Tuesday, October 11, 2011

Sign


 
Dito ka. Higit sa akin ni Zeb habang nasa loob kami ng MRT.

Ano ka ba naman Zeb, sardinas na nga tayo dito sa loob tapos feeling mo pa rin eh mawawala ako. Relax.

Baka mamaya madukutan ka.

Wala naman silang mahihita sa akin bukod sa super sexy kong katawan.

Kung anu-ano nalalaman mo diyan. Umisod ka pa dito.

Alam mo ikaw talaga sisisihin ko kapag hindi ako nakahanap ng jowa. Para kang jowa slash bodyguard slash tatay. Ligawan mo na lang kaya ako, ano? Ay, wag na pala kasi alam ko ang tipo mo.

At ano naman yun?

Yung teacher slash madre slash nanay material.

Napatawa ang ilan sa mga katabi namin. 

Ginagawa mo pa kong katatawan Elaine.

O e di sorry naman, hindi ka pa kasi nag-ggirlfriend kaya feeling ko ganyan ang tipo mo. Well anyway, alam mo ba dahil diyan sa sobrang protective mo nakaisip na lang ako ng paraan para magkajowa.Humingi ako ng sign kay Lord.

Sign?

Oo katulad nung napapanood ko sa tv. Humihingi ng sign kung itutuloy ba yung balak o kung siya na talaga. Mga ganun.

Ano namang sign yung hiningi mo?

Secret. Baka hindi lumabas pag sinabi ko sa iba.

Ok bahala ka. Next stop na tayo. Kapit ka na lang sakin.

Opo itay. :)


One week later.


Elaine d aq mkksbay. May pnthn ako impt. See you tom.

Biglang kumabog ang dibdib ko ng mabasa ang text na yun ni Zeb. Ito na ba ang araw na yun??? Shaks, makikita ko na siya. My dream boy.

Rush Hour. Madami na naman ang magsisiksikan sa MRT para mauwi sa kani-kanilang bahay. Bago lumulan ng tren ay sinigurado ko muna na presentable ang aking itsura. This is it! Finally binigay na din Niya ang sign at sa wakas makikilala ko na ang lalaki na makakasama ko for life.

BUENDIA
Negative.

GUADALUPE

Negative.

BONI

Negative. Ito ba talaga yung sign na inaantay ko?? Hayyy sige ilang station pa naman.

SHAW BLVD.

Negative.

ORTIGAS

Negative. May ilang butil na ng pawis na tumutulo kahit paunti-na ng paunti ang tao. Lord, singlehood po ba ang finish line ko? 

SANTOLAN

Negative.  Sige na, kung ito po talaga. Tatanggapin ko na lang.Last station na eh, mukhang wala nang pag-asa.

ARANETA CUBAO

Pagbukas ng pinto ay napatulala na lang ako sa lalaking bumungad sa akin. Nakatitig siya sa akin, malapad ang mga ngiti at may hawak na bulaklak. Hinawakan niya ang aking mga kamay hanggang makababa ako ng tren. 

Paano mo nalaman?

Na?

Hindi mo alam? 

I just took my chance. Baka kasi dumating na yung sign mo. Inunahan ko na, hindi ko kasi ma-imagine na mapunta ka sa iba.

Alam mo bang ikaw yung sign ko? Sabi ko pag dumating yung time na hindi kita makakasabay dun ko makikita si right guy. Na yung unang station na magpproduce ng guy na makikita ko pagbukas ng pinto, yun na yun. And then ikaw... nung akala ko wala na, dumating ka.

Tahimik kaming naglalakad pauwi. Nagpapakiramdaman o ninanamnam lang yung moment. God is so good. Hindi ko alam na andito lang pala yung tao na hinahanap ko and He made me realize it today. 

Malapit na kami noon sa aming bahay nang tanungin ako ni Zeb.

Pwede ba Elaine?

Na ano?

Pwede bang maging tatay slash bodyguard slash boyfriend mo?

Hahahahaha. Zeb obvious na naman di ba? Hindi lang pala ikaw yung sign, ikaw rin yung magiging sagot. I am one lucky girl. Goodnight Zeb.

I don't think it has to do with luck Elaine. It's destiny. Goodnight. :)











10 comments:

  1. nakaramdam nga naman ako ng ibang kilig. Kakaibang kilig. Kakaiba doon sa nararamdaman ko kapag ako'y umiihi.

    Kung sa Adobo ito yung spicy adobo para sa akin. Pinagpapawisan ako. :D

    ReplyDelete
  2. nagulat ako sa sign. haha. kahit parang yun ang ineexpect ko. di ko alam kung bakit. lol.

    ReplyDelete
  3. hahaha, astig ng line na ito mads, ang sarap ng ganyan..

    Hindi lang pala ikaw yung sign, ikaw rin yung magiging sagot.

    ReplyDelete
  4. ayiii! hehe.. siguro ako, hihingi rin ng signs.. kaso, di ako marunong magbasa ng mga signs. lol..

    kakakilig naman hihi.. aw, destiny. Wow. I believe in destiny. hehe..

    ReplyDelete
  5. Naiinis ako.
    Naiinis ako kasi kinikilig ako.
    Bad trip, ang galing mo madz!

    Pede ka bang maging other woman? lels

    ReplyDelete
  6. Ikaw na talaga atte ang writer!

    Akala ko makikita lang niya si Zeb na nakasuot ng sign na hiningi niya. LOL. Nagtapat na din pala si koya. Sila na may lablayp! Payn!

    ReplyDelete
  7. masaya ako para sa mga taong kagaya ni zeb at kagaya ni elaine. yung chance, yung ginawa ni zeb na intervention, yun mismo yung magic ng destiny tingin ko.

    ReplyDelete
  8. WOAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH HAHAHHAHAHA! ANG LUPET NG TWIST NITO ATE MADS! IKAW NA TALAGA! HANGGALEEEENNNG! :''''>

    ReplyDelete
  9. yee nikilig nomon ako nang subra day! hahah

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design