay at hindi na rin nagttrabaho si inay.
Minsan, dumadaan pa rin ako sa tindahan na pinaglagyan ng laruan nagpabago sa aking buhay. Nung araw kasing hindi ko ito nabili ay pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magsasayang ng oras para makuha ang gusto ko, para matupad ang aking mga pangarap.
Hanggang ngayon, ninanais ko pa rin na magkaroon ng laruan na iyon. Pero hindi na yung pigurin na lamang, yung walang buhay at hindi gumagalaw. Gusto ko ay yung nakakasalamuha ko sa araw-araw. Yung mababahaginan ko ng aking nalalaman. Yung magiging magandang halimbawa sa mga batang kanilang sinasanay at tinuturuan.
Ako nga pala si Dr. Annalyn Reyes, guro at ngayon ay isa sa mga dekana ng unibersidad na aking pinagtapusan.
(piktyur mula sa google)
Isasali ko sana ito sa SBA subalit hindi ko siya natapos. Ayun, pinost ko na rin bilang pagsuporta. :)
Kasi bakit hindi ito napasama? Di bale sa puso ng isang nilalang panalo ka na! :D
ReplyDeleteAko nga pala si Joey. Hindi lasenggo at hindi rin naninigarilyo. Ang umibig lamang ang tangi kong bisyo :D hahaha.
inspiring. sana sinali mo na rin, madz.
ReplyDeleteminsan, kahit sabihin nating fiction yung mga kwentong gaya nito, alam na alam rin natin na maraming ganito sa atin. minsan, tayo mismo o kaya naman, kaibigan o kakilala. nakakatuwa kung saan tayo o sila dinala ng pangangarap at pagsisikap na abutin ito.
ang galing naman! tunay nga pag may pangarap ka at nagpursigi kang makuha ito eh magagawa mong lahat ng pagsusumikap...pero di man natin nakuha ang gusto natin sa huli but still we tried our best!!naks! what am i saying?!!! hehehe
ReplyDeleteNagsimula sa isang pangarap.
ReplyDeleteMaganda.
Sana sinali mo na. hehe ;)